Ikatatlompu't-walong Kabanata

186 19 6
                                    

Traitor

Breaking News: Defense Minister Edgardo Villosa is under investigation on an alleged corruption controversy.

Umaga dalawang araw matapos naming mahanapan ng ebidensya si Villosa, ay tadtad na ang mga balita tungkol sa korapsyon kung saan sangkot siya.

Hindi ako sigurado kung papaano sila nakahanap ng mga ebidensiya, dahil sina Lolo naman ang pumunta sa lugar na iyon. Talagang sa bahay na iyon niya talaga nilagay lahat ng mga ebidensiyang laban sa kaniya at sa Ouroboros.

Kaya ngayong araw, doble ang inis ni Criselda, at hindi niya maitago iyon.

Hindi katulad ng pangkaraniwang araw ay mabilis siyang mairita. Kanina ay nahuli ko siyang tinatalakan ang isang serbidora dahil hindi raw malinis ang upuan ni Inang Reyna kahit wala namang problema rito. Hindi rin maipinta ang mukha niya kahit ngayon na nandito ang hari sa hapag.

Tahimik ang agahan namin. Nandito pa si Eli para bwisitin ang ina niya kaya kumpleto kami.

"Damn, that dude almost got away from corruption, 'no?" aniya habang nanonood ng news. Umismid pa siya at pahapyaw na lumingon kay Inang Reyna na hindi rin maganda ang timpla ng mukha. Kagaya nga ng hula ni Francis, hindi siya nagtagal sa kulungan. Natagalan nga lang ang pakikipag-usap niya kasama ang mga abogado, kaya halos madaling araw na rin siyang nakauwi sa palasyo. Gising pa naman kaming anim nang makauwi siya. Mabuti na lamang at hindi niya kami hinanap, lalo na si Elijah.

Paniguradong pinagdududahan na niya ang sariling anak, pero sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, ay tahimik din siya ngayon, kabaliktaran ng inaasahan naming magwawala siya, o 'di kaya'y pagbibintangan ako.

Lumingon ako kay Tatay na hinihilot ang tungki ng kaniyang ilong. Nang makita niyang nakatingin ako ay umayos siya sa pag-upo at ngumiti sa akin.

Natawa na lang ako at nilingon si Mr. Harold. "Can The King spend the day off today? Kami na ni Prince Elijah ang bahalang pumunta kay Detective Salas."

Personal pa kasi siyang pupunta sa head office ng National Bureau of Investigation para makibalita kay Villosa.

Tututol na sana si Tatay nang biglang sumingit si Eli. "Your daughter is right. We can handle this. Besides, isasama naman namin ang paborito mong anak kaya sigurado akong mapoprotektahan namin si Tala." Tumawa pa siya nang makitang hindi ko naintindihan ang sinabi niya tungkol sa paboritong anak. Si Lia ba ang tinutukoy niya?

Nang mapagtantong si Francis nga pala 'yon ay natawa na lang din ako.

Yumuko si Mr. Harold nang sumuko si Tatay. "I can assist you—"

"No! It's okay. Kaya na ho namin ito. Saka, kasama naman ho namin si Miss Mylene," pagtutol ko. Hindi naman sa wala akong tiwala kay Mr. Harold, gusto ko lang na kami-kami lang muna ang pupunta roon para makapagplano ng susunod na hakbang.

Humalakhak naman si Tatay at tinaas ang kaniyang kamay sa sekretarya. "It's okay, Harold. Trust my daughter."

"G...g-usto ko po sumama," mahinang saad ni Lia. Tiningnan ko rin si Tatay at nilakihan ang mga mata para magmakaawa. Muli siyang humalakhak at tumango rin.

Ipinaalam na kay Detective Salas ang pagdating namin, kaya nang makaakyat sa interrogation room ay tumayo sila para sumaludo sa akin, na ginantihan naman namin ni Eli. Si Francis ay nasa likod ko na. Sina Lia at Janus ay nagpaiwan sa kalapit na café kasama ang kaniyang mga guwardiya. Wala naman daw kasi siyang balak na makisali, ayaw niya lang talagang maiwan sa palasyo at baka magkita pa raw sila ng magkambal na bruhilda.

Si Anya ay hindi raw makapupunta dahil may nangyaring problema sa bahay nila. Hinayaan na namin siya dahil alam namin kung gaano kaistrikto ang pamilya niya.

CrownedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon