Chapter 1

15.4K 216 7
                                    

Kayceelyn's POV:

Pinilit ko yung sarili kong huwag mag isip ng kung anu-ano dahil 'di yun makakatulong sa akin. Tumayo ako at pinulot yung mga damit ko. I fixed myself  bago lumabas ng kwartong 'to.

Kaninong condo 'to? Nasan ba ako? Kung susuriin 'tong unit na'to halatang lalaki talaga ang may ari pero  sino nga yung nakatira dito? Pano ba kasi ako na punta dito? 

"Hayssss! Napaka tanga mo talaga Kaycee!" sabi ko nalang sa sarili ko dahil sa nangyari. I can't control myself, napaluha nalang ako dahil sa nangyari. May magbabago ba? Maibabalik ba yung nawala sa kin? Shit lang kasi!

Biglang kong naalala  yung nangyari kagabi.......

*FLASHBACK*

Nandito ako ngayon sa bar. I'm going to meet Alexander and we're going to celebrate our 3rd year anniversarry.

I'm so excited to see him but ipinagtataka ko lang this is not the meeting place na pinupuntahan namin. Nakakapagtaka lang talaga. Alam nya namang madalang akong uminom eh.

Why here?

Bakit dito nya pa napiling magcelebrate? Bakit dito pa sa bar?

Bigla akong kinabahan.

No. Wala to.

Huminga nalang ako ng malalim at pumasok na sa loob. I tried to find him but I failed. Hindi ko sya makita dahil narin sa dami ng tao at ingay sa loob. Kinuha ko yung phone ko at tinawagan sya pero ring lang ng ring.

Asan ba sya?! Where the hell is he?

"KAYCEE OVER HERE!" nilingon ko kung saan nanggaling ang boses na yun

I saw him na nakikipag usap sa bartender. Lumapit ako sa kanya at hinalikan sya sa pisngi, "Hi" bati ko sa kanya. Hindi nya sinagot yung hi ko sabay lagok ng alak. Binalewala  ko nalang yun, "Bakit nga pala dito tayo nagkita? Bakit hindi dun sa park?" tanong ko, kadalasan kasi dun kami nagkikita. Bakit kaya dito? Nagtataka lang ako.

Tinignan ko sya na ikinalingon naman nya. Nagtitigan kami ng ilang segundo at tsaka lumagok ng isang shot ng alak. I think its whisky, amoy palang.

"Alex, may problema ba?" tanong ko. Anibersaryo namin ngayon tapos ganito ang set up namin? Hindi naman kami ganito kapag anniversary naming dalawa eh, pero bakit iba ata ngayon? Bakit may nafefeel akong hindi maganda? 

NO!

Binura ko yung nasa isip ko at hinarap sya.

"Kaycee..." tawag nya sa akin, amoy na amoy ko yung alak mula sa bibig nya. Lasing na sya. Namumula na yung mga mata nya eh. Tumingin ako sa mga mata nya, di ko alam pero nakaramdam ako ng hindi maganda. Hindi sya magiging ganito kung walang problema.

"Bakit? Is there anything wrong?" kalmado kong tanong na sinabayan ko ng pekeng ngiti.

"Mahal na mahal kita. You know that, right?" naguluhan ako sa tanong nya

"I know, of course! Ano bang nangyayari sayo?" inis kong tanong sa kanya. Alam nya namang maikli lang ang pasensya ko sa ganito eh. Kaasar! 

"Babe, I'll do everything to make you happy, I'll do everything para maging okay ka. You know how much I love you, you know how much I really ca----" I cut him off. Wala tong patutunguhan na usapan namin.

"Are you breaking up with me? Do you?" deretso kong tanong sa kanya.

" Bhie... Sorry pero....." Ayokong marinig. Ayoko! Bakit ngayon pa? Bakit ngayon pang anniversary namin? Bakit ngayon pa kung kelan napatunayan na namin sa parents nya? Bakit ngayon pa kung kelang mahal na mahal ko na sya? Bakit?!

Hindi ko na napigilan yung pagtulo ng mga luha mula sa mga mata ko. Umiling-iling ako, ayokong maniwala. ayokong maniwala na masasayang lang ang lahat at mapupunta sa wala. Not now Alex.

"Bhie, humarap ka sa akin. Sorry, I know but we need to do this. We need to e---"

"No! Tell me, why? Bakit mo sinasabe ang lahat ng 'to? Bakit? Bakit kailangan mo kong saktan? Bakit kailangan mong magsinungaling sa akin? Alex naman eh, okay na tayo di ba? Okay na tayo. Bakit magiging ganito na naman?" umiiyak kong sabi sa kanya.

Kung napapagod na sya? pwes ako ang lalaban para sa kanya. Huwag lang ganito. Huwag lang maging ganito yung relasyon namin.

"Bhie, sorry. I know it's hard but this is the only thing that I can do"

"No!" he cant!

"Bhie---"

"I said----"

"I'm engaged!" Tumingin ako sa mga mata nya. Nakikiusap na bawiin nya yung sinabi nya. Pero hindi eh, he's telling the truth. Nakita ko yung pagtulo ng luha nya sa kanang mata. Hindi ko na napigilan ung sarili kong ilabas yung luha kong kanina pang gustong kumawala. 

"Bakit? Bakit Alex? Kelan pa? Pano? Sila Tito ba? Akala ko ba okay na ako sa kanila? Huh? Alex" ang daming tanong sa isip ko na gusto kong masagot nya.

"Bhie, ka-----"

KRING KRING KRING

Napatigil sya dahil sa pagtunog nung phone nya. Sinagot nya yun at tumingin sa akin. Maya-maya pa, ibinaba nya na at tumingin ulit sa akin, "I need to go, I'm so sorry. May mga bagay na mas importante kesa sa relasyong meron tayo. Kailangan mong maintindihan ang lahat, Bhie" pagkasabi nya nun ay umalis na sya ng wala manlang paliwanag kung bakit.

Naiwan akong tulala, di ko alam kung susunod ba ako sa kanya o ano, ewan ko! Hindi ko alam. 

"Engaged? ha-ha-ha"natawa nalang ako. 

Bakit kailangan pa nyang gawing to?

Bakit?

"Give me one tequilla" sabi ko sa barista na nasa harapan ko.

"Ma'am sorry but we can't give you te----" I cut him off.

"I said give me one tequilla!" sabi ko sa kanya,

END OF FLASHBACK*

SHIT! BULL SHIT!!

*sniff*

"Ang sakit. Sa loob ng three years. Pano nya nagawa??" Hindi ko na napigilan ang luha ko.

Sobra ko syang minahal *huk* sobra.

Biglang tumunog yung cellphone ko.

Allen calling.

"hello?"

"Asan kaba? Anong oras na oh? Magsisimula na yung exam natin!"

SHIT! OO NGA PALA

"AHHHH!" sa sobrang pagmamadali di ko napansin yung nakaharang na maliit na lamesa dahilan para mabangga ako dun at bumagsak sa baba.

KUNG MINAMALAS KA NGA NAMAN!

"Hey! Are you okay? Kaycee!ANONG NANGYAYARI DYAN??" natataranta yung boses ni Allen.

"I'm fi---fine...natapilok lang ako, sige papunta nako dyan bye.."

Nag-ayos nako.

Sinuot ko yung damit na suot ko kahapon.

Kahit na masakit kaylangan kong pumasok dahil malaki ang mawawala sa akin sa oras na umabsent ako....

Mistaken (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon