Chapter 13

2.7K 228 34
                                    

Edward's POV

"Ayaw ko na." Sabi nito bago nakasimangot na tiningnan siya.

"Pero gusto kung kumain ka pa. Paano ka tataba ulit kung ang konte nang kinakain ko?" He said pero umirap lang ito kaya napailing nalang siya at binaba ang kutsara.

For two days ay nasa condo lang sila, he ask his parents to check his company at pinaliwanag sa mga ito na gusto niyang bigyan nang oras ang dalaga. At dahil sa subrang tuwa nang mama niya ay isang linggo ang binigay nito sa kanila.

"Yung gamot mo?" He ask at itinuro nito ang bag nito at agad niyang kinuha ang gamot nito at siya na mismo ang nagpainom dito.

After drinking ay kinarga niya ito patungong sala at kinandong bago siya naghanap nang palabas. After what happened to them ay ayaw na niyang mawalay sa dalaga. Either yakap niya ito o ganito kandong niya. He wanna feel her warmth always.

"Gusto mong mamasyal tayo?" He ask.

"Hmm pero mamaya na. Tinatamad akong lumabas." She said bago yumakap sa kanya at isinandal ang ulo sa may dibdib niya.

"Mahal kita." He said na ikinangiti nito. He loves to say those words ramdomly.

"May tanong ako bhe, kailan mo nalamang mahal mo ako?" Tanong nito bago humarap sa kanya kaya ilang pulgada lang ang layo nang mga mukha nila sa isat isa.

Dinampian niya ito nang halik sa labi bago sumagot. "Hmm nung twenty five tayo. Remember when I sing the song Please Stay sayo? On that day I already admitted to myself na mahal na kita. Hindi bilang kaibigan kundi higit pa." He said.

Ngumiti ito bago siya pinugpog nang halik sa mukha na ikinatawa niya. "Alam mo bang yun din ang gabing napahiling ako na sana mahal mo ako more than friends. We were nineteen nung nagkaroon ako nang hidden desire for you. Nung nagka girlfriend ka dati talagang selos na selos ako. Pero ayaw ko namang gumawa nang unang hakbang dahil babae ako tas parang wala ka namang pag tingin sa akin. Kaya nakuntento nalang ako na maging kaibigan mo." She said tsaka ito yumakap ulit sa kanya. "Isa pa dinaig ko naman ang mga jowa mo dati dahil mas priority mo ako kesa sa kanila hahaha."

Napailing nalang siya at napangiti. Its true though, mas priority niya dati ang dalaga. Pag nag kasabay itong mag aya mamasyal at ang girlfriend niya dati ay mas sinasamahan niya si Miridil. And ninety percent of his failed relationship ay dahil sa dalaga. Selos na selos ang mga ex niya dito can't blame them though dahil talagang mahalaga sa kanya si Miridil kesa sa mga naging girlfriend niya.

"Ako ba ang dahilan kaya di ka Nag boyfriend?" He ask.

Umiling ito. "Hindi noh. Feeler ka ha. Willing naman akong sumubok nang relasyon dati para din sana madivert ang feelings ko sayo. Pero sa totoo lang walang nanligaw sakin. Paano kasi akala nila boyfriend kita. Tas diba mataba ako dati. Ayaw nila sa mataba." Nakangiti nito sabi kaya hinawakan niya mukha nito at pinugpug nang halik ang labi nito.

"Eh ako gusto ko mataba ka ulit. Ang sarap mo kayang kayakap pag chubby ka. Kaya simula ngayon papatabain kita.." he said bago ito kiniliti na ikinahalakhak nito.

"Tama na." Sigaw nito habang pilit na kumakawala sa kanya. Maluha luha na ito sa kakatawa kaya tumigil na siya at niyakap nalang ito nang mahigpit at hinalikan sa noo.

At habang yakap yakap ito, isa lang ang nararamdaman niya. At yun ay ang nag uumapaw na pagmamahal para dito.

------------####----------
Peste oi last na talaga to.

Gabriel143

My Cuddly Lady Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon