Push
Casa del Primer Ministro.
Mataman kong tinitigan ang malaking sulat sa itaas ng building ng pupuntahan namin. Kahit hindi maganda ang pakiramdam ko ay sumama pa rin ako kay Francis na magsumite ng annual budget ng palasyo. Buong gabi kong inayos ang mga papeles na ipinasa sa akin ni Inang Reyna, habang sinusuri nina Eli at Francis ang nahanap naming papeles. Kaya ngayon, bago ako dumiretso sa eskwelahan para sa exam ay dumaan kami sa Intramuros Alcazar kung nasaan ang bahay at opisina ng prime minister.
Siya ang mangunguna sa pag-apbruba o pagtanggi ng mga ipinapasang batas. Sa ilalim naman niya ay may mga ministro na siyang nagpepresenta ng mga bagong sulat na batas na naaayon sa kanilang posisyon.
Nagsitayuan ang mga tao sa pagdating ko, at yumuyuko sa tuwing nadadaanan ko sila. Mabilis naman ang pagtibok ng puso ko sa kaba at paninibago dahil kahit namuhay ako bilang dugong bughaw, hindi na siguro ako masasanay sa ganitong klase ng atensyon.
Simple lang ang disenyo ng opisina ni Prime Minister Campos. May mga shelve na puno ng makakapal na libro, may tanggapan at malinis na mesa. May malaking litrato naman ni Tatay sa likod niya at may simbolo ng palasyo at watawat ng Pilipinas. Ang sabi ng sekretarya niya ay may inasikaso lang daw sa opisina ng deputy prime, at naghintay na lang ako sa loob. Si Francis ay sa labas nagbabantay kasama sina Earl at Warren.
Hindi naman nagtagal ay pumasok ang gulat na ministro nang makita akong nakatayo. "Your Highness!" gulat niyang bungad at yumuko sa akin. Mabilis naman siyang tumungo sa sofa kung saan ako nakapuwesto.
"Binigyan ako ng laya ni Inang Reyna na suriin at asikasuhin ang budget sa susunod na taon, kaya ito ho ang nagawa kong proposal," panimula ko sa prime minister at nilapag ang papeles. "I reckon that the Jamales Compound in Villagracia is being held under sale, pero wala pang bumibili. How about auctioning it to foreign investors? The lot is huge at maaaring gawing residential compound ang lugar. Or we can directly sell it to the Del Basquezes. I heard they're exploring ventures on architecture and real estate."
Tumango-tango ang matanda habang binabasa ang proposal ko. Hindi lang ang Jamales ang lupang balak kong ibenta, lalo na at maraming bakanteng lupa na pagmamay-ari ang pamilya namin at napapabayaan naman. Lalo na sa Visayas at Mindanao. Hindi na masyadong naaalagaan ang ibang property ng pamilya sa dami rin ng negosyong inaatupag.
Hindi siya nagsalita habang tinatapos niya ang 22-page proposal ko. Panay lang ang pagtango niya sa tuwing may binabasa sigurong nakakuha ng interes niya. Nang magbanta ang hikab ko ay kinurot ko ang kamay para hindi mahikab sa harap ng ministro. Nagtiim ang mga bagang ko at lumuha ang mga mata.
"This report must have given you a hard time, Your Highness," aniya habang patuloy sa pagbabasa sa huling pahina ng proposal. Tumikhim na lang ako at hinintay ang opinyon niya.
"May I ask why did you raise the wages of your palace staff?"
"Why not?" nagtataka kong tanong na ikinatawa niya. Agad ko namang binawi ang pagiging ignorante ko. "I mean, 13 years na mula noong taasan ang sahod ng mga staff sa palasyo, 10 years sa mga tagapagsilbi at eight years sa mga royal guard. Our economy now is quite demanding, at pasasalamat iyon sa walang sawa nilang paninilbihan sa pamilya."
Hindi tatapat ang pagtaas ng sweldo nila sa taas ng respeto nila sa aming miyembro ng pamilyang ito. Sa pagtitiis nilang manilbihan nang walang matinong pahinga at sabayan pa ng ugali nina Inang Reyna at Lia, sapat lang na iparamdam sa kanila ang importansya nila sa mga buhay namin.
Malaki ang ngiti ng prime minister nang isarado niya ang file. Tumungo siya sa pinto at dinungaw ang ulo niya, na parang may kinakausap sa labas at hindi magtatagal. Hindi ko marinig ang usapan nila dahil may kalayuan din ang pinto sa inuupuan kong sofa. Ilang minuto lang ang nagtagal ay isinarado na niya ang pinto at bumalik sa akin. "The meeting for this proposal will be held on July 1, with all members of the council, here at H. Rigor Hall. I'll include the option of auction and selling the lands to the Del Basquez's Filia Grego Industries in the meeting. And since kayo ho ang primary author ng proposal, we need you to join."
BINABASA MO ANG
Crowned
ActionFamilia Real Series #1 Set in a modern depiction of a monarch-governed country, the Philippine Islands. Tala Ysabelle Mercado, who was born a princess of the maidens, grew up in the lonely palace. Although a daughter of a lady maid but a princess by...