AFTER A MONTH....
Madalas na si Alex dito sa bahay...
At lumalaki na ng tuluyan ang tyan ko ilang araw nalang manganganak na ako...Maalagang-maalaga si Alex, hindi ko maiwasang hindi sya tignan kapag tulog...Ewan ko ba, pero I know na hindi ito pagmamahal...
"Kaycee, You need to exercise para paglumabas yang baby...naka ngiti at gwapo... Like me..." natawa na lang ako sa mga kakulitan nya...Everyday ganyan sya,pinapatawa ako...Kahit na anong paraan basta mapatawa lang ako...
"Wag ka nga, baka maging kamukha mo pa sya...Ayoko nga..." kontra ko sa mga sinabi nya...
"Execuse me? Marami atang naghahabol dito sa pagmumukhang to no?" pagmamayabang nya...
"Oo na lang...Hahaha" nakipagtawanan na lang ako sa kanya...
Tatayo sana ako para kumuha ng juice nang maramdaman ko ang pagputok nang panubigan ko...
"A-alex?...Alex!" tawag ko sa kanya na kasalukuyang nasa garden...SHIT! Lalong sumasakit...
"Alex!..." tawag ko sa kanya...
"hmm? Wait lang may ginagawa ako..." sabi nya...
Walang hiya manganganak na ata ako...
"ALEX!!!" sigaw ko..
"ANO? Wait lang may gina-" pinutol ko na sya at sumigaw nang napaka lakas....
"MANGANGANAK NA AKO!!! SHIT KA! DALI DALHIN MO KO SA HOSPITAL!!!!" nakita ko syang nataranta...Hawak nya yung pang dilig nang halaman...
"Nga-ngayon na?..Sa-sandali..." hindi nya malaman ang gagawin nya..
"Tara sa kotse..." sumakay na kami at ilang minute lang nasa hospital na ako...
SA HOSPITAL
"Sige ire!"
"AHHHHHHH!!!!!!!!!!Hoooo!!!!" kanina pa ako ire nang ire....
"Sige pa..IRE!!!!"
"AHHH!!!!!!!PAULL!!!!!!!!!!!" nabigla ako sa sinabi ko...
Si Alex... Ang may hawak nang kamay ko pero bakit si Paull ang tinawag ko?
Maya-maya narinig ko ang pag-iyak ng sanggol...Hindi isa kundi dalawa..."Congrat's! Kambal ang anak nyo..." naramdaman ko ang pagdilim nang paningin ko...
.................................
ALEX'S POV:
Masaya ako dahil ako ang kasama ni Kaycee sa loob nang O.R...
Pero napawi ang kasayahan ko nang marinig ko ang pagtawag nya sa pangalan ni Paull...
I know, hindi pa rin sya nakaka move-on...Ang masakit lang kasi, ako yung nandun pero iba yung hinahanap nya...Pinagmasdan ko ang mukha nang dalawang anghel na nasa tabi ni Kaycee...
Kamukha nya yung lalaki...Pero mas kamukha ni Paull yung babae...Kung sya ba ang nandito ganito rin ba sya kasaya kagaya ko?...Binuhat ko yung lalaki, Hilingin ko kaya sa kanya na ako ang magbigay nang pangalan dito? Tss...As if naman na may karapatan akong mangialam sa mga anak nya...
"Baka mag tampo yung kambal nya..." nakita ko syang nakangiti...
"Akin na yung baby girl ko..." inabot ko sa kanya yung baby girl...
"Hi, baby? Ang cute-cute naman ng mga baby ko..." pinagmasdan ko silang tatlo...
Kung hindi ko ba sya iniwan, ako siguro ang ama nila? No?...Para akong bakla!Masyadong madrama!
"Maxine Tep Domingo for my baby girl..." tinignan nya ako...
"What? May dumi ba ako sa mukha?" tanong ko...
"Bigyan mo nang pangalan yang baby boy ko, hindi pwedeng lumaki yang baby boy ko nang wlang pangalan no, magtatampo yan..." unti-unti akong napangiti...
"Maximo Zen...Ok. Lang ba?" tanong ko sa kanya....
"Maximo? Hmm? Ambantot naman..." grabe...
"Hindi kaya ang gwapo ngang tignan eh...Ang macho pa!" sabi ko sa kanya...
"Tao po?" tumingin kami sa pinto...
Si Tita Claire...Kasama si Allen at yung boyfriend nya...
"Mama, kaylan pa kayo bumalik?" tanong ni Kaycee...
"Tignan ko nga ang mga apo ko?" lumapit sya sa akin at kinuha si Maximo...
"Friend kamukha ko tong baby girl...Manang-mana talaga sa tita nila" hinawakan naman ni Allen si Maxine...
"So, anong pangalan nila? Ako magbi---" pinutol ni Kaycee yung sasabihin ni Allen...
"Meron na...Maxine Tep for baby girl and maximo zen for baby boy..." paliwanag nya...
"Ang pangit naman! " angal ni Allen...kung hindi lang yan babae, sinapak ko nayan...
Lumabas muna ako para makapag-usap sila...
Paull?...Tinignan ko kung si Paull nga iyon, pero hindi ko na nahabol...
Pano pagbumalik si Paull?...Syempre patatawarin nya yun...
Halata namang mahal nya parin si Paull.Masaya na rin ako dahil nakasama ko sya, kahit papaano walang doubt sa puso ko kung sakaling mawa---"Alex..." si Shiella...
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya...
Naramdaman kong nanakit na naman ang ulo ko...
"Alex...Please! Sundin mo na ang mga sinasabi ng doctor..." napangiti nalang ako...
"No...It's gonna be fine" inalalayan nya ako sa paglalakad...

BINABASA MO ANG
Mistaken (UNDER REVISION)
RomanceIsang pagkakamali, maitatama nga ba ng isa pang mali?