Chapter 10

2.4K 229 24
                                    

Miridil's POV

Mas lalong bumunos ang luha niya nang madinig ang sinabi ni Edward, hindi na ito nakatiis ay hinila siya nito patayo at agad na iharap dito at paharap siya niyakap.

"Shhhh stop crying already." Bulong nito at agad niyang naramdaman na natigilan ito nang niyakap niya ito.

"I-im sorry, sorry." Paulit ulit niyang bigkas habang nakaakap dito. "I'm sorry bhe."

Bumuntong hininga ito bago hinawakan ang mukha niya para matingnan nito. "Panget ka parin umiyak." He said with a hint of smile on his lips kaya para siyang batang napahikbi. She knows by that unti unti na siyang napatawad nito. Agad siyang napapikit nang halikan nito ang noo niya nang matagal bago siya niyakap nang mahigpit.

"E-edward."

"I've missed you. Damn I miss you." Bulong nito at agad na humigpit ang yakap niya dito nang maramdaman ang pagkabasa nang balikat niya. "I should be angry at you pero bakit hindi ko magawa? One look at you mas nangingibabaw ang pangungulila ko."he said bago niya naramdaman ang pag halik nito sa gilid nang ulo niya. "You better explain to me everything Miridil, everything. I deserve that."

Tumango siya bago kumalas dito. Napangiti siya nang tila bata itong suminghot bago nito pinahiran ang luha nito. He then look at her at ito mismo ang nagpahid nang luha niya. "Anong klaseng diet ba ginawa mo at naging ganto ka kapayat?" Reklamo nito at agad siyang natawa. She know even before kahit may katabaan siya ay gustong gusto nito iyon kahit puro ito reklamo.

"Magpapataba na ako." She said avoiding his question. Tumingin siya sa mesa bago ito tiningnan. "Kain tayo ulit?" She ask at agad itong tumango.

When they started eating ay agad siyang napangiti nang kulang nalang ay subuan siya nito. And for the first time in a long time naramdaman niya ulit ang kasiyahan habang kumakain kasama ang napaka importanteng tao sa buhay niya.

After eating ay balik silang dalawa sa trabaho, naging busy sila dahil sunod sunod ang pag punta nang mga head of departments nito para mag report dito. Right now habang nakikita niya kung gaano ito sa opisina eh mas humanga siya sa binata. Grabe ang dedikasyon nito na hindi niya nakita dati. Though hindi naman kasi siya dumadalaw sa opisina nito.

She look at the clock at agad na kinuha ang gamot para may mainom. Kahit naman kasi na deklara na cancer free siya eh may tinitake siyang gamot para ma avoid ang pag babalik nang cancer niya. Yes may possibility parin na balikan siya nang sakit niya kaya kuntudo alaga siya sa katawan. Dahil kung may request man ang mga magulang niya nung buhay pa ang mga ito ay yun ay ang alagaan niya ang sarili at mabuhay siya nang masaya.

Upon remembering what happened in the pantry ay gusto niyang sumigaw sa pasasalamat sa diyos. Literal na nakahinga siya nang maayos nang madinig ang sinabi nito sa kanya. And tonight sasabihin na niya ang mga sekreto niya kahit kinakabahan siya pero sabi nga nito he deserves to know everything.

"Miridil can you give me the file from Cruz group of companies?" Dinig niyang sabi nito sa intercom kaya agad siyang tumayo at kinuha ang file na gusto nito.

She knocks three times bago siya pumasok, "here you go sir." Sabi niya sabay bigay nang mga papeles dito.

"Ok ka lang?" Tanong nito habang pinakititigan siya.

Ngumiti siy bago tumango.

Bumuntong hininga ito bago tumingin sa orasan. "In forty minutes uwi na tayo. Sa akin ka matutulog." He said kaya tumango na lang siya at nagpaalam na lumabas.

At eksaktong kwarenta minutos ay lumabas na ito nang opisina kaya agad niyang kinuha ang bag niya. Walang imik siyang sumabay dito hanggang sa elevator. And when they got out in the lobby ay may mga empleyado naring pauwi kaya may kaingayan na. Pinauna niya sa paglalakad si Edward at ganun nalang ang pagtataka niya nang tumigil ito.

She was about to ask why nang kunin nito ang kamay niya at pinagsalikop iyon sa kamay nito. He then start walking habang hawak hawak siya.

"E-ed." Tawag niya dito nang mapansin ang mga tingin nang ibang empleyado sa kanila. She tried to pull her hand pero mas hinihigpitan nito ang paghawak. "Bitaw nakatingin ang mga empleyado mo baka kung ano ang isipin nila." She said.

Huminto ito sa paglalakad kaya napahinto din siya. Akala niya bibitawan na siya nito pero umirap lang ang loko bago nagsabi nang.

" Wala akong paki." Then he continue walking.

-----------####----------
Gabriel143

My Cuddly Lady Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon