Halos isang lingo narin ang nakalipas pagkatapos ko matanggap ang sulat sa GAGONG RAPIST NA YUN!! Kumakain kai ng may biglang nang istorbo.
“ May I join you?” Tinignan ko kung sino yung nagsasalita…
“ Maraming bakante dyan na lamesa, Dun ka! WAG DITO!!” pagtataboy ko sa kanya.
Ang init ng dugo ko dyan sa lalaking yan!! Eh panong hindi? Eh para kasibg naaalala ko si Alex sa kanya dahil sa ganyan! Yan! Ewan basta.
“ Bakit? May problema ba?” naupo sya sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko….
“Diba sabi ko? Dun ka sa kabilang mesa?! Sinabi ko rin na huwag kang lalapit sakin!!” tumayo ako at kinuha ang mga gamit ko. Makahawak ng kamay kala mo close kami?!
Kainis naman kasi, absent si Allen eh. Yan tuloy wala akong kasama. Nang dahil sa lalaking yun eh napag isipan ko nalang na lumabas nako ng Cafeteria…
“Bakit ba ang init ng dugo mo sakin?” tanong nya habang sinasabayan ako sa paglalakad…
“Ikaw lang ata ang may ayaw sa akin eh!” dagdag pa nya….
Tinignan ko muna sya bago magsalita.
"Stay away from me!" sabi ko sa kanya. Sabay talikod. Kaasar!
"Bakit ba ayaw mosa akin?! May nagawa ba ako na hindi mo nagustuhan?" tanong nya habang naglalakad parin kami. Hindi ko sya pinansin.
"Hey! Tell me!" pangungulit nya.
Naririndi na ako.
"Hey tell m-----"
"OO NA! SASABIHIN KO NA! Alam mo kung bakit? Kasi may isang taong nagpapaalala sakin kung gaano sya kawalang kwenta!!" sugaw ko sa kanya. Wala akoNg pakealam kung maraming tao ang naka kita at nakarinig sa ginawa ko, pagkasabi ko nun agad akong tumalikod at pinagpatuloy ang paglalakad.
Bakit ba hindi ko parin magawang magmove-on?
Naiinis na ko.
Inilagay ko lahat ng gamit ko sa locker at naupo.
"Tsss hayy! Bullshit! "
Alam nyo yung feeling na gigising ka sa umaga tapos para bang nag-aantay ka ng tatawag sayo…
Yung feeling na makakakita ka ng dalawang taong magkahawak ng kamay…
Yung feeling na---
"Malelate na tayo.."
"Ay pusang nakalbo! Napasigaw ako dahil sa bigla nalang nyang pagsulpot. "Hayyy! Pati ba naman sa locker room?” inis kong tanong sa kanya. Lumabas na ako at naglakad papuntang room…
“Good morning Kay.” bati sa akin ni Anna.
Nginitian ko lang sya….
Naupo na ako sa pwesto ko kung saan katabi ko nga pala yung lalaking yun.
Naupo narin sya sa tabi ko….
“ Okay Class we have an activity. This activity is pair, so find your partner”
By partner? Sino naman partner ko? Eh absent si Allen. Ahh, alam ko na...
"Tayo Jaime" sabi ko sa katabi ko.
"mero na eh" sabi nya
"Tayo Sam?"
"Meron na rin"
"Hayyyy!" edi kayo na! Kayo na may partner, ako na wala. "Si Allen nalang". Sabi ko.
"Sa akin na sya Kay. "
ANO BA YAN!!!
"Sakin sya! BestFriend nya ako! Okay?"
"Crush nya ko, okay?"
"Wow!! Ang sabihin mo, Ikaw ang may gusto sa kanya!!"
KAINIS!!!
"Ako nalang" tinignan ko yung katabi ko.
"Di bale nalang!" tanggi ko
"Ok, lahat na ba may partner?" tanong ni Sir Flores
"Si Kayceelyn po wala" Sam
"At tsaka po si Paull" Jaime.
"Edi kayo nalang Paull" Sir. Flores
"AYOKO PO!!" sigaw ko kay Sir Flores
"Bakit Kayceelyn? Kaya mo bang gawin mag-isa yung activity?" Sir Flores
"Ano po bayung activity?" tanong ko.
"Ok. I’ll explain it. Ang activity nyo ay Pupunta kayo sa lugar na ibibigay ko..at kaylangan nyong alamin kung papaano sila mamuhay. Meron kayong same break. I think two weeks" Sir Flores
"Kaya mo ba? Kayceelyn?" Sr.Flores
"Hindi naman po siguro aabutin yun ng isang lingo di ba?" tanong ko.
"Dalawang linggo, kaya?
GOD!
"Okay.. Partner. ” labas sa ilong kong sabi.
May mararating kaya 'tong pagiging partner ko sa palakang 'to?! Bahala na!
BINABASA MO ANG
Mistaken (UNDER REVISION)
RomanceIsang pagkakamali, maitatama nga ba ng isa pang mali?