Ikasiyam na Kabanata

69 8 0
                                    

Georgina ❤

"OOOHHHHHH~~ SAYANG NA SAYAANNNGGGG TALAGAAA! TANGING PAG-IBIG NA ALAY SA IYOOOO~🎤 SAYANG NA SAYANGG TALAGAAAAA, PAGMAMAHAL NA DI KO MAKAKAMTAANNN SA IYOOOOOOO... OOOHHHH!~~🎤🎤"

"GEORGINA!"

"Ay sayang ang pwet mo!"-nabitawan ko ang cellphone ko. "Haluh! Ang iPhone ko!"

Agad ko itong pinulot at pinagpagan. Ikiniskis ko pa ito sa damit ko.

"Pakshet na abala yan! Babasagin pa ang cellphone ko!"-bulalas ko sa pagkainis.

Papunta pa lang sana ako para buksan ang pintuan ng kwarto KO pero kusa itong nagbukas.

dO_Ob

Jusmiyo...

"M-Mam? Mam L-Lucy??!"

Nakangiti sya. Malawak ang kanyang pagkakangiti. Posible kayang narinig nya ang sinabi ko kanina?

Kingina...

"Ako nga George."-she winked at me. "Hi?"

Nginitian ko sya at sinikap kong hindi ito magmukang isang pilit na ngiti lamang. Dahan-dahan akong kumaway.

"H-Hi Mam! He he he.."

He he, taragis! Sana hindi nya narinig ang sinabi ko. Punyetang bibig 'to, oh!

"Kanina pa po ba kayo d-dyan?"

"Mmm."-she nodded. "Pero hndi naman ganon katagal."

I sighed and silently prayed for my safety. Sana hindi ako masibak sa trabaho ko. Omooo!

"Narinig nyo po ba ang sinabi ko?"-tanong ko pero kumunot lang ang kanyang noo. "A-ano po.. Ano po kase.. Hehe. Ang ganda-ganda nyo po, mas muka pa kayong batang tingnan sa akin hehe..."

Bigla syang sumeryoso kaya mas lalong sumiklab ang kaba ko. SusmiyoMarimar!! Aww! Anong gagawin ko? Galit kaya ito sa akin?

"M-Mam? May nasabi ho ba akong mali?"

"HAHAHHAHAHAHAHAH"

Tumawa sya ng pagkalakas-lakas. Naalala ko tuloy sa kanya si Lola Mely. Bat ganon? Iisa ang halakhak ng mga tao sa mansyon na 'to?

Hindi kaya...??

Hindi kaya nakasumpa ang mansyon na to? Eh? Hndi nga kaya?

Bura! Bura! Bura! Bura!

Ako ang kinikilabutan sa sarili kong iniisip eh. Ibinalik ko ang tingin sa humahalakhak kong amo. Nakahawak pa sya sa tyan nya na animo'y utas na utas. Crazyy..

"Alam mo nakakatuwa ka talaga kahit kailan. Hahahaha."-itinuloy nya ang naudlot na pagtawa at tinapik ang kanan kong braso.

"Hindi ko narinig na sinabi mong maganda ako, pero narinig kong pakshet ang gumulat sayo hahahahha"

Muli syang tumawa. Yeah, as in. Imbis na magalit, magmura o sumigaw--tumawa pa sya. Amazing hoorayy!

"Mam? Nabigla lang ho ako! Pasensya na po. please po.. Sorry sorry sorry..."

"Ano ka ba? Hindi ako galit, I know you didn't mean that. Hahahhaa  natatawa lang talaga ako sa reaksyon mo."-bumawi sya at tumigil sa paghalakhak. "Anyway, kararating lang namin ni Luis. Matutulog muna kami."

"Ahh sige ho Mam."

"Oo sige. Ikaw muna bahala kay Serge..."

"Mam, nasa school pa ho sya. Umuna lang po ako kase maaga yung dismissal namin."

That Serge MadrigalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon