Miridil's POV
"Good morning po ma'am." Sabi nang guard nang pumasok siya sa building.
"Morning din kuya, sige mamaya na ha." She said bago nag mamadaling nagtungo sa elevator.
Peste late na siya nang isang oras, umuwi kasi siya sa bahay niya at pinauna na si Edward, eh di naman niya aakalaing traffic noh kaya ito siya nagkukumahog sa pag pasok.
When the elevator reach to the top floor ay agad siyang lumabas para lang mapatigil nang makita ang binata na nakatayo sa gitna at nakacross arm habang masamang nakatingin sa kanya.
"You're late." Sabi nito kaya agad siyang umayos nang tayo.
"Sorry sir, traffic po kasi." Sabi niya at agad niyang nakagat ang labi nang umingos ito bago siya sinenyasan na lumapit dito. "Bakit po?" She ask nang isang hakbang nalang ang layo dito.
"Galit ako sa late comers."
Tumango siya dahil alam na alam niya yun. "Alam ko po, kaya sorry sir di na po mauulit."
Huminga ito nang malalim bago bumuntong hininga. "Kiss me."
"Ho?"
"Kiss me, para mawala ang galit ko." Tila bata nitong sabi kaya napangiti siya bago inisang hakbang ang pagitan nila.
She hold his face bago siya sumagot. "Ayaw ko."she said bago siya patakbong nagpunta sa sa mesa niya.
"Come on babe, dapat kiss mo ako dahil late ka."
Napahalakhak siya sa sinabi nito bago ito hinarap. "Nag sorry na ako sir, tas di na po ako malelate. At hello bawal ang kiss kiss pag nasa trabaho." She said at napasimangot ito.
"Eh ako naman ang boss kaya dapat ano sabihin ko siyang masusunod." Sabi nito kaya napailing siya.
"Mag trabaho ka na po sir, maya na yang kiss mo pag tapos na ang office hours." she said bago tumalikod at umupo sa upuan niya.
When she look up ay nakita niya ang binata na may malambing na ngiti sa labi habang nakatitig sa kanya. "Bakit?"
Umiling ito bago hinaplos ang ulo niya. "I love you."
Her heart beat fast with his words kaya ngumiti siya at tumayo bago yumakap dito. "Mahal na mahal din kita." And they stay hugging each other for couple of minutes bago niya naramdaman ang pag halik nito sa noo niya.
"Ok trabaho na." He said kaya napatawa siya at kumalas dito she then go back to her chair at kinuha ang planner niya kung saan ang mga schedule nito.
When she open it ay agad siyang Napatingin sa binata na ang laki nang ngiti sa kanya.
"Bakasyon?" She ask dahil nang buksan niya ang planner ay may nakaipit na dalawang ticket doon para sa kanila.
Tumango ito bago kinuha ang ticket. "Boracay from my parents." Kaswal nitong sabi.
"Eh paano ang trabaho natin?"
"My dad insisted na maglaan muna tayo nang oras together. We lost five years of our lives being away and they just want us to make up for each other."
Agad siyang napangiti at tumango. "Dang I surely love mama and papa." She said patukoy sa mga magulang nito.
Edward come closer to her sabay haplos sa buhok niya. "And they love you too babe, but I love you more."
Gusto niyang umiyak, dahil tila subrang punong puno na ang puso niya sa pagmamahal na binibigay nito.
-----------####----------
Gabriel143