Pangsampung Kakiligan

273 16 14
                                    

Pagtungtong ko palang sa gate ng paaralan namin , marami na akong nakikitang mga lovers na sabay sabay pumasok , holding hands pa.

Yung totoo? Di to park mga teh! School to , school! 

Wlangya!

Bitter na nga yung tao , pinapainggit pa nila. Bitter? Kainis kasi! Nakita ko kasi on the previous days , palaging lumalapit si crush sa babaeng nasa classroom namin which is si Neri. Di naman hamak na mas maganda ako dun. Oh sige na! Ako na ang bitter!

"HAPPY VALENTINEEEESSSSSSS!" bati sa akin ni Christine pagpasok ko palang sa classroom.

BWISIT!

Oo! Valentines ngayon , di ba halata?! tsk mga malalanding taong nasa paligid. -_______-

O sige! Kayo na may lovelife, habang ako wala! Kaimbyerna!

"Oh teh? Anyare sa mukha mo? Bakit lukot ng lukot? Haay naku! Move on din pag may time."

At isa pang bwisit na Christine na to. Bestfriend ko ba to? Araw-araw nalang ata sinasabi sa akin ang mga katagang yan. Sarap itapon eh. 

-____________-

Inayos ko agad ang bag sa upuan ko at kinuha ang headset sa bag ko. Bahala sya dyan. Nakakainis! Move on daw? Sarap upakan eh. Ang supportive talaga. Pshhh

At sobrang nabwisit ako ngayon dahil akalain nyo nga namang wala palang pasok ngayon , I mean may pasok pero hindi pumapasok ang mga teachers ngayon. Siguro naman alam nyo na kung bakit , di ba?! See, ako lang ang dakilang lonely ngayon!

Kinuha ko agad ang librong di ko pa natapos nabasa, nakita kong umalis si Christine saglit at lumapit kina Chester at may pinag-uusapang masinsinan. Hay naku! Wag na nga makialam Cindy! Malamang mga nakakakilig na pagpapantasya na  naman nila yan na kesyo ganito , kesyo ganyan.

Halata bang bitter ako? T^T

Oh sige na , susubukan kong magpaka SWEET saglit. >.<

Habang nagbabasa ako .

Biglang umalis si Cheska at pumunta sa ---

UGH! BWISIT!

Biglang umalis si Cheska at pumunta sa ---

BWISIT! Alam nyo ba kung bakit hindi ako nakakaconcentrate sa binabasa ko ngayon? Ay mga teh , grabe lang , sa harap ko mismo. Yung crush ko at si Neri nag-uusap , nagtatawanan pa, nag-aapiran , naghahampasan , nagsisigawa---

Oh-kay! Naging bitter na naman ako! T^T 

SIno bang di magiging bitter sa lagay na yan. Yung crush mong ilang beses mo ng hiniling na mahawakan , makatawanan , makahampasan at sigawan eh nagawa ng babaeng yan. Badterp!

Biglang tumingin si Ryan sa akin at kaya lumingon din si Neri sa akin.

"Hiii Cindy" sabi ni Ryan na nakasmile at humarap agad kay Neri.

WAAAAAAAAAAAH! Darn! Shit! Okay! Pinapaselos nya ba ako? Ayyy nga pala! Ang assuming ko. 

Kinuha ko ang libro at lumabas ako , mas mabuti pang dun nalang ako sa garden magbabasa, may peace of mind pa. Di katulad dun , maraming bagay na nakakaimbyerna.

Ilang oras na rin akong nagbabasa rito , mabuti nalang at hindi mainit dito. Nakakrefresh ng feeling.

*riiiiiinggggggggggg*

Bigla nalang nagring which means na lunch na . Haaay! Sa wakas! 

Bumalik ako sa room agad para kunin ang bag ko.

Crush Ako Ni Crush : CONFIRMED (Completed) (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon