Chapter 14.1

408 36 2
                                    

Naisipan ni Gillian na gawin ang kadalasang ginagawa ng mga taong nasa kanyang sitwasyon ngayon. Ang makidnap at i-lock sa isang hotel room. Tsinek niya ang bintana. Pero nalula siya pagtingin sa baba. Sobrang taas ng gusali. Agad niyang isinara iyon dahil malakas ang hangin at pakiramdam niya'y matatangay siya.

"Never mind. Ayokong mamatay sa aking sariling mga kamay. Napakatanga naman nun. Ang epic!"

Narinig niya ang pagclick ng lock ng pinto. Meaning may papasok. Dinampot ko ang vase sa aking tabi sabay bato sa pumasok!

Pero ang dami nila, mga apat. More than three na din yun. Eh, isa lang yung vase!



"Argh!Sino bang may-ari ng hotel na 'to at kakausapin ko!"Sigaw niya dala ng pagkabigo. Padadagdagan ko yung vase!

Hinawakan ako ng mga lalakeng dumating sa magkabilang braso at iginiya palabas.

"Bitiwan nyo ko!! Tulong! Ugh! Ano ba?! Mga hayup!"Patuloy pa rin ako sa pagpupumiglas hanggang makarating kami sa elevator."Saan nyo ko dadalhin ha?!"

Nang bumukas ang elevator ay napag-alaman kong nasa rooftop pala kami.

Napangiwi ako sa malakas na tunog.

She heard this loud chopping noise.

Nanlaki ang mga mata niya nang makakita ng chopper sa helipad. Pero sigurado ako mas manlalaki ang mata mo kung barko ang makikita mo doon.

"Teka! Wait!"Naku, baka di nila ako gets.Ano bang wait sa chinese,"Saan nyo ba ako dadalhin? Sa China?"

Lord, please. Help me. Ayokong maging made in china.

Ipinasok nila ako sa naturang sasakyan. Nagulat ako dahil may nakaupo doon sa tabi ko. Mukhang boss. Sa kanya ba ako idedeliver?!

"Welcome aboard. I'm—."Hindi na niya pinatapos ito at sinuntok ng malakas sa mukha,"Ouch."

"Fuck you all! Masunog kayong lahat sa impyerno!"Sigaw niya sa mukha nito.

"Ouch again. Let me introduce myself. I'm the owner of this hotel, Mr. Alaric—"

"I fucking don't care, asshole!"

Pumikit ito ng mariin. Mukhang inis na inis.

"Stop talking or I'll cut your tongue off!"Galit na sigaw nito.

"I dare you! Do it!"Mas galit na sigaw ko rito. I am too angry to even care!

"That's why I always have this thing right here. Pretty handy."

Hindi ko napansin na may dala pala itong duct tape. Nang nagtangka itong ilagay iyon sa kanyang bibig ay agad na kinagat niya ang daliri.

Napahiyaw ito sa sakit. Syempre nilakasan ko ang paglapat ng mga ngipin! Lintek lang ang walang ganti.

"Ouch number three."He said in gritted teeth.

Pumikit ako nang itinaas nito ang kanang kamay. Handa na sa nakakabinging sampal nito o ano. Pero wala. Umupo lang ito doon ng tahimik. Nakarating kami sa isa pang gusali. Bumaba. Kinaladkad hanggang makapasok sa elevator at nakarating sa parking lot ng naturang gusali.

Tinulak papasok sa nakaparadang private vehicle. By the looks of it—bulletproof.

Magkatabi pa rin sila sa backseat pero halos dumikit na siya sa pintuan ng sasakyan upang makapagbigay ng kahit gaano kalayong distansya.

Nagtipa ito sa sariling phone at may tinawagan.

Vintage Love (Stand-alone Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon