Unang Senyas

774 26 18
                                    

A GUY IS INLOVE WITH YOU WHEN:

He stares at you more than three times a day unless you have stains on your t-shirt.

Careless, careless. Shoot anonymous, anonymous.

Heartless, mindless. No one. who care about me?

irheobeorin chae oemyeonhaneun geot gata chameul subakke eobseo

nuneul gamjiman

mama! ijen naege daedaphaejwo wae saramdeuri dallajyeonneunji

areumdaun sijeoriraneunge jonjaehagin haenneunji

ije deoneun saranghaneun--

Aisssh! Nakakainis naman 'tong bwisit na alarm clock na 'to eh. Ang aga-aga nambwibwisit.

Agad na lumaki ang bilog kong mata nang mapunta sa oras ang mata ko. Shems , 7;30 na!

Dali-dali akong nagbihis , kumain at pumunta sa school. I swear , ang bilis talaga sobra.

Pagkadating ko sa classroom na -of course- hinihingal,umupo na ako.Mabuti at wala pa si Christine.

We were dancing under the moonlight na parang kami 'yung prom queen at prom king. OMO! Bakit mo ako nagawang pakiligin ng ganito , Ryan? Tae lang , isang simpleng galaw mo lang , talbog na ako sa kakiligan.

"You are so gorgeous..." bulong niya sa tenga ko. Eh , bakit ba lagi nalang siya sa tenga ko bumubulong? Di ba pwede sa LIPS ko siya bubulong?

"I know right " I smiled at him. Nararamdaman ko na ang unti-unting paglapit ng kanyang mukha.

FOREHEAD TO FOREHEAD

NOSE TO NOSE

LIPS TO LI-

"Syet Cindy? Ba't tumutulo na naman 'yang laway mo at nandiyan na naman 'yang mata mong punong puno ng sparks, ha? Nagde-daydream ka na naman noh?" bwisit na tanong sa akin ni Christine. Kahit kailan talaga ang epal ng walanghiyang 'to.

Hindi ko siya pinansin at sa halip ay hinanap ko ang ilaw ng aking puso , ang haligi ng aking puso , in short, my love of my life. Saan na ba 'yung si Ryan? Nasa puso ko na ba?

Hinanap ko siya at yun oh! Nasa likod, at alam niyo kung ano ang ginawa niya? Syempre, nakatitig sa akin. Wa-wait , nakatitig? I saw him smiled at me at he looked away. Awwwts! Sayang naman! 'Di ba sya nagandahan sa view?

STRIKE ONE!

Naalala ko pa nung nakausap ko si mommy.

Flashback

Dahil ilang araw na akong walang nagawa sa summer ko. Naisip ko 'yung sinabi ni mommy noong first year palang ako, three years ago.

"Alam mo anak?-"

"Hindi ko po alam."

"Anak naman eh.Makinig ka!" , sabi niya sabay pout na naman sa akin. Childish mom talaga.

"Opo ma. Sige , gora lang!" umupo ako at taimtimang nakinig sa kanya.

"May mapapansin ka bang lalaking lagi mong nakitang nakatitig sa'yo?" nagtaka naman ako bigla. Paano naman napunta doon ang usapan?

"ha?"

"Alam mo anak , may anim na rason lang naman eh kung bakit nakatitig siya sa'yo."

(take note girls)

1. May dumi sa iyong mukha. Di mo lang napansin.

2.May galit siya sa'yo kaya 'di niya maiwas ang kanyang tingin sa'yo.

3.Magkakilala kayo.

4.Nagagandahan siya sa'yo

5.Lutang lang siya at 'di niya napansin na nakatitig na pala siya sa'yo.

6.Malaki ang tama niya sa'yo, 'di lang niya maamin.

"Kaya anak, tandaan mo 'yun ha! Magagamit mo yun" sabi niya sabay gulo sa buhok ko.

-Snack time-

"Alam mo ba Cindy? Mahal kita!"

"Hindi eh... Sensya na!"

"Mahal kita"

"......" tumingin lang ako sa kanya

"Mahal kita! Mahal kita! Mahal mahal mahal kita. Ma-"

"Oo na! Oo na! Maha-"

"Oy Cindy , snacks tayo?" sabi ni Christine. Lupa, pwedeng pakikuha kay Christine at pakibalik nalang kapag nagkatuluyan na kami ng love of my life ko?

Bakit ba sa lahat ng daydreams ko , si Ryan palagi ang nagsasabing "I LOVE YOU" ?

"Alam mo Christine , mahirap na ang buhay ngayon. At alam mo na, maraming bata ang nagugutom at walang makain araw-araw , at alam mo sobra na ang ka-"

"katabaan ko?! Hoy Cindy! Kung makareact ka naman , akala mo kung sinong hindi ma- Never mind! ANG PAYAT MO PALA! WALKING STICK!" sabi niya tapos nagbelat pa.

"HMMP! EWAN KO SA'YO! " sabi ko sa kanya at idinaukdok 'yung ulo ko sa arm desk.

"Alam mo , Cindy? May good news ako sayo."

"Ano na naman 'yan! Na binilhan ka ng Mommy mo ng Powerpuff Girls na underwear? Tsss. Para ka talagang bata!"

"Hindi ah! Sige ka! Hindi ko sasabihin sa'yo! Sayang naman , sigurado akong pag sinabi ko sa'yo 'to , mabubuhayan ang matagal ng patay mong puso , ang puso mong matagal ng umaasa, ang puso mong matagal ng nasaktan , ang puso mong matagal ng - " mabilis kong tinakpan ang bibig niya. Bruha talaga , talagang with emotions pa at hand gestures habang sinsabi niya 'yan.

"Sige na! Sige na , dami mong arteng bruha ka! Sabihin mo na!" sabi ko sa kanya. Halatang excited eh, noh?

" 'Yung love of your life mo , oh!" sabi niya sabay nguso kay Ryan sa likod. Tiningnan ko na naman ito. At alam niyo ba?

STRIKE TWO!

-LUNCH TIME-

Tapos na kaming mag lunch ni Christine sa canteen kaya bumalik na kami sa room. Since wala pa 'yung teacher namin at sa harap kami nakaupo, kumuha muna ako ng monobloc chair at umupo dito so it means kaharap ko ang mga classmates ko sa likod. Kinuha ko ang "Heartthrob" na libro sa bag at nagsimulang magbasa.

Ilang minuto rin ang lumipas kaya nagsimulang sumakit ang mata ko.

Naisipan kong 'wag gisingin ang natutulog na si Christine at pumunta muna sa C.R. Lalabas na sana ako nang:

"Andyan ka na naman pasulyap-sulyap sakin. Lagi-lagi nalang paligaw-ligaw tingin. Ba't 'di mo subukang aminin , 'di mo alam ako'y may pagtingin din?--"

"Hoooh! Grabe makatitig!" sabi ng isa kong kaklase na si Jeson.

Bakit sila kumakanta? At nakatingin sa akin? Anong trip nila?At anong titig? Tinitingnan ko kung sino 'yung tinutukso nila sa akin nang makita ko si Ryan.

STRIKE THREE!

Ngayon , dapat na ba akong kiligin ? Aishhh! Bakit ko pa tinatanong , eh kinikilig na nga ako eh! Walanghiyang Ryan 'to , wala pa ngang ginagawa , kinikilig na ako ng bongga.


Ipagpatuloy...

Crush Ako Ni Crush : CONFIRMED (Completed) (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon