Edward's POV
When they get to manila ay halos di na sila nagkita ni Miridil dahil naging busy siya. He needs to fly to singapore dahil may merging ang kumpanya sa isang kilalang business tycoon doon.
"Bhe kailan ka ba uuwi?" Agad siyang napatawa nang madinig ang tanong nito.
"Bakit miss mo na ako?" He ask. Nagtaka siya nang di ito nagsalita. "Hello? Andiyan ka paba?"
"Lagi naman kitang miss eh." Bulong nito kaya napangiti siya. Thank god the kiss they shared in Boracay didn't taint their friendship dahil tila balik normal lang sila.
"Fine uuwi na ako bukas." He said at agad siyang nagtaka nang tila umiiyak ito. "Umiiyak ka ba?" Agad na binalot nang pag aalala ang puso niya nang humagulgol ito. "Miridil anong nangyayari?"
Dinig niya ang paghinga nito nang malalim bago sumagot. "Pwedeng ngayon ka umuwi? Please." Pakikiusap nito and when he look at his watch ay napabuntong hininga siya nang makitang alas tres na nang hapon.
"Fine. See you tonight. Wag ka nang umiyak tahan na ok?" Mahinahon niyang sabi dito.
"Thank you bhe. See you." she said bago nito pinutol ang tawag.
He call his secretary at nagpabook agad nang flight pabalik sa pinas. Yes he is worried, sa tagal nilang mag bestfriend eh alam niyang hindi ito iyakin unless may mabigat itong problema.
-----
When he arrived to the philippines ay agad siyang nag taxi at dumeretso sa bahay nang dalaga. Pero ipinagtaka niya na sarado iyon kaya agad siyang umuwi sa bahay niya only to be relived nang makita ang dalaga na nakangiting nakikipag usap sa mama niya.
"Bheee." Sigaw nito at agad itong nagmamadaling yumakap sa kanya. "Umuwi ka nga." Mangha nitong sabi pero agad niyang hinawakan ang mukha nito at napakunot noo nang makitang namamaga ang mga mata nito.
"What happen to you?" He said in serious voice.
Kumalas ito nang yakap sa kanya bago umiwas nang tingin. "Gutom ka na? Kain na tayo?" Pag iiwAs nito kaya bumuntong hininga siya. This is one thing he hates about, pag may problema ito ay di ito nagsasalita. Ang gusto lang nito ay maramdaman nitong andun siya.
"Well talk later." He said bago ito hinalikan sa noo tsaka siya umakyat sa kwarto niya para maligo at magpalit.
Nang lumabas siya nang banyo ay nagulat siya nang makita ang dalaga na malalim ang iniisip habang nakatitig sa picture nilang dalawa.
"You know that I hate when you hide something from me." Sabi niya na ikinalingon nito.
Ngumiti ito bago humiga sa kama niya. "And you know that I always keep it to myself right? Your presence is more than enough Ed and I thank you for that." She said kaya napabuntong hininga siya at tumabi dito.
He then hug her na sinagot nito nang pagyakap sa kanya. "I miss you." Bulong niya at hinigpitan nalang niya ang pagyakap dito nang magsimula itong umiyak.
"What ever Your problem is always remember, andito lang ako ok?" He said bago ito hinalikan sa noo at hinayaan itong umiyak.
-------
Miridil's POVDahan dahan siyang kumalas sa yakap nito nang masiguro niyang mahimbing na ang tulog nito. She then spend almost twenty minutes na tinititigan ito.
"I'm gonna miss you bhe." She said bago pigil ang hikbi na hinaplos ang mukha nito. Ni hindi man lang ito nagising dahil siguro sa subrang pagod sa trabaho at sa flight pauwi dito sa pinas. "Kung sana alam ko ang hinaharap hindi ko to itatago. Pero ayaw kong makita kang nasasaktan dahil sa akin." Bulong niya bago ito hinalikan sa noo tsaka siya nagpunta sa banyo nito at doon tahimik na umiyak.
Hindi pa man pero halos di na siya makahinga sa sakit na nararamdaman niya knowing she needs to leave Edward. Mahal niya ang binata, subrang mahal niya ito pero hindi na pwede. Ayaw niyang sumugal sa isang bagay na alam niyang ito ang masasaktan sa huli.
Huminga siya nang malalim bago tumingin sa salamin. Agad siyang napangiti nang mapait nang makita ang malaking pasa niya sa braso. Mukhang natanggal na ang foundation na ginamit niya para itago ito. Umiling siya bago naghilamos. She needs to leave, dahil ito nalang ang pag asa niya. And maybe when time is right at kung mamarapatin nang diyos eh makita niya ulit ang binata.
When she get out in the bathroom ay agad siyang lumapit sa kama at hinalikan ito nang tatlong beses sa labi bago niya kinuha ang picture nilang dalawa sa bedside table nito tsaka siya lumabas.
"Hindi mo ba talaga sasabihin sa kanya?" Edward's mom ask kaya umiling siya at niyakap ito. Agad siyang napakagat labi nang madinig ang iyak nito. "Magpagaling ka anak ok? Maghihintay kami sa pagbabalik mo." Umiiyak nitong sabi kaya tumango siya bago nagpaalam dito. Ipinahatid siya nito sa driver nito sa airport kung saan naghihintay ang mga magulang niya. She look at the house one last time bago siya tuluyang pumasok sa sasakyan.
She's praying na sana gabayan nang diyos ang bestfriend niya. At sana mapagaling siya nang mga doctor sa america. Kuyom ang kamaong tahimik na iniluha niya ang biglang pangungulila kay Edward.
Im sorry bhe, im sorry. Piping bulong niya bago niya kinuha ang papel sa bag niya.
Miridil Entrata Chronic Myeloid Luekemia positive.
-----------####----------
Gabriel143