Ikalabing-isang Kabanata

257 64 83
                                    

Enemy

Matagal ko na namang alam na may mga taong galit sa pamilya namin, hindi ko nga lang naintindihan kung gaano iyon kalala. Alam kong walang kinalaman ang pamilya, o si Ama sa mga kilos ng rebelde, ngunit siya ang nakatatanggap ng malaking kritisismo sa pangyayaring ito.

Inanunsyo sa telebisyon ang pagsuspinde ng pasok sa lahat ng antas sa mga eskwelahan dahil sa agresibong banta. Hindi lang pala ang South Park Mall ang inatake ng mga rebelde kaninang umaga, planado pala ang sabay-sabay na pagsugod sa iba't ibang parte ng Pilipinas. Marami ang naitalang sugatan, ngunit mas marami ang nasawi.

Maghahatinggabi na at tulog na ang halos lahat ng tao rito sa penthouse maliban sa akin, sa dalawang guard na nagbabantay sa entrance lift, at si Miss Mylene na umiinom ng kape. Ilang minutong pamimilit pa ang nangyari bago namin nakumbinsing magpahinga na si Francis. Gusto kasi nitong magbantay pa. Mabuti na lang at walang pumapayag sa gusto niya.

Sunod-sunod pa rin ang balita tungkol sa pagsalakay, at isa-isa nang kinikilala ang mga nasawi. Habang parami nang parami ang bilang ng nadamay, pabigat nang pabigat ang namamayani sa puso ko.

Tinitigan ko ang mga mensaheng kanina pa pinadala nina Lia at Anya na hindi ko pa natutugunan.

Lia: Ysabelle? Ayos ka lang ba? Ligtas ka ba? Nakita ko ang picture mo sa South Park. Ayos lang ba kayo?

Lia: Please reply. Nag-aalala kami ni Anya.

Me: Hi, Lia. Sorry at ngayon lang nakapag-text. Nakaalis naman kami nang ligtas. Ikaw? Kumusta ka? Huwag ka munang lalabas sa inyo at palagi kayong mag-lock ng pinto.

Anya: Girl!!!

Anya: Nasa South Park ka???

Anya: Nakita ko picture ninyo ng boyfriend mo

Anya: Text mo 'ko ha!

Me: Hi, Anya! Ayos lang kami. Nakalabas naman agad kami nang ligtas. Hindi nga lang maganda ang pakiramdam ko sa naabutan namin kanina. But I'll be fine. Ikaw? Are you safe?

Tumutok ulit ako sa telebisyon nang may naglabas ng bagong news update. Wala nang ibang nahanap na bangkay o na-report na nasaktan sa atake. Mahigit dalawang daang sibilyan ang nadamay, 188 doon ay binawian ng buhay. May nalagas din sa kampo ng mga rebelde lalo na nang dumating na ang mga pulis. Ang mga nadakip naman nila ay kinitil ang sariling buhay bago pa man ito ma-interrogate.

Naglabas na ng public statement si Ama tungkol sa nangyari, ngunit wala yatang may gustong makinig sa kaniya. Lahat ng nakikita ko sa Internet ay sa kaniya sinisisi ang pagsalakay ng mga rebelde, at hindi ko mapigilang makaramdam ng lungkot at pagkabahala. Problemado na nga siya sa paghahanap kay Prinsesa Elena, may iba pa siyang inaasikasong isyu ng bansa, at nangyari pa ito.

Nilingon ko si Miss Mylene na nakatingin din sa kawalan habang pinapakinggan ang balita. "Miss? Sa tingin mo ba . . . babalik pa sila?"

Para namang naputol ang pananaginip niya nang gising nang magsalita ako. "Huh? Ah, Hindi ho malabo iyon, Kamahalan. Hindi sila lumusob sa palasyo and only caused disaster in public. Baka isa ito sa mga plano nila . . . hindi ho talaga natin alam. Kung sana ay napigilan ng mga pulis ang pagpapakamatay ng mga nahuli, may ideya na sana tayo sa galaw nila."

"Si . . . si Ama, kumusta?"

Umiling siya. "Hindi ko pa ho alam. Wala pa akong natatanggap na tawag kay Chief Quezon. Ang huling balita ko ay mananatili sila sa Kampo Ruiz nang ilang araw hanggang sa mawala ang mga banta."

CrownedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon