Ikalimang Kabanata

77 6 0
                                    

Georgina ❤

Pakyu! Pakyu 'yong Serge na yon. Paalisin ba naman daw ako, kitang kinakausap ko pa ang mga kaibigan nya eh.

Kaibigan nya ba talaga ang mga yon? Tigre sya samantalang ang mga yon ay tupa. Mababait, maaamo at mukang masaya kasama. Samantalang sya? Laging nakakunot ang noo, umiirap, nagmumura.

Haaaayyy pakshet na amo ko yan! wahahaha.

Too beautiful to be stressed. Pagkausap ko sa aking sarili. Malamang, friends din naman kami ni self, totoo kami sa isa'tsa, walang halong kaplastikan.

Pagkatapos kong kumain ay nilinga ko ang table nila, wala na sila don. Mukang nakabalik na sa room nila.

Tumayo na ako at tumungo sa cashier para magbayad. Oo ganito dito. Eat before you pay. o' astig dba? Pero kahit ganito walang makakapaglakas ng loob na mageat-and-run rito, may dalawang guard rito plus may CCTV pa, raw.

Yun ang sabi nung in-orient ako.

"Isang rice, isang adobo saka chicken salad. Tapos isang mineral."-pagbanggit ko sa kahera at iniabot ang buong dalawan-daang piso.

She raised her left eyebrows. "Ano yan?"

Naguguluhan ko syang tiningnan. May saltik ba 'to? Kita nang pera ang hawak itatanong pa. Tsk, naturingang cashier di alam ang itsura ng pera.

"200 pesos."

"Tskk haha alam ko."-bahagya syang napatawa at don ko napagtanto na hndi naman pala sya mataray.

"Eh bakit tinatanong mo?"

"Hayst. Bat kako cash? Hindi ka ba aware na through card ang pagbabayad ng mga estudyante dito."

e-eh??

"Ha?"

"Card ang kailangan ko hindi cash."

Natampal ko ang sariling noo. Jusmiyo naman! Bat di ako nainform? What to doooo!?

"Ahh.. Hhehe. Ano kase, sorry hndi ko alam. Transferee ako at bago pa lang dito. Ahm, sguro naman pedeng utang muna, ilista mo muna dyan. Lagay mo name ko, Georgina Alyanna Dela Cruz. 20 yrs old. 1 rice, 1 adobo, 1 chicken salad and 1 mineral water. Bukas kita babayadan."

Nnginisihan ko sya pero naguguluhan lang syang tumingin sa akin.

"Sira ba ulo mo?"-tanong nya pero di naman galit. "Hindi pede yan, policy namin yan dito. tsk tsk."-aniya at umiiling-iling pa.

"Eh paano nga? Wala pa kong card? Hihingi pa ko kay.. Kay mommyy.."-pagsasatinig sosyalera ko.

Di pala bagay sakin, hihi. Mas maganda pa din sa pandinig ang Inay. Ehem, nayy. Exposure mo ito. Be thankful to your one and only beautiful daughter. ^_^

"Hindi ko na problema yan. Gawan mo ng paraan. Nakakaabala ka na ng ibang estudyante."

Tumingin ako sa likod at mahaba na nga ang pila. Inirapan ko ang ilang babae pero di ko na pinatulan pa.

Sa ganda kong 'to? Ayokong mabansagang eskandalosa.

"Wait guys, okay? Were just discussing some problem."-pageenglish ko pa.

Nahahawa na talaga ako kay Serge. Sa inaraw-araw nyang pagi-ingles sakin, mukang praktisado na'ko.

"Goshh nakakainis na, may klase pa ko!"

"Kanina pa  yan dyan!"

Panay na ang angal nila.
Muli kong binalingan si ateng kahera.

That Serge MadrigalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon