Ikasampung Kabanata

84 8 0
                                    

Georgina ❤

"Penge nga.."

Dumukot ako ng chips sa chichiryang hawak ni Monique. Kasama ko silang magkapatid rito.

"Tubig oh.."-alok ni Chad.

Malandi ko itong tinanggap, este nagmamadali ko itong tinanggap.

"Salamat.."

Makahulugan akong tiningnan ni Monique. Alam nya nman kasing crush ko si Chad.

Mas una kong nakilala si Chad, dahil nga don sa card. Hehezz.. Hindi ko malilimutan yon, da best part kaya iyon! Samantalang si Monique naman ay kaklase ko. Nalaman ko lang na magkapatid sila ng anyayahan ako ni Chad para sumabay sa kanila na magpalista kay Coach Eliar.

"Galit pa din sayo si Serge?"

Tinatamad akong tumango sa katanungan ni Chad. Yung baklang yon, natitiis nya ang kagandahan ko. GANDA SYA!? hmp!

"Ano pa nga ba? Inis na inis talaga sya sakin kahapon! Ang kitid kase ng utak nya!"-singhal ko. Pero biglang lumitaw sa isip ko ang hitsura nya kahapon.

Naguilty tuloy ako bigla.

"Ehhh kasalanan ko rin naman! Kasalanan ko naman talaga eh! Hinanap nya pa ako tapos napahiya lang sya!"-napasimangot ako.

Parang gusto kong sisihin ang sarili ko talaga! Nakakainis yon, feeling ko ang sama sama ko ngayon!

"Hindi ka nya kinakausap?"

"Kinakausap. Hindi nga lang maayos."-napanguso ako.

At narinig ko naman ang paghalakhak ni Monique. "Hahahahaha e madalas naman talagang hindi maayos kausap si Kuya Ven eh! Baka naninibago ka lang."

"Hindi e, alam ko namang magulo syang kausap. Kaso lang talagang mas lalo syang gumulo. I can't figure him out! Para bang pagpatay ang naging kasalanan ko!"

Reklamo ako ng reklamo. Hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko sa paghihimutok. Galit sya, hndi nya ako isinabay kanina. Haggard tuloy ang pagpasok ko.

Punyetaaaaa!

"Hindi kaya nagseselos siya?"

Natigilan ako sa tanong ni Monique. Coz that was really impossible.

"Hindi kaya crush ka ni Kuya Ven?!"

Umiling ako. "Mon, napakalayo sa katotohanan nyang sinasabi mo. Halos lamunin ako lagi ng tigre na yon 'no!"

"Malay lang nman natin diba.?"

Nagkibit-balikat kaming dalawa ni Chad.

"Basta galit sya sakin, yun na yon!"

Tumikhim si Chad at seryosong nagtanong. "Sayo lang ba talaga sya galit?"

"Malamang, oo."

Bumuntong-hininga ako.

"Nakita ko sya sa bar kagabi."-nagsimula syang magkwento. "Kasama nya ang barkada nya. Lumapit ako. Tumabi pa ako mismo sa kanya. Pero hindi nya talaga ako kinibo."

"Ano!? Eh maloko talaga yong tigre na yon!"

"Sinabi ko naman sayo, hindi mo kasalanan yon. Tinotopak ata si insan. Saka mas kasalanan ko yon, hndi na kita dapat pinilit na sumama sa amin ni Mon."

"Hindi mo kasalanan yon."-giit ko at naisipan magbiro. "Kasalanan ni Monique yon."

"Me!?"-sigaw nya.

That Serge MadrigalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon