Kabanata 30
Walang imik na sinimulan ko ang pagkain. Mabuti na lang rin at hindi na niya dinagdagan pa ang sinabi. The words that he just dropped are too much. I don't think I can handle them with my slowly fading composure.
I released a shaky breath. Hindi ko siya matignan. Medyo nanginginig pa ang mga daliri ko tuwing sumusubo. I can hear my insane heartbeats clearly!
Pinaglaruan ko ang aking pasta gamit ang tinidor. Ramdam ko ang bawat pagsulyap niya sa akin. Halos hindi ko na malunok ang kinakain ko.
"Hey," he called softly.
Marahan akong pumikit bago siya kalmadong tinignan, kunwari hindi kinakabahan.
"What?" Nagtaas ako ng kilay.
Bumaba ang tingin ko sa tinidor niyang nakatapat sa bibig ko, may malaking hiwa ng kanyang pagkain doon.
Kumunot ang aking noo. Susubuan niya ako? Seriously?
"Try this one..." banayad niyang sinabi.
Halos mapairap ako roon. Itinikom ko ang aking bibig. I gave him a sharp glare before showing him my plate.
"No, thanks. I am fine with just this." I sarcastically said.
Umigting ang kanyang panga at bumaba ang mga mata sa aking pagkain na wala pa masyadong bawas. He then sighed and gave up.
"Finish your food, then. I will drive you to your next go-see after this." Aniya.
"What?"
Kumunot ang noo niya sa reaksyon ko. Iminuwestra niya ang aking pinggan pagkatapos ay salubong ang kilay na tinitigan ako. "I said finish your food and I will drive you to your next go-see. I will also wait until you're done so I can drive you home."
Drive me home! I furrowed my brows at that. Hindi makapaniwala ko siyang tinitigan.
"Ang sabi ko may maghahatid na sa akin. Stop being so makulit, Zach." Iritado kong tugon.
Nabitin ang balak niyang pagsubo sa sinabi ko. His now angry eyes snapped at me. Medyo marahas ang ginawa niyang pagbaba sa tinidor.
"Since when did I become makulit? I am not asking for your permission. I will be the one to drive you to that damn go-see and back home. Ako lang. Ako. Naiintindihan mo? Now finish your food and for the nth time Amber Ylena, do not try my patience. Eat or else," may diin niyang sinabi sabay galaw sa tinidor ko.
I stared at him, bewildered. Look at this man. Kahit na nanunuyo, ang iksi pa rin ng pasensya. Sumimangot ako.
Nanunuyo? Really, Amber? May nanunuyo bang ganyan? My gosh! Nagpapaloko ka nanaman!
"Or else what?" I probed.
Handang-handa na akong mag-walk out kung sakaling may sabihin pa siyang hindi kanais-nais!
His expression remained deadly serious. "Or else iuuwi kita sa condo natin. Ikaw ang magluluto at doon tayo kakain dalawa."
Halos malaglag ang panga ko. Gusto kong matawa pero masyadong seryoso ang pagkakasabi niya doon at parang gagawin niya nga talaga. I faked a laugh. He sounds so adorable speaking Tagalog but I am not going to say that now. Naiirita ako. Naiinis ako.
"Huh," I huffed. "It's only been two months pero nakalimutan mo na agad na hindi mo kinakain ang luto ko. Tell me, Zach..."
Ngumuso ako nang itabi niya ang kanyang pagkain at nagpunas ng labi. He threw the napkin a bit harshly back to the table and gave all his attention to me.
BINABASA MO ANG
Unreachable Zacharius
RomanceDark, ruthlessly single-minded, rough, imposing, commanding, and the most sought-out bachelor of the country, Zacharius is the only man I have ever wanted. Even as a young teen, when it was impossible to capture the attention of a grown man, I longe...