Ikatatlompu't-anim na Kabanata

222 30 34
                                    

Plan

Nanlamig ako at nanginginig ang mga kamay. Nilingon ko si Tatay, pero mukhang wala siyang alam sa desisyon ni Eli, at nakakunot ang noo niya. Sunod ay si Francis naman ang nilingon ko, pero umiling lang siya.

Nagsimulang mag-usap ang mga tao. May ingay na ring nangyayari mula sa labas, pero nagpatuloy sa pagbabasa ang prime minister.

"As per a more formal abdication announcement, I sincerely apologize that I might not be able to do so. However, I have already finished the necessary procedures with the help of Prime Minister Fabian Campos, and the discreet assistance of the council. All my inheritance, money and responsibility will be passed to the new next in line, and no one else."

Biglang tumayo si Inang Reyna. "Stop it! Stop reading! I do not approve of this! Josiah!" sigaw niya kay Tatay na naguguluhan din sa mga nangyayari. Pero hindi rin nagtagal ay nawala ang pagtataka sa mukha niya at napabuntonghininga na lang.

Tumayo siya at tinawag si Tito Carlos. "Hanapin mo si Elijah."

Hindi naman natinag si Prime Minister. "And as my parting gift, my official vote in choosing a new heir next in line will go to Princess Tala Ysabelle Mercado."

"No! Fucking stop it Fabian!" sigaw ni Inang Reyna. "T...t-his can't be . . . ."

"I'm so sorry, Your Majesty." Umiling ang prime minister sa kaniya. "But The King has also given his endorsement to the council. And we hereby appoint, as of today, Princess Tala Ysabelle as Las Islas Filipinas' Crowned Princess."

"Po?" gulat kong tanong at napaatras. Hindi ko na namalayang unti-unti akong nakapagtago sa likod ni Tatay. "B...b-akit ako?"

"We will formally announce the coronation date after further decisions. Thank you very much, and apologies for the sudden announcement."

Aalis na sana si Prime Minister Campos nang biglang sumigaw si Inang Reyna. "Sandali! Paano namin malalamang totoong sulat iyan ng anak ko!" Nilingon niya ako at galit na dinuro. "Ikaw ang may kagagawan nito, ano! Ano'ng ginawa mo kay Eli!"

Bago pa ako makasagot ay tinakpan na ako ni Tatay. "Anak ko 'yang dinuduro mo, Ina! At walang ginawang masama si Tala! Matagal na akong kinausap ni Eli tungkol dito! Francis!"

Agad na dumalo si Francis at hinila na ako palabas ng building. Ganoon din si Lia na hinihila ni . . . Janus?

Kaagad kaming pinalibutan ng mga guwardiya sa pangunguna ni Warren, nang makalabas na kami ng Bonifacio Hall. Mabuti na lang at mabilis sila dahil nagkumpulan kaagad ang press at sinusubukan kaming kuhanan ng pahayag.

"Your Highness Tala, ano hong masasabi ninyo sa abdication ni Crowned Prince Elijah?"

"Princess Lia, ayaw n'yo ho bang sumunod sa yapak ng iyong mga magulang?"

"Totoo ho ba ang sulat ni Crowned Prince Elijah?"

"Pinlano n'yo ho ba 'to, Princess Tala?"

Hihinto pa sana si Lia nang marinig niya iyon, pero kinuha ko na ang isa pa niyang kamay at hinila para makapasok kami kaagad sa King's Palace.

Hinatid kami sa silid ko at doon ay tahimik na naghihintay sina Anya at Elijah. "Eli!" inis kong sigaw at pinaghahahampas siya.

"Aray! Ano ba!"

Pati si Lia ay nakihampas na rin sa kaniya, pero isang beses niya lang ginawa iyon. Nang mapagod ako ay tumigil na at umirap na lang sa kaniya. "Bakit ka nandito? For sure inis na sa 'yo si Inang Reyna. Nagsisisigaw siya ro'n sa Bonifacio!"

CrownedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon