Ikatatlompu't-apat na Kabanata

210 40 30
                                    

Ready

Ilang beses na akong pinilit ni Miss Mylene na umuwi, pero nanatili ako sa ospital para hintayin ang balita kina Earl at Mang Leo.

Mabilis naman ang mga taga-Soro na naatasang magbantay sa amin, dahil nalinis kaagad nila ang mga monitor at cable sa kuwarto ni Lia. Kaya nang makarating ang back-up mula sa palasyo, ay wala silang ibang nakita bukod sa bakas ng kunwari'y sleep over.

Mag-iisang oras na mula nang makarating kami sa emergency room at diniretso ang dalawa para operahan. Ako lang talaga ang nagpumilit na sumama, si Lia ay ibinalik na sa palasyo, at si Anya naman ay pinauwi sa kanila. Mamaya ay tatawagan ko ang magulang niya para makahingi ng tawad sa dinala kong kapahamakan sa anak nila.

Si Miss Mylene naman ay aligaga sa kausap sa telepono, habang inuutusan naman ni Warren ang mga guard na pigilan ang mga taong nagkumpulan para kuhanan ako ng litrato. Narinig ko rin sa usapan ng dalawa na may reporters na rin na nakatunog sa engkwentro.

"Kamahalan," bulong ni Miss Mylene. Nagkatinginan sila ni Warren na tumango sa kaniya. "Saglit lang ho," aniya at hinila ako patungo sa elevator.

"Ano ba 'yon, Miss Mylene? May problema ba?"

Hindi siya sumagot. Tumingin siya sa akin at umiling, pero may pagkabahala pa rin sa mukha niya. Kinakabahan na tuloy ako. May nangyari bang masama?

Nakarating kami sa VIP area at dire-diretso lang ang lakad niya patungo sa pinakadulo. May mga lalaking nandoon na at inaayos ang mga aparato. Huminto naman sila at lumabas nang pakiusapan ni Miss Mylene. Giniya niya ako sa malinis na kama at pinaupo roon.

"Lumabas na ho ang resulta."

Ilang beses akong kumurap. May kinalikot si Miss Mylene sa kaniyang cellphone. "Pinatapon ko na po ang orihinal na kopya, matapos ipadala sa akin ang scanned copy."

Inilahad niya ang cellphone sa akin. Marami pa ang nakasulat na kung ano-ano at hindi ko maintindihan, bago ako nakarating sa pinakaibaba kung saan nakasulat ang diagnosis.

Positive.

Hindi ako makahinga.

"Papunta na ho rito si Dr. Lopez para kausapin kayo."

Parang walang pumapasok sa utak ko maliban sa nabasa. Walang gamot sa arsenic, at sa dami ang nainom mo magdedepende kung gaano na kalala ang sakit. Magdadalawang buwan rin akong uminom ng bigay na tsaa ni Pani. Ibig sabihin ba no'n, may malaking posibilidad na malala na ang pagkalat ng lason sa katawan ko?

"Your Highness, ang normal level ng arsenic na kayang kargahin ng katawan natin ay 50 micrograms per liter lang, but your arsenic level is . . . 2,000 micrograms per liter," ani Dr. Lopez habang pinapaintindi sa akin kung ano na ang mga gagawin namin magmula ngayon.

"For now, kailangang bantayan ang mga tinatanggap ninyong pagkain at inumin. We need to avoid more exposure."

"What's the point? There's no cure." Panalo na sina Criselda at Inang Reyna. Gusto nila akong mawala sa mundong ito? Magagawa na nila 'yon.

Ano ba ang nagawa kong kasalanan sa kanila? Kahit kailan ay hindi ako naging malupit kay Criselda. Si Inang Reyna naman ay hindi naman ako tinuring bilang apo, o kahit bilang tao na lang. Puro na lang pera at kapangyahiran ang tumatakbo sa utak niya na hindi na siya marunong magpakatao. Pero hindi ako naging balakid sa kaniya. Namuhay ako sa palasyo nang tahimik na parang multo, kagaya ng gusto niya. Ni hindi ko na hinangad ang titulong gusto nilang ipasa kay Lia.

Bakit ganito na lang kalaki ang galit nila sa akin? Na pati buhay ko ay nagawa nilang paglaruan. Ganiyan ba talaga ang presyo sa pagkakaroon ng kapangyarihan? Na sa tuwing lumalaki at dumadami ang impluwensya ay unti-unting nagiging gahaman ang tao? Nakalulungkot.

CrownedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon