Miridil's POV
Agad niyang binuksan ang opisina ni Edward after niyang kumatok. Busy ito sa pagbabasa nang mga papeles.
"Sir lunch na po." She said at agad itong nag angat nang tingin sa kanya.
For the first few days nang mag simula siyang mag trabaho bilang sekretarya nito ay halos di siya nito kausapin. Puro tango lang ito at pagkatapos niyang sabihin ang mga schedule nito ay aalis ito at mag pupunta nang mga meeting without informing her .
"May gusto po ba kayong kainin?" Tanong niya.
"I already call a delivery for my lunch." Matipid nitong sabi kaya tumango siya.
"Sige po, mag lalunch na po ako sa baba." She said at tatalikod na sana nang tawagin siya nito. "Bakit sir?"
Kita niya ang pagbuntong hininga nito bago ito tumayo. "Eat with me." He said na agad niyang tinanguan. Aarte pa ba siya? Libreng pagkain na makakasama pa niya ito diba?
Nang dumating ang pagkaing inorder nito ay agad niyang inasikaso iyon sa may pantry nila. Well sa top floor ay ang opisina lang naman nito kaya silang dalawa lang ang andun. After preparing the food ay bumalik siya sa opisina nito. "Food is ready sir."
Nakasunod lang siya dito habang naglalakad sila patungong pantry. Nang makaupo sila ay agad niyang nilagyan ang plato nito nang pagkain at nang marealize ang ginawa ay agad siyang napayuko. "Sorry po." She said na sinagot lang nito nang buntong hininga.
Tahimik na naglagay siya nang pagkain sa plato niya at tsaka tahimik na kumain.
"Why are you not eating the pork?" Tanong nito kaya napaangat siya nang tingin dito bago bumalik ang tingin niya sa mga pagkain sa mesa.
Then it hit her, all the food on the table are her favorites. Agad siyang napakagat labi bago huminga nang malalim para pigilan ang luhang nagbabadyang tumulo. Without looking at him ay nanginginig ang kamay na kumuha siya nang karne nang baboy at walang imik na kumain.
Nang malasahan niya ang karne ay agad siyang napahikbi. Pinipilit niya pero subra subra ang emosyon niya ngayon. Agad niyang natakpan ang bibig nang madinig niya ang pabagsak na pagbaba ni Edward sa kutsara nito bago ito padarang na tumayo at umalis sa pantry.
Agad siyang napahagulgol nang maramdaman ang pag iisa bago pilit na kinakalma ang sarili at umiiyak na kumain.
-----------
Edward's POVKuyom ang kamaong nakatitig siya sa likuran nang dalaga na ngayon ay umiiyak na kumakain. He was just outside the pantry at nakatitig sa likuran nito. Kahit galit siya he cant bare to see her cry like that. And he don't fcking know the reason.
For the passed day na iniiwasan niya ito kahit ayaw niya ay mas madami pa atang oras ang na aksaya sa kakatitig sa laptop niya na may cctv para lang makita ang ginagawa nito. And for those times ay napansin niya ang laki nang pinagbago nang ugali nito. She don't smile genuinely anymore, palagi itong tila may malalim na iniisip. At ang mga mata nito, kumikirot ang dibdib niya pag natititigan ang mga mata nitong walang singlungkot at walang kabuhay buhay.
Agad siyang napakurap nang madinig ang pag hagulgol nito ulit at nang tingnan niya ito ay nakasapo na ang mga kamay nito sa mukha nito. Huminga siya nang malalim bago tumalikod pero nakailang hakbang palang siya ay tila may sariling isip ang katawan niya na bumalik sa pantry at agad itong niyakap mula sa likuran na ikinagulat nang dalaga.
"Stop crying, alam mong ayaw na ayaw kitang nakikitang umiiyak."
-----------####----------
Gabriel143