Ikalawang Senyas

464 21 15
                                    

He is always volunteering you to answer a question or to join a contest

Second period na namin ngayon which is Physics.Papunta na kami sa Science Laboratory.

Ako ang nakaupo sa harapan at si Ryan naman ay nasa pinakalikuran.

Ganyan talaga pag lovers, opposite atrracts kasi.

"What is a vector and scalar quantity?"

Anak ng! Matalino nga ako pero pinakaayaw ko ang mga subjects na dinamay pa ang Math. Physics kasi , may Math at Science pa.

Nagsulat-sulat ako ng notes sa aking notebook KUNWARI para hindi matawag ni Ma'am Reyes. At dahil , hindi naman sa strikta si Maam , marami kaming classmates na naka -squat sa harapan para mas makarinig ng maayos. Kabilang na doon si Ryan. Nakasquat siya sa harapan ko.

"Okay class, who has an idea?"

Naglingon-lingon si Mrs. Reyes para maghanap ng sasagot.

"Maam! Maam si Cindy po!"

ANAK NG! SINO 'YUNG NAGVOLUNTEER SA AKIN?! PAPATAYIN KO TALAGA! HINANAP KO KUNG SINO 'YUN PERO BIGLANG NAGBAGO ANG AKING ISIP-

Walangya , si crush pala.

SCENE NO.2

Ano palang month ngayon? Tsk kaya pala maraming kaechosan ang paaralan namin, Intramurals na pala. Pero ang nakakatuwa , walang ginagawa ang mga students , shortened period lang kasi para magkaroon pa ng extra time para sa mga activities mamayang hapon.

Nasa classroom kami ngayon at gumagawa ng kahit anong bagay. Si Christine ay busy sa kanyang cellphone, ano kayang pinagkakaabalahan nito?

Sisilipin ko sana nang mabilis niya itong hinarangan sa kanyang isang kamay. OA masyado ang bruha.

"Hep hep! Hoy Cindy! 'Wag kang mangialam sa maganda kong buhay ha. Epal ka talaga" sabi niya sabay palo sa kamay kong nakahawak sa kanyang cellphone.

"Aisssh! Ang sungit naman! Sino ba 'yan?Boyfriend mo'yan noh? Isusumbong talaga kita kay tita!" pagbabanta ko sa kanya.

"Tsss. Asa! Ang ganda ko kaya para pagalitan ni Mommy at alam niya na minsan lang siya magkaroon ng isang magandang dilag sa kanyang buhay , bakit pa niya ako pagalitan ,diba? ISIP RIN PAG MAY TIME!" sabi niya sabay duro sa aking noo.

Bruha talaga. Bakit ko pa kasi naisip na guluhin siya? Ayan tuloy , umaandar na naman ang kabaliwan.

Napahinto kami sa pagtatalo dahil may i-aanounce ang president namin.

"Attention everyone . Magkaroon ng Miss Intramurals 2014 at kailangan natin ng representative para sa whole section natin."

Nag-iingay ang aking mga kaklase ngunit may naisip akong paraan. *evil smile* Agad akong nagtaas ng kamay at sa kabutihang palad naman ay tinawag ako ni Pres.

"Umm, Miss President. Mas mabuti po kung si Christine nalang po," sabay turo kay Christine na nagulat "Alam niyo naman na mananalo na siya dahil siya lang ata ang pinakamagandang babae sa ating room , hindi nga siya pagagalitan ng kanyang nanay eh dahil minsan lang daw magkaroon ng magandang babae dito at alam mo na , karapat-dapat talaga siyang maging representative dahil lalabas pa lang siya, talbog na ang lahat."

Ohmaaaygaaaahd! Pwedeng matawa sa mukha niyang priceless ngayon?

"HAHAHHAHAHAHHAHA" nagtawanan ang aking mga kaklase kaya 'di ko napigilan at natawa na rin ako.

"Talaga lang ha!" sabi niya sa akin at nagtaas ng kamay. Nag evil smile pa siya sa akin.

Sa kamalas-malasan nga naman , hindi lang siya ang tumaas ang kamay kaya hindi siya ang natawag. Abala ako sa pagbelat kay Christine dahil hindi siya nakaganti nang:

"I LIKE CINDY SMITH TO BE THE REPRESENTATIVE"

O.o

HANUURAWWWW?!

Gooooshhh! Bakit ba napakaraming kilig bones ng lalaking to?!


Ipagpatuloy...

Crush Ako Ni Crush : CONFIRMED (Completed) (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon