Chapter 3

2.3K 226 28
                                    

Edward's POV

"Bheeeee bilisan mo." Excited na sigaw ni Miridil habang tila ito batang excited na naghihintay sa kanya pababa nang bangkang sinakyan nila. Nasa boracay na sila at ito ang simula nang bakasyon nilang dalawa.

"Eh kung tumulong ka kaya sa pagdala nang bag noh?" He said na ikinatawa lang nito. Well they only have 1 suitcase at tig isa silang back pack na dala. "Gutom na ako." He said nang makalapit sa dalaga.

He hold the suitcase in one hand at inakbayan naman ito sa kabila. "Same room ba tayo sa hotel?" He ask.

Umiling ito bago iniyakap ang kamay sa bewang niya. "Hindi bhe, gusto ko kasi mag enjoy ka dito tas alam mo na baka may makita kang babae na you know mag bibigay aliw sayo. Ayaw ko namang manood nang live porn noh." Nakanguso nitong sabi kaya umiling siya.

"Tsk I came here to spend time with you hindi para mag hanap nang babae. So nope cancel your room. Iisang kwarto lang tayo." He said at nang aangal pa sana ito nang samaan niya ito nang tingin kaya tumango nalang ang dalaga. "Its been what? A year since we go on vacation together kaya gusto kung sulitin to, after this vacation ay magiging busy na ako dahil may malaking project ang kumpanya kaya di na kita makakasama nang madalas." Sabi niya.

"Sige na nga. Dating gawi ba?" Tanong nito kaya tumango siya. Napatawa nalang siya nang kumalas ito at tila batang tumakbo patungong hotel.

When he get inside ay agad niyang nakita ang dalaga na naghihintay sa lobby may key card na ito at agad na ngumiti nang makita siya.

"Tara?" He ask at agad itong yumakap sa gilid niya. "Dala mo ang Id mo?" He ask at agad itong ngumisi at ipinakita ang ID nitong pinagawa nila sa recto. "So Miridil Barber huh?" He ask at nang tumango ito ay tumawa siya at hinalikan ito sa noo. "Newly wed?"

"Yup." She happily said bago ipinakita ang kamay sa kanya. "See suot ko ang wedding ring natin?" Pilya nitong sabi kaya napatawa nalang siya bago kinuha sa backpack ang singsing niya na match dito at sinuot iyon. "Awww it's nice to see you again husband." She said bago siya halikan sa tungki nang ilong.

"Likewise sweetheart." He said bago sila pumasok sa elevator.

Incase you wonder nope they are not married, sadyang napagtripan lang nila five years ago na mag pretend na mag asawa nung ayaw siya tigilan nang ex niya. Miridil insisted na magpanggap itong asawa niya, tsk they even have a fake marriage license at ito ay may ID with his surname she use. Though ang singsing nila ay totoo dahil regalo niya ito sa dalaga nung mag eighteen ito. Its their friendship ring na madalas pagkamalan na wedding ring nila.

"Pahinga ka na." He said nang makapasok sila sa kwarto nila bago siya padapang humiga sa kama. Agad siyang napadaing nang umupo ito sa likuran niya kaya dama niya ang bigat nito.

"Bhe."

"Hmmm."

"Kain muna tayo." Malambing nitong sabi at agad siyang napaungol nang simulan nitong masahein ang likod niya. "Sige na bhe."

"Mag order ka nalang pa room service mo. Papahinga lang muna ako." He said bago siya humikad. "Inaantok ako miridil." He said na ikinatawa nito bago umalis sa likod niya.

Habang nakapikit ay pinakikinggan niya ang ginagawa nito. It's nice to hear her say na mag asawa sila. Kung sana may lakas lang siya nang loob na sumugal pero wala eh, mahal niya ang dalaga nang higit pa sa pagkakaibigan pero hindi niya alam kung ano ang nararamdaman nito sa kanya. Yes she loves him pero hanggang pang kaibigan lang and he wants more than that.

At natatakot siya na baka pagnalaman nito ang nararamdaman niya ay mawala ito sa kanya.

Tangna mahirap maging bestfriend nang mahal mo. Napakahirap.

-----------####-----------
Gabriel143

My Cuddly Lady Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon