Miridil's POV
"Here mag palit ka." Sabi ni Edward sabay bigay nang damit nito sa kanya.
Nasa condo na sila nang binata. Tumango siya bago kinuha ang damit na bigay nito tsaka siya nagtungo sa banyo na tinuro nito. After taking a bath at after makapagpalit ay agad niyang hinanap ang binata. Nasa balkonahe ito at nakatingin sa mga ilaw nang syudad.
"Hey." Bati niya kaya napatingin ito sa kanya.
Ngumiti ito bago hinawakan ang kamay niya at pinatabi siya dito. "You wanna drink?" Tanong nito patukoy sa beer na iniinom nito.
Umiling siya bago binuksan ang folder na dala at ibinigay ang papel dito. "Here." She said at kitang kita niya ang gulat sa itsura nito nang mabasa ang nasa papel.
Ngumiti siya nang mapait bago pinilit ang sarili na wag ma iyak. "Yan ang test results ko nang nagpacheck up ako dati. I was diagnosed with Leukemia five years ago." Huminga siya nang malalim at kinuha ang mga litrato niya mula sa ospital nung nagpapachemo siya. "That was me when I undergo chemotherapy in the US, hindi ako nag diet yung sakit ko nagpapayat sa akin."
Napakagat labi siya nang makitang nagtuluan ang luha ni Edward habang inisa isa ang mga litratong binigay niya.
"For four years nakipaglaban ako." Nang tingnan niya ang larawan na tinitigan nito ay napangiti siya nang mapait. "I was in coma on that picture. Nagkaroon ako impeksiyon at akala nang mga doctor mamamatay na ako. But here I am now buhay nasa tabi mo." She said at agad niyang naikuyom ang kamao nang makita ang huling larawan niya kasama ang mga magulang. "At yan yung huling larawan namin nina mama at papa." She said at nang nagtataka itong tumingin sa kanya at hindi na niya napigilan ang pag buhos nang luha. "They died in a road accident habang naka coma ako. Ni hindi ko man lang sila nakita sa huling sandali." She said at agad siyang napahagulgol.
When she felt his arms hug her ay ibinuhos niya ang sakit na nararamdaman dahil sa pagkamatay nang mga magulang niya. She cried her heart out at hindi ito nagsalita, instead he just hug her tight na tila pinaparamdam nito na andito ito sa tabi niya karamay niya.
"Sorry." She said bago kumalas nang yakap dito at tiningnan ang mga mata nitong may bakas din nang luha. "Sorry kung di ko nasabi, ayaw kung mag aalala ka. Alam kong mali dahil kaibigan kita pero kasi wala akong kasiguraduhan na mabubuhay ako. At ayaw kong andun ka dahil mas masakit sa akin ang makita kang nasasaktan nang dahil sa sitwasyon ko. I know it's selfish pero kung uulitin ang panahon, gagawin ko padin ang ginawa ko." She said.
At agad siyang napahawak sa dibdib nang kumirot iyon nang tahimik na tumayo si Edward at iwan siya sa balkonahe nito.
-----------
Edward's POVAfter iwan si Miridil ay bumaba siya sa may pool area nang condo at tahimik na umupo sa gilid nang pool. Pinipilit man niya pero agad nanikip ang dibdib niya habang tinitingnan ang mga larawan nito.
Halos di niya ito mamukhaan. She look like death sa mga larawan. And when he look at her pictures with her parents ay agad siyang napangiti nang mapait. This people also became his parents. Ang sakit lang isipin na hindi man lang siya nagkaroon nang pagkakataon na magpaalam sa mga ito.
And Miridil. Agad napakuyom ang kamao niya nang maisip ang pinagdaaanan nito. Gusto niyang magalit pero may mababago ba? Nangyari na ang nangyari ang hirap lang tanggapin, iniwan niya ito dahil bigla siyang nahiya. Lumalaban ito para mabuhay sa loob nang ilang taon habang siya piniling magpakain nang galit.
"Ok ka lang iho?"
Agad siyang napapahid ng mga luha nang may madinig siyang boses sa likod niya.
He saw an old man na mukhang tenant din nang condo. Tumango siya pero mukhang di ito naniwala.
"Alam mo mas nakakagaan nang loob kung ikekwento mo sa isang ekstranghero ang problema mo." Sabi nito bago tumabi sa kanya. "Bat ka umiiyak?"
Nagdadalawang isip siya bago sinabi ang mga nalaman mula kay Miridil. Lahat sinabi niya pati ang nararamdaman niya sa dalaga.
"Eh bat ka andito? Diba dapat nasa tabi ka niya?" Sabi nito after niyang mag kwento. Huminga ito nang malalim. "If I were you, pinuntahan ko na ang babaeng yun. Wala ka namang magagawa, tapos na ang mga nangyari. Ngayon ang magagawa mo lang eh ang pasayahin siya. Mahal mo diba? Then show it to her."
"Pero bestfriend ko siya tay, paano kung hindi tugma ang nararamdaman namin? At lumayo siya sa akin?"
"Tsk eh bat mo pinapangunahan nang takot? Dimo pa alam diba? Tsaka iho base sa kwento mo alam ko hindi lang tingin pang kaibigan ang nararamdaman niya sayo. Man up, ang dami nang panahon ang nasayang sa inyo. Kung bastedin ka di ok, parte nang buhay yan. Tsaka unlimited naman ang subok diba? Subok ka lang nang subok hanggang sa mahalin ka niya. Tama na ang pag iisip nang mga posibling mangyari, mas pagtuunan mong isipin ang mangyayari pag nagtapat ka." Sabi nito bago siya nginitian. "And be happy, hindi lahat nang tao nagkakaroon nang tsansa na makasama ulit ang taong mahal nila. She could be dead now pero ito siya buhay at nasa condo mo."
After hearing all those words ay agad siyang tumayo at magpasalamat dito bago nagpaalam. This is it, kahit ano paman ang magiging resulta nang gagawin niya alam niya na kung ano ang dapat gawin. He needs to take risk.
Nang makabalik siya sa condo ay agad siyang kinabahan nang di makita ang dalaga sa balkonahe, but when he saw her bag on the sofa ay agad siyang napatakbo sa kwarto niya. Nakalock iyon kaya malakas niyang kinatok ang kwarto habang tinatawag ang pangalan nito.
And when it open ay agad sumalubong sa kanya ang mugto nitong itsura.
"Ed." She said pero agad niya itong hinila at niyakap.
"I'm sorry, im sorry kung wala ako sa tabi mo habang pinagdadaanan mo ang mga ang isang masalimuot na yugto nang buhay mo." He said bago hinawakan ang mukha nito. "This time I wanna be there, I wanna be with you hanggang sa huling hininga ko."
"E-ed." Naguguluhan nitong sabi.
"Mahal kita. Mahal kita nang higit sa pagkakaibigan Miridil." Kitang kita niya ang gulat sa itsura nito. Ngumiti siya, "mahal kita bilang isang lalaki na nagmamahal sa isang babae, mahal kita sa paraang gusto kong maging asawa ka." Agad niyang pinahid ang luha nitong tumulo sa pisngi nito.
"Mahal kita, mahal na mahal kita mula noon hanggang ngayon Miridil." He said bago siya yumuko at sinakop ang labi nito.
-----------####----------
Oh god ang sabog nang utak ko shet. Pero ngalay na kamay ko hahahahahaAyan ha hindi masyadong madrama ang aminan.
Ganun