Ikawalong Kabanata

63 7 0
                                    

Georgina ❤

*"ITS BETTER WHEN IM DANCING~~yeah yeahhh.. BETTER WHEN IM DANCING~yeah. Yeah... Tentenenententen...!"*

Oh alarm ko yan, wag kayong ano! Agad akong bumangon at nagunat-unat.

"Goodmorning world!"-bulalas ko at kinusot kusot ang mata ko.

Ang gara talaga nitong kwarto KO. May sarili akong alarm clock at cellphone na pedeng i-alarm. Oh diba high tech!

Samantalang noon sa probinsya, tilaok lang ng manok ang gumigising sa akin o dili naman kaya'y tilaok ni Inay. Hehehezz.

Pag hindi naman agad ako nagising ay hinahampas nila ang pwet ko, o minsan ay dinadaganan ako ng mga punyeta kong kapatid.

Lalo na ung pamangkin ko. Anak ito ng pangalawa kong kapatid. Maagang humarot ayon, timbog! Hhaha nagpalobo ng tyan.

Napabuntong-hininga ako dahil sa biglaang pagkamiss sa kanila. Ginawa ko na ang morning rituals ko at bumaba sa kusina ng nakasando at short, habang ang tuwalya ko ay nakabalabal pa rin sa ulo ko.

Balak ko sanang magluto ng maabutan kong naghahain na si Lola Mely.

"Oh Georgina, halika na. Kumain ka na at ng makagayak ka sa eskwela."-anyaya nito at ipinagsandok pa ako ng kanin.

Yan si Lola Mely. Alam kong nasabi ko na kanina, wag kayong ano. Gusto ko lang ulitin, bakit ba? masama? E, nakaregister ako eh kaya unli, to.

Sya ung pinakamatandang katulong rito. Yung luma, remember? HAHAHAHA.

"Bakit nagabala ka pa, La? Sinadya ko pa namang gumising ng maaga para sana ako ang magluto."

"Ano ka ba anak? Kapag may pasok ay wag mo na munang isipin ang gawaing bahay. Ayusin mo na lang ang pag-aaral mo. Heto inumin mo pampatalino yan.."-alok nya at inilapag ang isang baso ng gatas.

"La anong tingin mo sakin bobo?"

"Hahahaha hindi naman. Ang ibig kong sabihin ay pampatalas yan ng isip. Mas makakatulong kako yan sa pag-aaral mo."

Tinanguan ko sya. "Pero lola, wala bang kapeng barako rito?"

"Aanhin mo naman iyon?"

"Baka ipanliligo ko lola? Tutal masydo akong maputi eh, magpapaitim ako, ganon?"

Natigilan sya at nagisip. Talaga bang seseryosohin nya lahat ng kalokohang sinasabi ko? Haysst!

"Lola kumain ka na lang. Gutom na ang brain cells mo."

"Mamaya na ako,. Sige, hintayin mo at ikukuha kita ng kapeng iniinarte mo."-paninisi nya sa akin.

Wow so parang ako pa talaga ang mali? Kinokonsensya pa talaga ako!

"Sige La, wag mo na akong ikuha para namang labag pa sa kalooban mo eh. Hindi naman ako malulungkot sakaling hndi ako makainom ng kapeng barako, super duper lungkot lang."-pangongonsensya ko pabalik.

Pero hndi na sya nagsalita pa, tinalikuran nya na ako. Wow famous ka? Stalk kita sa fb eh.

Nagpatuloy na ako sa pagkain at pagbalik nya ay may dala syang isang tasa at plato.

Inilapag nya ang humahalimuyak na kapeng barako at plato ng malinamnam na tocino!

"Oh hayan kumain ka pa.".

"Yaaah tocino!"-bulalas ko.

Its mah peyburit!!

Dali-dali akong kumuha pero hndi ko na napansing mainit pa pala ito--kaya ang ending!!.

That Serge MadrigalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon