Pangalawang Kakiligan

386 20 11
                                    

Bakit ba naging crush ko siya for three years? 

Marami na siyang naging girlfriends .Marami na siyang may kahawak-kamay. Marami na siyang kabiyak ng puso.

Samantalang ako,naghihintay lang sa kanya na mapansin ako. Na malay natin , maglelevel-up pala ang pagiging "classmates" relationship namin.

FLASHBACK NO.1

Naglalakad na ako kasama si Christine papuntang room dahil kakatapos lang namin ng T.L.E which is Computer sa Computer Room.

Pero as usual , with our lines pero mas nauna ang boys kaya mas nauna silang dumating sa classroom namin. 

Busy ako sa pagsusuot ng aking footmop nang nakabangga ko si Ryan that time .

"Ayyy sorry!" sabi ko sa kanya since hindi ko naman talaga sinasadya. Kahit naman malandi ako (slight lang) , hindi ko naman gagawin 'yung desperate moves. Kadiri lang.

"May crush ka ba sa akin Smith?" tanong niya sa akin.

Agad naman akong namula sa tanong niya at matagal na nakasagot.

"Hoy! Kahit kailan talaga ang kapal ng mukha mo! At ano?! Ano 'yung tinanong mo? Kung may crush 'tong bestfriend ko sa'yo? Lul . Asa, boy! "

Kung tinatanong niyo kung sino ang sumigaw? Sino pa ba? Eh 'yung bestfriend kong palaging epal sa aming dalawa. Kung makasigaw naman , akala mo siya ang tinatanong. Ayan tuloy , umalis nalang si crush.

FLASHBACK NO.2

Sa section namin , may isa pa akong close. Siya ay isang bakla na si Chester. Nang dahil sa kanyang pagkamasinop ay siya ang na-assigned ng teacher na humawak sa susi ng classroom so ibig sabihin , siya ang unang papasok at huling lalabas ng room.

Uwian na namin ngayon at dahil hindi ko pa natapos ang aking assignment para bukas -na ginawa ko dito- ay naiwan kaming tatlo ni Chester at ni Christine . And unexpectedly , nagpaiwan lang din si Ryan for unknown reason.Gusto ko mang mag-assume na dahil ito sa akin pero huwag na , baka kiligin na naman ako ng bongga.

Nakaupo ako sa chair ko habang si Christine at Chester ay nakaupo na nakaharap sa akin. Ang aking love of my life naman ay naglalaro ng basketball na gamit ang footmop at ang likod ng pintuan bilang ring.

Astig talaga. Ang galing niyang gawin ng basketball court ang classroom namin.

"Ano ba 'yan?! Bakit ba kasi kayo nakaharap sa akin ngayon!?" tanong ko sa kanila. Eh , sinong hindi maiilang kung bawat paggalaw mo , sinusundan ng kanilang mata. T^T

"Kaya nga eh, umuwi na tayoooo!" sabi naman ni Christine na hinahawak -hawakan ang aking braso. Nag-nod naman si Chester.

"Ayaw ko nga!" 

"Eh! Ayaw mo lang naman eh dahil nandito yung love of your lif—" tinakpan ko ang kanyang bibig. Takte,ang ingay talaga ng bibig nitong babaeng to!

"Anong love ang sinasabi niyan ha, Cindy?" tanong sa akin ni Chester na tinutusok tusok ang aking pisngi.

"Aishhh wala! Tara ,uwi na tayo." sabi ko sabay arrange ng mga gamit ko.

Pagkatapos kong mag-ayos ay lumabas na kami ng apat.

Syet lang ! Ba't ang bango pa rin ng crush ko kahit pawis na pawis siya?

Naghihintay kaming tatlo ni Christine at Ryan kay Chester na masara ang padlock.

Ang tagal talaga ng baklang 'to oh! Kaya lumayo-layo muna ako ng konti at naglakad sa lobby. After ilang minutes ay wala pa rin kaya babalik na sana ako.

Pagbalik ko , nakatingin sa akin si Ryan habang si Christine at Chester ay busy sa lock. Anong meron? Alam ko namang maganda ako eh! Tsaka ngayon lang ba niya narealize ang kanyang kamalian sa hindi pagpansin sa akin?


Bwisit ,nakakailang talaga ang tingin niya sa akin ngayon! Kaya naisipan kong hindi pansinin at lumingon kina Chester at Christine.

"HOY CHESTER! BA'T ANG TAGAL? WALA PA BA—" naputol ang aking pagkainis at pagsigaw kina Chester dahil:

"ANG GANDA MO TALAGA"

Bwisit na lalaking 'to talaga! Pinapakilig na naman ako na wala sa oras.

Ipagpatuloy...

Crush Ako Ni Crush : CONFIRMED (Completed) (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon