Edward's POV
Agad siyang napangiti nang makita si Miridil na nagmamadaling lumabas sa gate nang paaralang pinagtatrabahuan nito. He was standing outside his car at nakasandal sa hood kaya agad siya nitong nakita.
"Bheeeee." Pasigaw nitong sabi bago siya biglang niyakap. "Oh god thank you sa pagsundo." She said bago sila halikan sa pisngi. "Tara uwi na tayo gutom na gutom na ako." Sabi nito bago kumalas at naunang sumakay sa kotse niya.
"Gosh mahihimatay na ata ako sa gutom." Reklamo nito nang makapasok siya sa kotse. "Drive na Edwardo." Sabi nito nang mapansin ang pagtitig niya. "Ganda ko ba? Makatitig wagas eh."
Napailing siya bago kinuha ang paper bag sa backseat. "Oh kumain ka na." He said na ikinasinghap nito bago nito dali daling kinuha ang pagkain sa paper bag. Napangiti siya nang madinig ang excited at masaya nitong boses.
"Wahhhh kaya mahal na mahal kita edwardo eh." She said bago ito dumukwang at gigil na hinalikan ang pisngi niya.
"Oo na, hala kumain ka na diyan." He said bago binigay ang tumbler niya na may tubig dito.
Alas kwatro pa lang nang hapon at hindi pa sana siya uuwi nang tumawag ang dalaga at nag demand na sunduin ito dahil wala itong sasakyan na dala. Yes demand talaga dahil di naman ito marunong makiusap nang maayos at ito naman siya oo nang oo dito.
On the way to their homes ay masaya itong nagkekwento sa mga ganap nang araw nito. At paminsan minsan ay sinusubuan din siya nito nang pagkain.
"Bakasyon tayo bhe." Biglang sabi nito kaya napataas ang kilay niya.
"Incase you didn't know eh kakasimula pa lang mang klase. Paano ang trabaho mo?" He ask.
"Eh sa weekend naman. Bali alis tayo nang friday night tas balik tayo monday morning ok lang na umabsent ako nang isang araw." She said at napailing nalang siya dahil mukhang planado na nito ang bakasyong tinutukoy nito.
"Saan mo ba gusto?"
"Boracay tayo bhe. Sige na." She said adorably bago nito ibinalik ang pagkain sa paper bag at yumakap sa kanya.
"Damn Miridil umayos ka nga, nagdadrive ako." He said pero mas lalo siya nitong niyakap.
"Eh ano ngayon. Di ako bibitaw hanggat di ka papayag." She said kaya napabuntong hininga nalang siya at tumango na ikinangiti niyo. "Mahal talaga kita edwardo." She said before planting a kiss on his shoulder tsaka ito umayos nang upo. " Good thing nabook ko na ang flight natin kanina."
See what he means? Tsk
When they arrive to their subdivision ay agad niyang hinatid ang dalaga bago siya umuwi sa bahay nila.
"Ang aga mo."
Lumapit siya sa ina at hinalikan ang pisngi nito. "Yeah. Nagpasundo kasi si Miridil ma." He said na ikinangiti nito.
"Bat di nalang kaya kayo mag asawa anak. Dinaig niyo pa kami nang papa mo eh." She said kaya napailing siya at tatalikod na sana nang magsalita ito.
"Hanggang kailan mo itatago yang nararamdaman mo? You're not getting any younger Ed, tama na ang pagiging torpe." Sabi nito kaya napabuntong hininga siya bago naglakad patungo sa kwarto niya.
When he get to his room ay agad siyang humiga sa kama at tumitig sa salamin.
"Hindi ako torpe ma, ayaw ko lang na mawala siya." Bulong niya sa hangin.
----------####----------
Gabriel143