Ikadalawampu't-apat na Kabanata

234 53 59
                                    

Blur

Pagbalik ko sa palasyo ay nakahilera sa tanggapan ang mga tagasilbi namin na may dalang malalaking ngiti sa labi. Nasa dulo sina Ruth at ang anim ko na bodyguard na nakatalaga sa akin. Kasama na roon si Warren na pinalitan si Francis bilang Chief Security ng entourage ko.

"Maligayang-maligayang pagbabalik, Kamahalan!" ani Helga. Agad na pumwesto sa likuran ko ang apat at sumunod rin sa likod nila sina Warren at kinuha niya ang backpack ko. Nasa tabi ko si Francis na tumangging bumalik sa pagiging royal guard. Aniya'y mas malaya niya akong mapoprotektahan nang walang lubid na hihila sa kaniya palayo sa akin.

Naaalala ko pa ang takot ko kanina nang tanungin ni Ama ang estado ng relasyon namin ni Francis.

"Ano, kayo na?" Nakataas ang kilay ni Ama nang mahuli ng tingin niya ang kamay ni Francis sa hita ko. Madali ko naman iyong winakli at iiling na sana nang tumawa siya nang pagkalakas-lakas. Kaming tatlo na lang ang naiwan dito sa mesa dahil naunang umalis si Inang Reyna. Si Lia naman ay umakyat para makipag-usap nang masinsinan kay Tito Efren. Nawala na rin ang mga tao nang mapagod sila katatayo. Hindi naman kasi sila pinayagan ng mga guards na lumapit at magpa-picture o makapag-usap sa amin kaya naumay na rin sila kaangat ng cellphone lalo na nang maisip siguro nila na matatagalan pa bago kami makalabas dito. Ngayon ay sinara na ang bakeshop.

Nakangiting tinapik ni Ama ang mesa bago nagsalitang muli, "We already knew this would happen, kayong dalawa na lang ang hinihintay namin!" Tumawa siya ulit at tumayo para puntahan si Tito Carlos sa labas, siguro ay para ibalita ang nalalaman niya.

Saka lang ako nakahinga nang maluwag nang naisara ni Ama ang pinto. Si Francis naman ay napailing na lang. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na matatalik na magkaibigan ang mga magulang naming dalawa, pero hindi ko inasahang ganito na pala ang iniisip nilang mangyayari sa amin!

Sa huli ay sinundan na lang namin si Ama na nakikipagtawanan na kay Tito Carlos.

"Sigurado ka bang hindi mo ipagkakasundo ang kamahalan sa ibang pamilyang may dugong bughaw?" rinig ko pang tanong ni Tito at natigilan si Ama. Akala ko ay mapapaisip siya, pero tumigil lang pala siya para kunutan ng noo ang kasama. "Bakit, ayaw mo bang maging daughter-in-law ang anak ko?!" sighal niya na ikinatawa naman ni Tito.

Natigil lang ang panonood ko sa kanilang dalawa nang maramdaman ang malaahas na mga braso ni Francis na pumulupot sa baywang ko. "Ano, aalis pa ba tayo? It's still your choice to leave or stay, you know," bulong niya. "Pero kahit saan ka pa pupunta, nandito lang ako para samahan ka."

Muli akong napangiti sa paulit-ulit niyang paalala. Oo na. Hindi lang kita isasama, magkasabay nating pupuntahan ang kinabukasang nag-hihintay sa atin anuman iyon.

Bagong mga gamit at muwebles ang bumungad nang pumasok ako sa kuwarto ko. Magkahalo ang kulay puti at mapusyaw na rosas ang tema ng mga kurtina at beddings. Ang dingding sa ibabaw ng telebisyon ay nakaw-pansin ang malaking picture naming tatlo nina Nanay at Ama. Suot ang simple ngunit eleganteng puting bestida ay nakaupo si Nanay sa nag-iisang upuan sa gitna. Nasa likod niya ang matikas na hari at nakahawak ito sa magkabilang balikat ng nanay. Ang batang ako naman ay nakakandong kay Nanay at ang bilog na mga mata ay puno ng kuryosidad sa kung ano man ang nasa harap. Silang dalawa naman ay abot tainga ang ngiti habang nakatitig sa camera at ang sa likod naming tatlo ay ang puting mga bulaklak.

"Iyan lang ang tanging litrato na magkasama tayong tatlo." Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang magsalita si Ama mula sa likuran ko. Paglingon ko ay wala na si Francis at kahit ang mga tagasilbi ko.

Tipid akong ngumiti sa kaniya at ibabaling na sana ang tingin sa malaking litrato nang maramdaman ko ang maiinit niyang kamay sa pisngi ko. "Kamukhang-kamukha mo ang nanay mo. Mabuti na lang at pati ugali ay sa kaniya mo nakuha," malambing niyang saad bago ako hinila sa isang mahigpit na yakap.

CrownedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon