Chapter 12"I am fine, Ethan. Pasensya na talaga sa kagabi. I was drunk." I said on the phone while i'm opening the long thick curtains of the bedroom to reveal the view of the skyscrapers and buildings outside.
Pagkatapos ng usapan namin ni Zach ay deretso na akong naligo. That man didn't even bother to clean me up last night. Lagkit na lagkit tuloy ang pakiramdam ko. Samantalang ako ay lagi siyang pinupunasan kapag umuuwi siyang lasing. It's saddening. Wala talaga siyng pakealam sa akin. Hindi niya rin ako pinaghanda ang breakfast. How cruel. May hangover pa ako tapos pinaayak niya kaagad ako kanina. I wish he cares for me the way I care for him, too.
I sighed. Dream on, Amber. Dream. On.
"Muntik ko ng masuntok ang asawa mo. Mabuti na lang at napigilan ko ang sarili ko." Ani Ethan sa tonong parang nanggigigil.
Ngumuso ako sa sinabi niyang iyon. Naiintindihan ko naman ang galit ni Ethan. Dinampot ko ang suklay sa dresser at nagsimulang suklayin ang medyo basa ko pang buhok.
"I'm really sorry, Ethan. Ikaw ang kasama ko kagabi kaya dapat sayo ako nagpahatid." I said apologetically.
I heard him sigh on the other line. Pinanatili ko ang tingin ko sa salamin habang nakikipag-usap sa kabilang linya.
"I could've been the one to drive you home but your bastard of a husband insisted so..." Naiwan sa ere ang dapat sanang katuloy ng sasabihin niya.
"Let's not talk about it. Susunduin kita, 'kay? Medyo aagahan ko dahil baka ma-traffic tayo. Say 4 pm or 5."
Tumangu-tango ako habang inilalapag muli ang suklay sa dating ayos nito pagkatapos pasadahan ng kaonti ang aking buhok.
"Adela texted me. Isang oras mahigit lang naman daw ang biyahe kaya ayos lang kung alas- sais tayo aalis." I informed him.
Miyerkules ngayon at gaganapin na mamaya ang fashion show ni Adela. I told her about my being scouted by Aunt Sela's former agency, the Cosme Vista Agency so she doesn't really need to refer me on her guests. It was a well-known agency in the Philippines and is popular for its professional and talented models. Kaya laking gulat ni Adela ng sabihin ko sa kanya ang pagkakapasok ko dito. I also told her about Mrs. Pilar Dalton's friendship with my Aunt and how she called me for a meeting.
Medyo bumabagabag pa rin sa akin ang kaisipang baka kinuha lang ako nito dahil sa kaisipang kamag-anak ako ng dati nilang sikat na modelo but then, I am also holding on with the assurance of Mrs. Dalton. Na kinuha ako nito dahil sa experience at magandang records ko.
"Uh-huh. Adela will be very happy to have you there as her audience, I'm sure." Aniya, bakas ang ngisi sa tono ng pananalita.
"I am happy, too. Pangalawa niya na 'to, hindi ba? Sa France kasi ginananap ang unang Fashion Show niya kaya hindi ako nakadalo." Sabi ko habang tumatayo.
"I'll hang up now, may lakad pa kasi ako. I still have to meet my agent for negotiations. Goodbye, Ethan."
"Alright. I'll just text you when I arrive. Bye." He said then hang up.
Bumuntung-hinga ako. Inilapag ko ang cellphone sa bedside table at dumeretso na sa closet upang maghanap ng susuotin. Sobrang aga pa naman pero marami pa kasi akong kailangang gawin.
Isang simpleng high waist jeans at black crop top ang napili kong suotin. It was already past 9 when I joined the traffic. My agent was already seated when I entered the restaurant. Dire-diretso ang lakad ko papunta dito lalo na nang makita ang medyo naiinip nitong itsura. Ngunit nang makita ako ay umaliwalas ang mukha nito at kumaway pa.
BINABASA MO ANG
Unreachable Zacharius
RomanceDark, ruthlessly single-minded, rough, imposing, commanding, and the most sought-out bachelor of the country, Zacharius is the only man I have ever wanted. Even as a young teen, when it was impossible to capture the attention of a grown man, I longe...