Nandito ngayon si Paull sa bahay...
Ilng araw na syang nandito at ilang araw narin akong hindi nakakapasok....
Nag-aalala ako na baka mawala ako sa Ranking...
"Kumain kana!" hindi ako sanay na may nagluluto para sa akin...
Kadalasan kasi ako lang ang nagluluto...
"Thank you..." sinimulan ko na ang pagkain...Pero hindi ako makanguya dahil sa ginagawa ni Paull...
"Wag mo kong tignan..Hindi ako makakain ng maayos!" tinabig ko ang mukha nya...
"Kumain kalang dyan!" hinawakan nya yung kamay ko na pinang-tabig ko sa mukha nya...
Babawiin ko na sana kaso hinigpitan nya lang lalo yung pagkakahawak...
"Yung---"
"Kumain kalang...O baka gusto mo subuan pa kita?"
Lumipat sya sa tabi ko at kinuha yung pagkain ko...
"Hoy! Wag na! Hindi pa ko baldado para subuan mo!" pinigilan nya lang yung dalawang kamay ko sa pagpupumilit na kunin sa kanya yung kutsara...
"Paull ano ba? Kakain ako!" pilit kong tinatanggal yung dalawang kamay ko sa pagkakahawak nya...
"Kaya nga susubuan kita eh! Ah?" pinapabuka nya yung bibig ko...
" Ako na...Paull naman eh!"
"Aaaah!"
Wala na akong nagawa kundi ang ngumanga nalang!! Nakakainis...
"Masarap ba yung luto ko?" tanong nya na hanggang ngayon hindi parin binibitawan ang mga kamay ko...ABA NAWILI ATA!!
"Kahit papaano pwede nang pag-tyagaan..." tumingin ako sa kanya...
"Kaycee...." Tawag nya sa akin...
"Paull..." tawag ko rin...
"Kaycee..." Tawag nya ulit...
"Paull..." tawag ko rin ulit...
"Bakit mo ko ginagaya? Kaycee naman eh!" binitawan nya na yung kamay ko...
"Eh! Para ka kasing sira eh! Bakit ba?" tumayo ako at sinundan sya sa garden...
Naupo sya sa tabi ng pool...at ibinabad ang paa dun..Ginaya ko narin sya, naupo ako sa tabi nya...
"Ano nga yun Paull?" kulit ko sa kanya...
"Kaycee..." ayan na naman sya...
"Ano nga?!!" inis kong tanong...
"Pano kung yung taong nasa paligid mo...may nagawa sayo...at hindi mo alam.. anong gagawin mo?" seryoso nyang sabi...Ano nga ba?
"Hmmm...Ano muna yung kasalan na nagawa nya?" tanong ko...
"Basta...panu kung may nagawa sya sayo na...na hindi maganda, na...na malakng kasalanan.."
"Malaki? Yung tipong hindi ko mapapatawad, ganun ba?" tanong ko...
"O...oo ganun nga.." tumingin muna ako sa kanya bago sumagot!
"Siguro, magagalit ako...hindi kosya mapapatawad, hindi ko sya kayang harapin, hindi ko sya kayang kausapin, At siguro kung yung taong mahalaga at taong mahal ko ang gumawa ng malaking bagay na hindi ko mapapatawad...I'm sure...tuluyan nang lalayo ang loob ko sa kanya...Yun kung Malaki talaga yung nagawa nyang kasalanan.."
Nabigla ako sa ginawa ni Paull...Nakayakap sya ngayon sa akin...
" Pau---" lalo pa nyang hinigpitan ang yakap nya...
"Ba---bakit? Mali ba yung sagot ko?" hindi nya ako sinagot...nanatili lang sya sa pagyakap nya sa akin...
Hinayaan ko lang sya sa ganoong posisyon...
Ano bang nangyayari kay Paull? May problema kaya to?
Kumalas na sya sa pagkakayakap sa akin...at straight na tumingin sa mga mata ko...
Hindi ko mabasa ang emosyon sa mata nya...
"Eh...pano kung...kung mahal ka nya?" tanong nyang bigla...
Napaiwas naman ako...Nakakailang eh...
"Kung mahal nya ako?...siguro, Hindi sapat yun para patawarin sya at tsaka kung mahal nya talaga ako, hindi nya kayang gawin yung bagay na ikakagalit ko..." this time tumayo na sya at naglakad papasok sa bahay pero bago sya pumasok may sinabi syang ikinagulo ng isip ko...
"Sorry..."
Sorry...
Sorry...
Sorry...
Ba-bakit sya nag sorry?
Sa tono ng boses nya mahahalata mo ang lungkot at pagsisisi sa pagsabi nya ng Sorry....
"Ang weird nya..." yun lang ang lumabas sa bibig ko....
BINABASA MO ANG
Mistaken (UNDER REVISION)
RomansaIsang pagkakamali, maitatama nga ba ng isa pang mali?