Bente Siyete Hehe!

62 7 0
                                    

Georgina ❤

"Pano ba sumakay dito?"

Natatakot akong napahawak sa sasakyang de-motor na kaharap ko ngayon.

Jet Ski? Naririnig ko lang to e, di ko naman akalain na masasakyan ko din to.

"Ayoko na nga! Atras nako!"

He chuckles. Hinubad nya ang shades na kanina nya pang suot at ibinitin sa bulsa ng kanyang polo.

"Wag ka ngang maarte."

I pouted. "Magkaiba ang nagiinarte sa natatakot mamatay."

"Then you're over reacting."-he rolled his eyes. Ang arte! Parang babae, tsk. "Mahulog ka man dyan, di ka mamatay. You will be living.."-he paused and whispered. "Inside the shark's tummy."

"Hmp!"

Binatukan ko nga!

"Hahahaha aray! Fvck u!"

"Potek nakakainis ka! Di na talaga ako sasakay! Baka magambol pa ang matris ko at di ako makabuo sa pagdating ng panahon."-reklamo ko at matigas na umaatras.

He gasped my wrist tightly. Pinandilatan pa ako.

"Isa. Sakay na kase!"

"Isusumbong kita sa Itay, sa kalabaw at sa paragos lang daw ako pedeng sumakay huhu..."-nagmartsa ako dahil natatakot tlaga ako.

Pano kung tumaob yan? Hindi pa naman ako marunong lumangoy.

"Wag ka ngang epal!"-inis nyang sambit at napakamot pa sa batok. "Let's go. Di kita pababayaan."-sinsero nyang sabi at natigilan ako.

"Ala! Hindi ako marunong lumangoy."-pagamin ko at pumikit alam ko kaseng kakantyawan nya ako.

Naghintay ako ng pagtawa pero tahimik lang sya. Nagmulat ako at bumungad sa harap ko ang kamay nyang nakalahad.

Eh? Hindi talaga sya mang-aasar? Sure na yon?

"C'mon. Hop in. Ako ang bahala sayo."

*blinks*

Hindi ata ganito ang pagkakakilala ko sa lalaking to! Bakit nagkaganito to?! Hahaha.

Tinanggap ko yon at parang gusto ko rin agad bawiin. May kakaibang dumaloy rito. Ano raw tawag sa ganito? Sparkle? Sprite?

Aisshh! Ewan ko nga!

Inalalayan nya ako hanggang sa makaupo ako at sya'y pumwesto sa una.

"Kumapit ka."-utos nya.

Napahinto ako at nagisip kung anong kapit ang gagawin ko.

"Ang tagal, aandar na tayo. Kumapit ka sa bewang ko."-utos nya at mabilis na pinaandar ang sasakyan.

May tumilamsik pang tubig sa mukha  ko.

"Jusko po!"-napahilamos ako dahil don ay yumakap sa kanya.

Ganito pala to! Nakakatakot! Lahat na lang talaga ng imaneho ng lalaking to delikado!

I heard his playful laughs. "Tsk tsk tsk.. Sabi ko kapit hindi yakap. Pero okay na rin."

Kinurot ko ang tyan niya dahil sa kahanginan nito.

"Ouch! Damn it! Ihuhulog kita e!"

"Wag ka nga maingay, natatakot na nga ako eh."

That Serge MadrigalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon