CHAP 50

39 1 0
                                    

Georgina ❤


"Sira na ba talaga ulo mo, George!?"-bungad na sigaw sakin ni Monique pagkarating namin ni Chad sa bahay nila.

Alam kong ayaw nya nitong nangyayare ngayon. Actually, bago ako pumunta sa mansion ng Madrigal kaninang umaga ay siya ang tinawagan ko para ikwento ang lahat pero hndi nya tanggap ang lahat ng sinabi ko.

"Please Monique, would you calm down?"

Tiningnan nya nang hndi makapaniwala ang kapatid. "Calm down?! Really Chad?!"-sinipa nya ang couch at pabalik-balik sa paglalakad habang nakapamewang sa harap naming dalawa.

"Wala na syang magagawa, wala na syang choice."-ani Chad, on my behalf.

Hndi ko pa rin magawang magsalita ng maayos dahil nahihiya ako sa sarili ko at hndi ko maisip ang lahat ng nagawa at nasabi ko kanina.

"Meron! May choice sya. Alam nating tatlo yon. Hindi ba, George? You have a great choice, pero naging makasarili ka."

Parang kutsilyong bumaon yon sa dibdib ko. Bakit ang tingin nya ay ginawa ko lang yon para sa akin? Ganon ba talaga? Pero ang akala ko ito na ang best choice na dapat kong gawin.

I broke him, sinabi kong kasinungalingan lang lahat. Para ibalik na ang lahat sa dati. Para maibalik na sya sa dati nyang buhay.

Pumatak ang luha ko na kanina ko pang pinipigilan. Alam ng Diyos kung gaano ko pinigilan na umiyak sa harap niya kanina. Buti na lang at wala ang Daddy nila Chad rito ngayon.

"Ngyon, iiyak ka!? Bakit? Nasaktan ka? Wow!"-pumalakpak sya sa akin habang ipinapamukha ang katangahang ginawa ko. "Eh hindi mo naisip yung naramdaman niya kanina? Tingin mo kaya natuwa si Kuya sa ginawa mo?"

Napapikit ako nang magbalik-tanaw sa isip ko ang itsura nya habang nakaluhod at bumabaha ng luha ang kanyang mga mata.

God knows how much I want to kiss him a while ago. Gusto kong bawiin lahat ng sinabi ko, pero alam kong hndi pwede. Para sa kanya rin to.

"Monique just understand the situation! Buksan mo naman ang isip mo! Hndi nya lang to ginagawa para sa pamilya nya or even for herself! Monique she's doing this for our cousin. Para kay Serge!"

Alam kong sinisikap ni Chad na baguhin ang pananaw ng kapatid.

"Para kay Kuya Ven? What? Deserve nya ba talaga yon? Deserve nyang masaktan? Sa kabila ng sinakripisyo nya para sayo!? Ha!?"-tinabig nya ang balikat ko.

Ramdam ko ang labis na tensyon at emosyon na binubuhos nya ngayon.

"Hindi mo naiintindihan Monique.."-usal ni Chad habang hinahaplos ang likod ko.

Napamaang ito at umatras sa harap namin ng kapatid nya. Humalukipkip sya at umismid. Isnukbit pa nya ang strap ng sando nya na lumaylay na sa kanyang balikat.

Masama ang loob nya sakin ngayon. Alam ko yon. Pero umaasa akong maiintindihan nya din kung bakit ko ginawa to.

"Wala kang naiintindihan sa nangyayare."-dagdag ni Chad.

Pinigilan ko na sya at baka sila pa ni Monique ang mag-away dahil rito.

"Talaga?"-asar nyang tanong. "Hindi ko nga ba talaga naiintindihan? E kayo, alam nyo ba ang gulo na pinasok nyo?"-tinitigan nya kaming dalawa at napailing. "George, hndi mo ba nakita kung gano pinahirapan si Kuya ng pamilya nya mula nung piliin ka nya? Tapos ito ung kapalit na ibibigay mo? The hell!"-mura nya at napasabunot sa sarili. "Are you even thinking?"

That Serge MadrigalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon