CHAPTER 29

3.1K 67 1
                                    

Nabigla ako sa pag-alis ni Alex sa hospital...After kong manganak, hindi pa sya nagpapakita...Nandito na ako sa bahay kasama ang dalawang anak ko,Nilalaro ni Allen yung kambal...Ano kayang nangyari dun?

"Friend! Mag iisang taon na ang mga pamangkin ko kaya dapat pabinyagan na natin at tsaka isabay nalang natin sa birthday nila yung binyag..." oo mga pala, I forgot...

"Ok.Ako nang bahala sa invitation card and then ikaw nalang sa preparation ok?" sabi ni Allen..

"Ok." Pagsasang-ayon ko...

.........................

"Hello, Allen? Sigurado ka bang tama tong binigay mong address?" tanong ko sa kanya...Sya kasi ang nag suggest ng lugar na to....

"Yes, dyan nga yun! Magaling daw kasi yung photographer...dyan kaya sige na..madami pa akong gagawing invitation card..." ibinaba ko na yung phone at tsaka pumasok sa loob...

Kasams ko si Maxine, si Max nakay Allen...Wala kasi si Mike eh, pinaiwan nya muna para daw may kasama sya. Kaylangan ko kasi ng photographer para sa birthday at binyag ng mga anak ko....

Maganda sana tong photoshop kaso kabwiset lang sa pangalan eh...

"Welcome to Makoh's Photo shop..." nginitian ko lang yung babaeng guard dun...

Pumasok ako sa loob at kina usap yung lalaking nakatalikod...

"Execuse me? Kaylangan ko kasi nang photographer para sa birthday at binyag nang anak ko...May available ba?" tanong ko sa kanya...

Dahan-dahang tumingin sa akin yung lalaki...

O_O?

"Hi!"

Ang-ang lakas maka Dingdong Dantes ah...

"May available ba kayong photographer?" tanong ko...

"Wala po eh...yung last photographer po namin yung boos namin...Kaso may birthday and binyag din po syang pupuntahan eh!Iwan nalang po kayo nang calling card para matawagan po namin kayo kung meron na pong available...Kaylan nyo po ba kaylangan?" tanong nya sa akin...ang daming sinabi wala naman pala!

"This Sunday..." sabi ko....

"Sige po...Tatawagan po namin kayo!"

"Thank you!" lumabas na kami nang shop...

"Baby, Pag walang nakuhang photographer si Mommy...Ako nalang" ngumiti lang ang anak ko sa akin..

Minsan masungit tong anak ko...

Bumalik na ako sa bahay para tignan kung nagdeliver naba yung mga balloons na inorder ko...
Dito sa bahay gagawin ang handaan...

*KRINGGG*

Inilapag ko muna sa kama si Maxine at sinagot yung tumatawag...

"Hello? Domingo's residence...Sino po sila?" tanong ko sa kabilang linya...

"Hello?" tanong ko ulit...

Siguro nangtitrip lang to...Ibinaba ko yung telephono, pero nagring ulit...

"Hello?! You think this is funny?! Who the hell are you?!" nainis na ako...

"......kaycee...."

Halos manigas ako, talo pa na frozen sa lamig na naramdaman ko...Yung boses na ayokong marinig pero hinahanap-hanap ng puso ko...Hindi ko alam pero kusang tumulo ang mga luha ko...

"Kaycee..."

I lied if I say I didn't miss him...But I hurt my self If I reply...Gusto kong babaan sya pero ayaw gumalaw nang kusa ang mga kamay ko...Hindi ko na mapigilan ang bawat paghikbi ko...Lahat nang sakit bumalik sa araw kung kaylan nya ako iniwan...I don't wanna hurt my self anymore.

"Ba-bakit?" hindi ko pinahalata na umiiyak ako...

"How are you?" gusto ko syang sagutin at murahin!

"Sino to?...Anong kaylangan nila?" painisente kong tanong...

"It's....It's Paull..." lalong kong naramdaman ang sakit nang bangggitin nya ang pangalan nya...Inilayo ko nang kaunti yung telephono....

"Paull? Sorry pero mali ka ata nang natawagan...Hindi na Domingo ang nakatira dito...BYE!" agad kong ibinaba ang telephono...

"ANG LAKI MONG TANGA! Kakasabi mo palang na Domingo's Residence eh! Ang tanga mo!" halos hindi na ako makahinga sa sakit na naramdaman ko...
Bakit bumalik ka pa? Bakit hinahanap-hanap mo nga sya eh!...Kahit sa panaginip mo sya parin...Aminin mo! MAHAL MO PARIN SYA! Kahit na si Alex yung nandyan at tinulungan ka sa mga paghihirap mo!

Ang tanga-tanga mo!

Lumapit sa akin si Maxine at nakita kong iiyak na rin sya...

"Baby, Sad ka rin ba?" binuhat ko ang baby ko at pinatulog....

Paull, sana bumalik ka nung kaylangan kita!

Mistaken (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon