13

7.1K 158 2
                                    

Chapter 13

Warning: Reader discretion is advised.
----------


"Saglit lang naman tayo roon, Amber. We will only inform our presence, that's it. Nakakahiya kay Adela." mariing bulong ni Ethan sa tenga ko.

Kalmado akong tumango kahit sa totoo lang, hindi na ako mapakali. Sabay kaming pumasok sa loob ng bar kung saan gaganapin ang after party ni Adela. Some supermodels and showbiz personalities greeted us. Ilang nakatrabahong modelo rin ang gulat na bumati sa akin at lumapit. They inquired me about my being inactive and all I could do was answer them simply.

"Amber Ylena! You're here!" 

Matamis ang ngiti ko nang bumeso sa akin ang isang sikat na designer na minsang kinuha rin ako para sa fashion show nito. Ilang kamustahan bago ako pinakawalan. Some family friends tried to strike a conversation, too. Kinakabahan na ako dahil masyado na kaming natatagalan. Thankfully, Ethan excused ourselves and pulled me away from the crowd.

Nakahinga ako ng malalim nang makawala roon at matanaw si Adela sa dagat ng mga tao.

"Ethan! Amber!" kumaway siya nang malingunan kami.

Hindi na maayos ang ngiti ko dahil hindi na talaga ako mapakali. Anong oras na!

Ipinagpapasalamat ko na hindi na kinailangang lumapit kami sa kumpol na iyon dahil si Adela na mismo ang sumalubong sa amin. Una niyang niyakap si Ethan bago bumaling sa akin at nanlalaki ang mga matang tumitig. Bumitaw ako kay Ethan at ako na ang nangunang bumeso sa kanya.

"Congratulations, Adela." I whispered.

"Oh my God! Did you just dye your hair?" Eksaherada niyang puna. She even touched it and inspected my whole features with squinting eyes.

"Hmm. It suits you, but how about your agency? Paano kung may projects na ibigay sayo?"

I smiled at her. "Kaka-sign ko pa lang ng kontrata, Adela. And I can dye it back to black." sabi ko.

Her eyes widened. 

"Speaking of your agency, oh my God! CVA? That's big! Sinasabi ko na nga ba't makakapasok ka kaagad kung gugustuhin mo. Anyway, it is a perfect timing to introduce you to-"

"A-Adela, hindi na nga! I mean, sorry, nagmamadali kasi ako." I bit down on my lower lip and looked at Ethan for help.

"Huh? Why?" Nilingon niya rin si Ethan.

Ethan turned to me with his eyebrows shot up. I sighed heavily when I realized that he's not gonna help me with explaining. Pairap akong nag-iwas ng tingin.

"Sorry. Sorry talaga! C-Can we just schedule a dinner tomorrow? My husband wants me home." paliwanag ko.

Her mouth formed into a big 'O'.

"Zacharius wants you home? May development rin palang nangyari nang ikasal kayo, huh?" She smiled widely.

Ngumuso ako. "Hindi kasi ako nakapagpaalam ng maayos. Can we go now? I'm really, really sorry. Babawi ako bukas, I promise." I said, almost begging.

"Sure! No problem!"

Ngumuso ulit ako. I feel guilty. This is such a big event for Adela yet i'm here, thinking about something else. Ano ba 'yan!

"I'm really sorry Adela, but we really have to go. Ethan, please..." Hinila ko si Ethan na ngayo'y nakahalukipkip na at mariing nakatingin sa akin.

Unreachable ZachariusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon