Chapter 38:Trap in the Other Side

202 12 2
                                    

Nagising ang dalaga sa isang silid na pamilyar sa kanya. Ilang segundo ang lumipas bago niya napagtanto. Ospital. Nasa ospital siya.

Bumilis ang kanyang paghinga. Pamilyar sa kanya ang naturang pakiramdam.

"No... No..."Tumulo ang kanyang mga luha,"Not again. Stellar, you witch... You switched us again."Dinampot niya ang tinidor na nasa bedside table,"I will not stay here. I'm gonna kill you!"

Akmang isasaksak na ng dalaga ang naturang bagay sa leeg nang biglang bumukas ang pinto.

"Stellar! No!"Inagaw ng binata ang hawak na tinidor ng dalaga. Matagumpay naman nitong nailayo ang mapilegrong bagay.

"Wag kang makialam!"

Pinagmasdan niyang mabuti ang binata. Nakakalungkot isipin na may mukha ito ni Kael pero hindi ito ang huli na kilala niya.

"What the hell, Stellar?!"Sigaw nito,"You're here to heal not to kill yourself!"

"Hindi ako si Stellar! Wag mokong itulad sa bruhang yun! Mang-aagaw! Aaah!"She bit her arm.

Nanlaki ang mga mata ng binata at agad na sumaklolo.

Nagsisigaw ng malakas ang dalaga.

"STELL! STOP THIS!"He pinned her on the bed.

Pareho silang hinihingal habang nakatitig sa isa't-isa.

"Please... I wanna...go home."Anang dalaga na hilam sa luha ang mga mata.

"Sshh. You are home."

"Mikael."

He froze.

"How... Where did you... Stellar, did you happen to have those weird dreams too?"

Tumango ang dalaga ng marahan.

"Yes. And I am not Stellar. My name is--"

"Gillian..."Tulalang sambit ng binata,"...and you are real."

"Help me...I wanna go back."

Matagal bago sumagot ang binata habang nakatitig lamang sa mukha ng dalaga. Kinuha nito ang cellphone sa bulsa at nagtipa doon ng ilang sandali. Bago ibinalik ang tingin sa dalaga.

"No. You will stay here."

"W-What?"Bagay talaga kayo ni Stellar. Pareho kayong masasama. Selfish.

"You are in coma  for two years. Miraculously, you woke up today. Stellar or not. To me, you still look the same."

"Are you crazy? I can't live a life like this. I don't know you. You are not Mikael and I am not Stellar. I basically do not belong here! So please... help me. I'm begging you."

"You know I love you, right?"

"I don't know. Paano ko malalaman eh hindi nga ako si Ste--"

"You said you dreamed of me! Of course you should know."

"Listen. If I stay here any longer. I would still meet the same fate."She sobbed.

This is insane. I'm so tired of crazy dejavu for a thousand of years. The saddest thing is some of the past memories remain intact.

"And what kind of fate."

"I would eventually... die."

"Yeah. A hundred percent yes. If you kill yourself. You would surely die."

Bago pa makasagot ang dalaga ay nangunot ang noo nito ng may pumasok na dalawang lalakeng nurse. May dala itong panturok.

"Sir Euros, we're ready."

Nataranta si Gillian.

"What do you need that syringe for?"Saad ng dalaga at bahagyang napaatras sa higaan.

"Hold her."Utos ng binata.

"NO! NO! NO! BITIWAN NYO KO! BITIWAN NYO KO! WAG NYO KONG HAWAKAN! WAG... WAG..."Naramdaman ng dalaga ang biglang panghihina ng katawan.

"Sleep now, love."She felt him kissed her.

Kasunod niyon ay tuluyan ng nilamon ng dilim ang kanyang buong paningin.

☆☆☆

Hi loveys!♡ Akala nyo matatapos na tayo no? Hindi pa oy.😂 Mauna munang matapos ang covid bago 'to. I bet naguluhan kayo ng konti. If gusto nyo ng bonus chapter where I would explain all these katarantaduhan sa istorya just comment "Bonus Chapter" haha. Thank you and stay safe! Sabi nila maaaring mahawa tayo ng virus mula sa paghawak ng pera. Kaya wag mag-alala safe tayong mga walang pera! Joke. Pinapangiti ko lang kayo. Sana okay kayong lahat! Labyu😚

Clue: (nasa first note ko 'to before chapter 1 started)

Clue: (nasa first note ko 'to before chapter 1 started)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Vintage Love (Stand-alone Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon