23

8.1K 211 59
                                    


Chapter 23



Panay ang singhot at hikbi ko habang nakatalukbong ng kumot. He made me feel so cheap and unwanted again. Everytime he walks out after we make love, nagtatampo ako. Kapag walang sali-salita siyang lumalabas ng kuwarto pagkatapos ng lahat, sumasama ng husto ang loob ko. Sa tuwing umaalis siya ng maaga para lang hindi kami magpang-abot, nalulungkot ako ng husto. Ngayon, hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko.

He said he doesn't want to sleep with me again. Na para bang walang nangyari kanina at nandidiri siya sa akin. I closed my eyes firmly and let the tears flow freely against my cheeks. Pinagsisisihan kong kahit paano, naisip kong maaring magbago ang pakikitungo niya sa akin. I was hoping, dreaming that he would treat me right even just for this once.

Nakakainis! Malakas akong humikbi. Bakit kasi ang tanga tanga ko?

Ibinaon ko ang mukha ko sa unan. Ilang saglit ang lumipas at hindi pa rin ako makalma-kalma. Nagulat ako sa malakas na katok mula sa pinto. I tried to stop my sniffles. The knocks turned harsher. Nililis ko ang kumot at mabilis na umupo at sumandal sa headboard. Mahigpit ang kapit ko sa dulo ng kumot habang tinititigan ang pinto.

"Amber, open the damn door." Zach's stern voice made me tremble.

Paulit-ulit na gumalaw ang seradura ng pinto. He's probably trying to open it. Nangilid ang mga panibagong luha sa aking mga mata. I immediately blinked them away. I am tired of crying. I am so tired of it.

"Go away!" Nanginginig ang boses kong sigaw.

Humugot ako ng malalim na hininga. Tuwing may tutulo na luha ay kaagad ko iyong pinapalis.

"Which one of these?! Damn it!" I heard him curse outside.

Mapakla akong ngumiti. At sinundan mo pa talaga ako? Bakit? He's guilty? Na-realize niya bang sobrang insensitibo niya sa sinabi kanina?

There was the panicking voices of the maids then I heard the sound of clicking keys. Lalong humigpit ang hawak ko sa comforter nang umikot ang door knob at tagumpay niyang nabuksan ang pinto. He conquered the door with his large frame, topless and hair in a mess. Pabilis ng pabilis ang hininga ko sa pagpipigil ng iyak at galit.

"Why are you here? I said go away." I spat at him coldly.

He closed the door with a loud thud. I bit my trembling lip. Pairap akong nag-iwas ng tingin at pinalis ang nahulog na luha sa pisngi.

"Let's talk," he said.

Umismid ako. He's so eager to return me back to my parents that he couldn't hide his frustration when he heard that they couldn't come over for dinner because of the typhoon. Why is he so eager to let me go? Because he doesn't want to sleep with me again? What a cruel way to slap the reality on my face, huh?

"Kung nandito ka para sermonan ako at sabihing ang arte ko dahil nagmumukmok ako dito for a very petty reason then I don't need you here. Hindi mo rin ako kailangan, hindi ba?"

I could feel his eyes bore into mine like fire. In my peripheral vision, I saw him walk towards me. Pairap akong umusog palayo at nagpunas ng luhang isa-isang tumutulo. Ang sama sama ng loob ko. Lalo pang tumitindi iyon tuwing sumasagi sa isip ko ang sinabi niya kanina at ang paraan ng pagkakasabi niya roon.

"You said you don't want to spend another night with me again. E'di, punta ka na roon! Iwan mo na ako dito. I am taking my rest here. Dito na rin ako mamayang gabi. This is my last night, anyway so it's alright." Tumangu-tango pa ako sa kabila ng basang-basa na pisngi. "I understand. You may go and sleep peacefully on your bed. Kung hindi mo na talaga matiis na pakisamahan ako, that's fine. I understand." My voice broke.

Unreachable ZachariusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon