Chapter 7

2.2K 225 44
                                    

Miridil's POV

"Hello?"

Agad siyang napasinghap nang madinig ang boses ni Edward. Ganun nalang ang pagkagat niya sa labi para di magsalita.

"Sino to? Punyeta kung wala kang balak magsalita, wag ako ang paglaruan mo." Singhal nito bago nito ini off ang tawag.

Agad siyang napahagulgol at niyakap ang cellphone niya.

"Anak." Nag aalalang sabi nang mama niya kaya kahit mahirap ay pinilit niyang tumahan at ngumiti dito. "Ok ka lang?" Nag aalalang tanong nito kaya tumango siya.

Kahit sa loob loob niya ay gusto na niyang sumuko. Ibinigay niya ang cellphone niya dito at agad na humiga sa kama bago ito tinalikuran. Its been four months now simula nang umalis siya sa pinas at sa loob nang apat na buwan ay ang laki nang ipinayat niya. And she doesn't have hair anymore. Nalagas dahil sa pagpapachemo niya.

"Ma." Mahinang tawag niya sa ina. "Pwedeng bumitaw nalang ako?" She said at agad nagtuluan ang mga luha niya nang madinig ang hagulgol nang nanay niya. "Pagod na po ako ma. Ayaw ko na." She said bago ipinikit ang mata.

------------

Five years later

Edward's POV

"Bullshit you call this a proposal?" Sigaw niya sa isang head of department niya bago itinapon ang mga papel sa sahig. "You better read and fix it Mr. Ruiz , I will only give you till tonight to give me a decent proposal. Dammit binabayaran ko kayo kaya ayusin niyo ang mga trabaho niyo." Singhal niya bago niya pinaalis ang mga to.

Agad siyang huminga nang malalim nang mapag isa siya. He get up at tumingin sa labas at napatitig sa paglubog nang araw. Napakuyom siya nang kamao nang maalala ang isang tao na pilit niyang kinakalimutan sa loob nang limang taon.

For fives years halos mabaliw siya pag iisip sa kay Miridil nang bigla itong nawala maging ang mga magulang nito. His parents don't even know where they are, and after a year of looking for her ay sumuko na siya. Then from longing ay napuno nang galit ang puso niya para dito. How dare she na paglaruan ang damdamin niya. Ang gawin siyang tanga?

Maiintindihan naman niya kung ano ang dahilan nito pero ang umalis nang walang paliwanag? At sa loob nang ilang taon ni isang hello wala? Punyeta nakakapagod na.

And for the past five years ay pinilit niya ibaling sa iba ang pagtingin niya. He dated some girls pero wala siyang ka amor amor sa mga nakakadate so nag focus nalang siya sa kumpanya nila. And now their company is known hindi lang sa pinas kundi sa buong asya.

Agad siyang napabaling sa pinto nang may kumatok doon.

"Sir may isang aplikante po na nasa baba. Recommendation daw po nang mama niyo." Sabi nito kaya napabuntong hininga siya.

"Let her in." Sabi niya bago umupo sa swivel chair. He needs a new secretary dahil aalis na ang sekretarya niya dahil nakapag asawa ito nang amerikano at pupunta na ito nang amerika.

"Come in." He said without looking up sa pag aakalang ang sekretarya niya ang kumatok.

"Good afternoon sir."

Agad siyang napatigil sa pagbabasa nang papeles nang madinig ang boses na yun. And when he look up ay ganun nalang kalakas ang kabog nang puso niya nang makita ang babaeng pilit niyang kinakalimutan.

"Ako po yung mag aapply bilang sekretarya niyo." She said bago ito ngumiti. And before he could say anything ay lumapit na ito sa mesa niya at inilagay ang papel na dala nito. "Ako po yung recommended nang mommy mo."

"M-miridil." Bulong niya.

Ngumiti ito bago tumango.

"Kamusta Edward."

-----------####----------

Sabi ko wala nang update diba? Pwes ito last na talaga hahahahahahaha

Gabriel143

My Cuddly Lady Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon