Chapter 5

2.2K 210 26
                                    

Edward's POV

Agad siyang kumalas sa paghahalikan nila at isinandal ang ulo sa balikat nito. Nasa loob na sila nang hotel room nila at halos di magkamayaw sa paghahalikan. Pero mali kasi.

"This is not right." He said bago tumingin dito. Napangiti siya nang makita ang bakas nang halik niya sa labi nito. "We can't do this bhe." He said bago huminga nang malalim at yumakap dito. "I can't kiss you more dahil baka pagsisihan mo." Bulong niya bago siya kumalas dito at tumalikod.

He the grab a robe at binalikan ang dalaga. Isinuot niya iyon dito bago ito tinitigan. "Take a bath now." He said.

"Hahalikan mo paba ako mamaya?" Inosente nitong tanong kaya agad siyang humarap dito at tinampal ang noo nito.

"Hindi na. Look I love kissing you so don't pout. Pero pag hinalikan kita ulit baka di ko na kayang mag pigil at baka mahubaran na kita." He said pero ngumuso lang ito at tila naiiyak na tumingin sa kanya.

"Dami mong palusot. Siguro ayaw mo sa halik ko dahil di ako marunong. Alis nga." She said bago siya tinulak.

Naiiling na sinundan niya ito nang tingin. Damn kung siya lang he is willing, pero kasi baka pag sisihan nito iyon. At ayaw niyang maging dahilan yun nang paglayo nito sa kanya. If he can't make her as a lover then being her bestfriend will do. Ang importante kasama niya to.

"Bhe come on." He said nang lumabas ito nang banyo na nakapajama at talagang malakas ang pagkakasara nito sa pinto.

"Wag mo akong kausapin di tayo bati." Nakasimangot nitong sabi kaya umiling siya at kumuha nang pamalit at nagtungo sa banyo.

After maligo at makapagpalit ay agad siyang lumabas nang banyo at hinanap ang dalaga. Nasa balkonahe ito at deretsong naka tingin sa madilim na dagat. Nagtatampo ngang talaga.

"Sorry na." He said bago ito niyakap mula sa likuran. "Sige na hahalikan na kita." He said at sa gulat niya ay tumawa ito.

"Di mo talaga ako matitiis noh?" Nakangiti nitong sabi bago humarap sa kanya. "Diko naman kasi alam na masarap pala ang mahalikan." Walang ka kyeme kyeme nitong sabi bago tumingkayad at dampian ang labi niya. "New rule kiss on the lips is allowed. At wag kang mag aalala hindi naman ako nababastusan sa halikan natin. Masaya nga eh." She said bago ito yumakap sa kanya. "Kain na tayo? Gutom na ako." Sabi nito bago kumalas sa yakap niya at pumasok sa loob nang kwarto para umorder nang kakainin nila.

Bumuntong hininga siya bago tumingin sa dagat. You better level up your control Ed, geez she doesn't even know how hard her new rule is. Kausap niya sa sarili.

Hindi niya alam kung gaano siya katagal sa labas nang balkonahe nagulat nalang siya nang tinawag siya nito dahil andun na ang pagkain nila.

Nang magsimula silang kumain ay napangiti na lang siya kung gaano ito kagana. Three cups rice ang order nito pero isa lang ang binigay sa kanya at nasa plato na nang dalaga ang dalawa. Sarap na sarap ito sa pagkain at talagang walang ka paki paki kung tinitingnan niya ito.

So cute.

"Akala ko ba diet ka?" He said bago kumuha nang inihaw na isda.

Ngumuso ito bago tumango. "Diet naman talaga. Dapat three cups rice to kita mo nang dalawa lang kinuha ko para sa akin." She said kaya napahalakhak siya.

"Dapat one cup nalang bhe." He said.

"Gusto mong mamatay ako agad? Jusko kukulangin nga tong two cups eh one cup pa kaya." Reklamo nito kaya napailing nalang siya at nagpatuloy na kumain.

After eating ay napagdesisyonan nilang tumambay sa balkonahe at uminom, well he drinks beer at ito at coke.

"Seryosong tanong, bat ayaw muna akong halikan?"

Bumuntong hininga siya bago tumingin dito. "Hindi naman sa ayaw, kaso baka kasi lumampas tayo sa limitasyon eh. Ayaw kung pagsisihan mo yun." He said ngumuso ito at sa gulat niya ay tumayo ito at kumandong sa kanya.

"Diko naisip yan. Pero sige no more passionate kisses pero pwede dampi." Makulit nitong sabi kaya naiiling na tumango nalang siya.

Tumayo ito at may kinakalikot sa cellphone nito at nang tumunog ang isang kanta ay napangiti nalang siya habang pinapanood itong sumayaw na parang lasing.

Its always a joy in his part to see her happy. Literal na hulog na hulog na siya.

After spending almost two hours in the balcony ay napagdesisyonan nilang matulog na.

Hindi na siya nagulat nang bigla itong yumakap sa kanya bago siya dampian nang halik sa labi. "Good night bhe. Love you." She said bago ito pumikit.

Nang masigurong tulog na ito ay kinintalan niya ito nang halik sa noo bago bumulong.

"Good night Miridil, at mas mahal kita."

-----------####----------
Gabriel143

My Cuddly Lady Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon