Pang-anim Na Senyas

322 16 8
                                    

If his friends teases him with you

Physics namin ngayon kaya naglakad kami papunta sa Physics Room.

Kung sineswerte ka nga naman , may ginagawa ang techer namin kaya sinabi nya yung favorite line ng mga mag-aaral.

"You can do everything you want to don now."

At as if on cue , parang nakawala sa kulungan ang mga kaklase ko dahil agad silang nakipagchikahan sa mga katabi nila.

Since binago na ang seats, bago na ang katabi ko. Siya si Sweet. Close din kami nyan lalo na pag tungkol sa wattpad at sa EXO. 

Alam nyo ba kung bakit palaging mabilis ang tibok ng puso ko?

Eh natural , nasa likod ko si Serg na kaibigan si ni crush at katabi nya si crush.

Pero dahil nakikipagchikahan sila sa mga kaibigan nila , eh magpapahuli pa ba ako?

"Hoy Cindy.Punta ka ba sa KPOP Convention sa Sunday sa SM?" napalingon naman agad ako kay Sweet at ngumiti. Shemay!

Malapit na pala ang KPOP Convention sa SM. Sunday na , thursday ngayon

"Bakit naman ako hindi pupunta , eh ang saya nga nun eh."

"Tssss. Oo nga. Hoy Cindy , magkwento ka ng isang storya sa wattpad. Dali." napangiti ako. Adik talga sa wattpad ang babaeng to.

"Ohh ganito yun---" may kumalabit sa akin. Humarap ako at nakita kong si Serg nang kumalabit sa akin kaya tinaasan ko sya ng kilay.

"May sasaabihin daw sayo si Ryan." tiningnan ko naman si Ryan pero yumuko sya.

Kaya humarap agad ako kay Sweet

"Tapos nung nangyari na yun Sweet, biglang dumating si Kai tapos may --" may kumalabit na naman sa akin pero hindi ko iyon piinansin at ipinagpatuloy nalang ang ikikwento ko ni Sweet.

Pero walanghiya, hindi pa rin tumitigil sa pagkalabit at pagsabi ng pangaln ni Ryan sa akin.

Hinarap ko sila , si Serg at ngumiti sya ng mapangloko

"Ano?!"  sabi ko sa kanila. Nakakimbyerna!

"Pakikuha daw ng calculator ni Ryan na nasa upuan mo." tiningnan ko naman agad ang upuan ko at nakita kong nandun ang calcu nya. Walngya! Pano napunta to dito?

Kinuha ko agad ito at ibinigay kay Ryan nang hindi tumitingin.

"Ayyyy. Di ka man lang tinitingnan brad." sabi ni Serg kaya nagtawanan ang mga kaibigan nyang lalaki.

Nakakainis na!

***

Nasa classroom na ako ngayon , busy ang mga kaklase ko sa mga group drawing nila. 

Malas nga naman at sa lahat ng kagrupo ko , sa tatlo kong kagrup, walang nabibiyayaan ng marunong magdrawing. Si Jeson , siya lang ang nag-iisang lalaki sa group namin pero hindi marunog magdrawing.

"Ryan. Ikaw daw magdrawing sabi ni Cindy" nagulat ako ng marinig ang pangalan ko.

Wlangyang Jeson na to?! Sinasabi ko bang magpadrawing kami kay crush?

"Sige ba! Basta may bayad." nagulat naman ako sa sinabi nya. Bayad? Pwedeng ako nalang? Ewness! Landi aketch!

"Suree. Si Cindy nalang ang bayad namin." napatingin ako kay Rodgin na isa naming kagroup at nakita kong ngumitt-ngiti pa sya.

Namula ako. Wlangya! Joke lang po yung iniisip ko pero bakit sinabi ni Rodgin.

Nakita kong tumawa si crush! <3

Umalis nalang ako dahil baka mamatay ako sa kakiligan.

Pumunta ako kay Serg dahil nakita ko kung gano kaganda ang hinawakan nyang drawing. Parang totoo talaga.

"Wow. Ang ganda! Sinong nagdrawing nyan?"

"Yung asawa mo." tapos tumawa sya 

UGHHHH! 

Bakit ba nakalimutan kong magaling si crush magdrawing?

-_____-

ipagpatuloy...

Crush Ako Ni Crush : CONFIRMED (Completed) (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon