Threat
Dumoble ang mga bodyguards ko sa school. Sina Warren at Earl pa rin ang nagbabantay sa akin sa malapit, pero mas marami na ang nakamasid sa loob eskwelahan.
Hindi nila nakilala kung sino ang humahabol sa akin, kung ang Soro ba o iyong sumalakay sa South Park Mall. Kaya ganito na lang kabigat ang security na binigay sa akin. Imposible naman daw kasi na kasali sa random attacks ang tinitirhan ko dahil malayo iyon sa maraming tao.
Sa ngayon, patuloy ang paghahanap namin kay Prinsesa Elena at pag-iimbestiga nila sa mga nangyayari ngayon.
Puno naman ng takot at pag-aalala ang mukha ng dalawa kong kaibigan matapos ikuwento sa kanila ang nangyari noong isang araw. "Wala naman daw talagang nakapasok, but for safety reasons, pinaalis muna lahat ng residents sa Realonda para i-check kung may possible threats pa." Hindi ko na kinailangang magsinungaling maliban sa rason kung bakit biglaang may banta ng rebelde sa tinutuluyan kong building, dahil ganoon din naman ang ginawa ng mga naiwang palace guards matapos kaming maihatid sa Kampo Luisa sa Bulacan.
"Eh 'di two hours ang biyahe mo mula sa Bulacan papunta rito?" gulat na tanong ni Anya na sinagot ko naman ng tango.
"Makakatulog naman ako sa biyahe kung sakali."
Sa mukha nina Anya at Lia, parang mas problemado pa sila kaysa sa akin. "Doon na lang kaya kayo sa amin!" agap ni Anya. "Umalis na kasi si Daddy sa amin kaya ayos lang, saka kasya naman tayo roon kahit isama mo pa 'yong maids mo pati bodyguard!"
Umiling ako at bahagyang ngumisi, iniisip kung anong rason ang ibibigay para hindi na mangulit pa lalo ang dalawa.
"Uh . . . kina France kasi ako nakikitira ngayon, so I'm fine," maingat kong sagot at tinatantya ang reaksyon ng dalawa . . . at ng isang nakikinig lang sa monitor.
"Sino si France?" naguguluhang tanong ni Lia.
Hindi naman nakatakas sa paningin ko ang palihim na pangungurot ni Anya kay Lia. "Gaga, 'yong boyfriend niya!" bulong pa niyang rinig ko naman.
Ngumiti na lang ako at nagpatuloy sa pagligpit ng gamit.
Nilabas ko ang cellphone at nagtipa ng mensahe para kay Francis.
Me: Dadaan ba ulit tayo kay Mrs. Quezon?
Biyernes kasi ngayon, at nakagawian na namin na dumaan kay Mrs. Quezon at papabaunan niya kami ng kung ano-ano bago tumulak ng Bulacan. Maaga rin naman kasi natatapos ang klase kaya nagkakaroon kami ng oras na bumisita sa kaniya. Lalo na at hindi niya kasama si Mr. Quezon. Mag-isa lang siya sa kanila maliban sa mga bodyguard na iniwan sa kaniya ng asawa. Ayaw kasi nitong sumama sa amin dahil mawawalan daw ng kita ang kainan kahit hindi naman niya kailangan. Malaki pinapasweldo ni Ama kina Francis at ng tatay niya.
Francis: Yes. Pupunta rin kami sa Realonda para i-check 'yong sitwasyon doon kaya maiiwan ka muna kay Mama.
Francis: And can you stop calling her Mrs. Quezon? She hates that. Call her tita or mama, please. Si Papa rin.
Napakunot ang noo ko sa mahinang tawa niya. Totoo ba? Parang wala namang sinasabi si Mrs. Quezon na ayaw niya sa pagtawag ko sa kaniya. Niloloko ba ako nito?
Francis: Your friends will wonder why you call my parents so formally when we're supposed to be dating. Lol.
Lol?
Ewan ko sa kaniya!
Binura ko ang huling text niya at hinintay na lang ang pagtuntong ng alas-dose. Kagaya ng dati ay sabay pa rin kami ni Francis kumain para siya muna ang magbabantay habang kumakain ang dalawang bodyguards ko.
BINABASA MO ANG
Crowned
ActionFamilia Real Series #1 Set in a modern depiction of a monarch-governed country, the Philippine Islands. Tala Ysabelle Mercado, who was born a princess of the maidens, grew up in the lonely palace. Although a daughter of a lady maid but a princess by...