Edward's POV
Agad siyang napadaing nang daganan siya nang bestfriend niya. Tsk nakapasok na naman ito sa kwarto niya.
"Bheeeeeee gising bheeeee." Makulit nitong sigaw sa may tenga niya kaya inis siyang gumalaw at nang makatihaya siya ay agad itong ngumiti bago umupo sa may tiyan niya at itinukod ang dalawang kamay sa may gilid nang ulo niya. "Morning bheeee." Masaya nitong sabi kaya napailing siya.
"Morning. Alis na ang bigat mo." He said pero instead na umalis ay tumawa lang ito bago yumakap sa kanya kaya nakadagan sa kanya ang bigat nito.
"Namiss kita edwardo." Naglalambing nitong sabi kaya napatsk siya. "Oo nga." Sabi nito kaya mahinang tinulak niya ito at nang makawala ay agad siyang umupo sa kama niya.
"Wag kang OA Miridil magkasama lang tayo kagabi." He said bago siya humikad at halos mapaubo siya nang malakas na hampasin nito ang likod niya. "Aray ko, saan ba gawa yang kamay mo?" He said.
Ngumuso ito bago yumakap sa likod niya. "Bheeee." Malambing nitong sabi.
"Hep alam ko ang tunog nayan. Its a no." Agad na sabi niya at kakalasin na sana niya ang yakap nito nang higpitan nito lalo iyon. "Miridil pag ako namatay sa higpit nang yakap mo, lagot ka talaga sa akin." Banta niya at agad siyang napasinghap nang naglalambing nitong hinalikan ang leeg niya.
"Love love ko ang bestfriend ko." Bulong nito kaya napabuntong hininga siya bago hinawakan ang may katabaan nitong braso na nakaakap sa kanya.
"Oo na, love you din." He said at di na siya nagulat nang halikan siya nito sa pisngi.
"Yesssss, sige ligo ka na bhe. Tas mall tayo, palabas ang Movie na inaabangan ko kaya go na." Nakangiti nitong sabi kaya napailing na tumayo siya at ginulo ang buhok nito.
"Ubos lagi pera ko sayo Miridil." Himutok niya bago kinuha ang tuwalya at dederetso na sana sa banyo na nasa kwarto niya nang napatingin siya sa dalaga na masayang nakahiga na sa kama niya.
Ang hirap nang sitwasyon niya tangina.
----------####-----------
Kailangan lang talagang irelease hhahahaa yung feeling nang Nag iisang Ikaw na di man lang umabot nang isang linggo ay ganun ang feeling ko sa story na to..huhuhu naiiyak ako dahil siguradong ngangalay na naman ang kamay ko.Bat ba ang kulit nang utak ko? Di uso ang kalma?
Gabriel143