Chapter 1

3K 227 43
                                    

Edward's POV

"Piggyback ride mo ako bhe." Miridil said nang naglalakad na sila sa subdivision nila. Kakauwi lang nila galing manood sa mall at halos alas nuwebe na nang gabi dahil nanood sila nang Hello Love, Goodbye na talagang inabangan nang bestfriend niya.

"Gusto mong mabali likod ko ha Miridil? Sa bigat mong yan." He said pero di ito nakinig at tinalun ang likod niya buti na lang agad niyang naagapan kaya hindi sila natumba. "Ang kulit mo bhe." He said pero hindi niya ito binaba at nagpatuloy nalang sa paglalakad.

Bhe is their endearment to each other, and since they're five ay mag bestfriend na sila. At magkatapat lang ang bahay nila sa isat isa kaya lumaki sila nang sabay. At the age of twenty eight ay parehas silang single, well he's been in some relationship pero hindi iyon tumatagal habang ang bestfriend niya ay NBSB talaga.

"Nagugutom ako bhe." Mahinang sabi nito kaya napatawa siya.

"Lagi ka namang gutom." He said na agad umani nang hampas mula dito. "Aray, ang bigat talaga nang kamay mo Miridil." Reklamo niya.

"Inaasar mo ako eh." Reklamo nito bago higpitan ang pag akap sa leeg niya at nang makita nitong nahirapan siyang huminga ay tumatawa itong niluwagan ang akap sa kanya. "Sorry." She said bago isinandal ang mukha sa may balikat niya.

"Baba ka na Miridil ang bigat mo. Ilang kaldero ba ng kanin kinakain mo ha? Sa araw araw eh bumibigat ka lalo." Pang aasar niya at napatawa siya nang sabunutan nito ang buhok niya.

"Leche ka, diet ako noh."

"Wow big word." He said ngumisi. "Halos sampung taon na yang diet mo, di ka padin pumapayat." He said at nang lingunin niya ito ay agad siyang napaiwas nang ngumuso ang dalaga.

"Eh paano ako papayat, masarap mag luto si mama tas pag tayo ang magkasama eh lagi kang nag papakain." She said kaya napailing siya at di na nagsalita.

Well totoo naman na pag sila ang magkasama eh kain ito nang kain. Paano ba naman kasi nung fifteen sila at nag desisyon na mamasyal ay nagutom ito at talagang inaway siya at di kinausap nang dalawang linggo kaya talagang lagi itong busog sa kanya.

His bestfriend is not fat, let say chubby lang. Pero yung chubby na sexy he must say dahil di ito mabilbil sadyang malaking braso at hita ang meron ito. At matambok na pwet at may kalusugang dibdib. And she is working as a preschool teacher habang siya naman ay nag mamanage nang kumpanya ng pamilya nila.

"Bhe." Bulong nito.

"Hmm."

"Sa inyo ako matutulog." she said at tumango siya.

When they reach to their house ay sa kwarto niya sila dumeretso at agad niyang ibinaba ang dalaga sa kama. He then grab one of his shirt and boxer at ibinigay ito sa dalaga.

"Go clean up aayusin ko lang ang kama." He said na agad nitong ginawa.

He then grab her favorite blanket pag sa bahay nila ito natutulog or should he say sa kwarto niya ito natutulog. Hindi naman kasi ito ang first time na matutulog silang magkatabi. Geez kung hindi ito ay siya ang nakiki sleep over sa bahay ng mga to since they're twelve. After getting her blanket ay kumuha siya nang pajama at sando bago nagpunta sa katabing kwarto para doon maligo at magpalit. Cause knowing his bestfriend aabot nang kalahating oras bago ito matapos.

Fast forward

Agad siyang napatingin sa banyo nang kwarto niya ng bumukas iyon at lumabas ang dalaga wearing his clothes. Nasa kama na siya at nakaligo at nakapagpalit na at nagbabasa nang mga papeles habang hinihintay ito.

"Nalunod kaba sa banyo ha?" Tanong niya na sinagot lang nito nang irap.

She is really cute, may kabilugan man ang mukha nito ay di maikakailang maganda ito.

"Tulog na tayo bhe," she said at agad na pumaluob sa kumot nito. "Edwardo higa na." Utos nito kaya napailing siya at nilagay ang papeles sa gilid nang mesa bago humiga.

Ngumiti ito bago siya niyakap at umunan sa may dibdib niya. "Night night edwardo love you." Bulong nito

When he saw her close her eyes ay napabuntong hininga siya bago ito halikan sa noo. "Goodnight bhe. I love you."

-----------####----------
Hindi ko alam kung hahaba ba ang mga chapter dito o hindi hahahahahaha tamad na tamad ako pero magulo utak ko kaya bahala na.

Gabriel143

My Cuddly Lady Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon