Paunang Salita

1.4K 32 17
                                    

Love?

LOVE FOR ME IS DAYDREAMING!

Sabi ng iba

"TO LOVE IS TO BE LOVED"

Eh bakit ako? Ako lang yung nagmamahal? ONE SIDED LOVE , kumbaga. Matatawag na ba yang pagmamahal?

Naalala ko pa noong tinanong ako ng teacher kung naniniwala ba ako sa "wagas na pagmamahal"

Ang sagot ko naman:

Madaling paniniwalaan ang wagas na pagmamahal pero mahirap maipakita sa taong gusto mo. Minsan naging duwag ka , minsan naging manhid ka. Abala ka sa paghahanap sa mga ideals mo, sa prince charming mo , kaya 'di mo napansin na may mga taong mas higit pa dun ang nasa tabi mo lang. Sa larangan ng pag-ibig , normal na ang masaktan , ang umasa at ang pabalik-balik na pagkamatay ng puso mo pero matatawag mo kayang pag-ibig 'yan kung hindi ka man lang nasaktan? Ang wagas na pag-ibig ay 'yung handa kang ipagpalit ang buhay mo para sa taong mahal mo.

Ang iba naniniwala sa DESTINY

Ako? Hindi ako naniniwala , kasi kung mahal mo ang isang tao, LEARN TO CHASE HER. Hindi ka dapat umaasa lang sa destiny , hindi ka dapat umaasa na kung destined kayo for each other , eh kayo na talaga. Minsan sa pag-ibig , maraming darating na lalaki bago mo makita ang iyong prince charming.

Dagdag pa nila , IF YOU'RE MEANT TO BE THEN YOU'LL SURELY BE

Suuus! Asa pa akong maniniwala diyan. Sabi nga nila , kung meant to be kayo , kayo na talaga hanggang huli. Kung naniniwala kayo diyan , may itatanong ako , " Bakit? Sure na ba kayong kayo na ang meant to be? "


Sabi nga nila

IT TAKES A THOUSAND FROGS TO FIND YOUR PRINCE CHARMING

Sa pag-ibig , hindi uso ang cinderella story , na magsisimula sa paghulog ng sapatos ang happy ending mo. Eh kung ganun , lahat na lang ata na tao ay iwawala ang sapatos para makita ang lalaking magpapatibok ng kanilang puso.

Minsan hinihiling natin na magiging katulad ng nasa e-books ang love stories natin , na may happy ending. Pero para sa akin , hindi ko gusto ang HAPPY ENDING , gusto ko ng HAPPILY EVER AFTER.

LOVE IS BELIEVING IN FANTASIES

Ang pag-ibig ay ang pag-ikot ng mundo mo sa mga bagay na malayong mangyari sa buhay mo , in short umaasa ka lang. Masakit pag ganoon, masakit mag-assume. Pero masama bang mangarap?

Gusto niyo bang tumigil sa "buhay assumera" at ma-CONFIRMED na may crush din pala ang crush mo sa'yo?

O

Habambuhay nalang kayong maniniwala sa pantasya ng pag-ibig?

Crush Ako Ni Crush : CONFIRMED (Completed) (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon