@Thirty Eight

40 2 2
                                    

Georgina ❤

"NO!"

Sa pagsigaw nyang iyon ay para bang napakalaking kabawasan niyon sa takot na nararamdaman ko ngayon.

"Hindi nyo sya pedeng utusan ng ganon-ganon lang!"-mariin nyang sigaw at tuluyang bumaba upang maging kaisa naming tatlo.

Halata mong gulat ang itsura ng Mommy nya sa biglaang pagsulpot ni Serge.

"That is out of her fvcking work!"

Tiningnan nya kaming tatlo isa-isa, pero lahat ay nananatiling tahimik. Parang nasa kanya lahat at pusok at galit ngayong mga oras na ito.

"Mom? Bakit kailangang sa inyo ko pa marinig yan? I thought you'll go with me."-may himig ng pagkadismaya sa kanyang pananalita.

Napayuko naman ang Ginang dahil sa kanyang iniasta.

Bigla ay sumingit naman si Madame Graciana. "Wag mong asahang kukunsintihin ka ng Mommy mo sa kahibangan mo, Venne Serge."

Seryoso ang lahat at hndi ko gusto ang nangyayare ngayon.

"Georgina, una pa lang naman ay wala ka ng lugar sa mansion na ito. But youre lucky, nanilbihan ka pa rito. See? Maybe its time. Umuwe ka na lang sa probinsya nyo."

Parang mga kutsilyong isinasaksak sa akin ang bawat salita ni Madame Ana. Dignidad na nga lang meron ako, niyuyurakan pa.

Isa syang pakyu at malaking peste! Mas kaderder pa sya kesa sa mga peste don sa sakahan namin.

HMP!!

"Hindi nyo pedeng gawin yan."-ma-awtoridad na tutol ng jowa ko.

Oh ano kaya ngayon haaa!?

"Who said so? Baka nakakalimutan mong, I always do whatever I want."

"Then Im willing to disobey all the rules, just to save my life this time."

"Is that what you get from this lady?"-tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa.

At saka ako inirapan. Neknek mo! Mas matangkad ako sayo ghourl HAHAHA.

"Ofcourse not. This is me, after learning all the lessons. That I should stand for myself. You cant just dictate me all the time."

Nahihilo na ako sa kapapalitan ng tingin sa kanilang dalawa. Puro pa sila Ingles.

Jusko po Rudyyy! Grabehaaan.

Nasa Manila pa ba ako o nasa Great Britain na? Ampota. Kung magusap sila kala mo magkakanegosyo ang kingina!

Taas noo ang lola nya at napahinga ng malalim. Natitigasan na sguro sa ulo ng apo nya.

May mas matigas pa ho dyan, ung nasa baba. Hihihi, Omygashh Dyurdyi, so naughtyy!

"Ako ang magdedesisyon para sa sarili ko ngayon."-buo ang loob na wika nito.

"Cant you consider me, son?"-pagentrada ng Mommy nya.

Ay buhay pa pala tong isang 'to! Akala ko nahimatay na sa panis na laway nya eh.

"Kung hndi mo na kayang sundin ang lola mo. Ako naman. Minsan lang ako humiling sayo."

"At hndi ko akalain nasa ganitong paraan pa. Kase akala ko ikaw pa yung unang taong matatakbuhan ko."-naiiling na sambit ni Serge. "Looks like, pare-parehas lang kayo. Mga walang pakialam sakin at sa nararamdaman ko."

That Serge MadrigalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon