Chapter 20
Bumusina si Zach ng ilang beses. We waited for the bodyguards to come out. Iritado na ang asawa ko habang ako'y paulit-ulit na humuhugot ng hininga. I leaned my back on my seat. Higit apat na oras ang naging biyahe namin. It's already past twelve and I am not feeling well.
"What the fuck are they waiting for?" Zach muttered.
Habang naghihintay ay kinuha ko ang foundation ko sa aking sling bag at nag-retouch. Medyo umaambon sa labas at ramdam ko ang lamig. I should've changed into something comfortable, I realized. Dapat nag-jeans ako o nagdala ng jacket. It's so cold.
"Be patient, please. They were probably not expecting a guest..." mahinahon ko siyang pinakalma.
He ignored me. Ngumuso ako at nilingon ang harapan nang tumunog ang gate. Si Jude ang una kong nakita, nakapayong at may hawak na radyo. Sumenyas ito at pumunta sa gilid ng sasakyan. Ibinaba ni Zach ang bintana ng kaniyang Ducati at nagpakita kina Jude at Manong Tonyo.
"What took you so damn long?" Zach growled.
Kitang-kita ko ang pagkakagulantang ng mag-amang bodyguard.
"S-Sir Zacharius," mabilis na yumuko ang mga ito."Open the gate." Zach ordered in his usual monotone.
Sumungaw ako ng kaunti upang magpakita at bumati. Mababait ang mga ito at masiyahing tao. Tita Leandra would always make sure that their bodyguards and maids wouldn't feel uncomfortable around the family. Personal ring ipinakilala sa akin lahat ng mga empleyado ng mansyon noong unang punta ko sa masyon. I was still so young then. They were so warm.
I always wanted to be part of the Zabinzkis and the Grays. Sina Kuya Hades lamang ang talagang kilala ko noon. Though mom and Tita Leandra were very close friends, hindi ko kilala ang lahat sa pamilya. I didn't know about Lilanton Zabinzki and for sure, there are still some on L.A that I didn't know.
If only our wedding wasn't too rushed, I would've met more members of the family on Tita Leandra's side.
"Hello po, manong. Hi, Jude!" I smiled and waved at them.
"Ma'am Amber!" Nagliwanag ang mukha ni Jude nang masulyapan ako sa loob habang ngumiti lamang si manong at nagkukumahog na binuksan na ang matayog na gate.
Zacharius tilted his head and glanced at me then back to Jude.
"What are you waiting for? Go and help him." Ipinaling niya ang ulo sa gate.
"Ah! Opo!" Mabilis siyang kumilos at tinulungan ang ama.
Lumingon ulit ako sa harap at humugot ng malalim na hininga. They pushed the rod iron gate open. It was made of thick, black stone, which was covered in silvery dew. Nang matanaw ko ang pamilyar na stone path papunta sa mansyon ay humugot ako muli ng malalim na hininga.
"Remember what I told you." Zach reminded as he drove towards the gate.
I nodded and stayed silent on my seat.
Natanaw ko kaagad ang mansion at ang malinis at maluwang nitong kinalalagyan. The mansion loomed proudly at the center of the field, flanked by rows of pine trees, swaying gently to the chilly wind. It's so pretty. The luxurious mansion, the bright blue sky, the many colorful plants and greenery, and insane amount of pine trees look so breathtaking.Zach swiftly parked his car meters away from the crystal clear pool beside the mansion. Kita ko ang pagtakbo ng mga kasambahay papunta sa amin dala ang mga payong. Sabay naming binuksan ni Zach ang pinto. Sinalubong kaagad kami ng mga ito.
BINABASA MO ANG
Unreachable Zacharius
RomanceDark, ruthlessly single-minded, rough, imposing, commanding, and the most sought-out bachelor of the country, Zacharius is the only man I have ever wanted. Even as a young teen, when it was impossible to capture the attention of a grown man, I longe...