Ika-labing-isa

51 7 0
                                    

Georgina ❤

Hindi natuloy ang lakad namin ni Chad nung Sabado. Aaminin kong nanghihinayang ako, pero kiber na lang. Si Chad yun eh, hnding-hindi ako magagalit.

:>

"Hoy!"

"Hoy ka rin! Talaga bang walang lakad si Chad kahapon?"

Naglalakad kami ni Monique patungo sa room namin. Katatapos lang ng recess at mukang late na kami.

"Wala nga, aba! Maghapon lang syang nasa kwarto. Sabi nya pa nga ay wag ko daw syang abalahin."

Wosshoooo!?

"Sinungaling!"

Inirapan ko sya at nagpatiuna sa paglalakad..

Pano ba naman kaseeeee! Sabi ni Chad kay Serge nung Sabado hndi sya makakarating kase may pupuntahan siya. Tapos nalaman ko naman kay Monique na hndi naman pala sya umalis!? Maghapon lang daw syang nasa bahay.

pisteeeee! pero hndi ako galit kay Chad, swear! hihihihi..

"Malditang to!"-singhal nya ng maabutan nya ako. Ngayon ay nasa harap na kami ng pintuan ng room namin. "Ako pa gagawin mong sinungaling!? Eh hndi nga umalis si Chad!"-sigaw nya.

"Ediwaw!"

"You two!"-sigaw ni Miss na ngayon ay nagsisimula ng magturo. "Come in!"

Nagkatinginan kami ni Mon, para bang sinisisi nya pa ako sa paraan ng pagtingin nya sa akin.

"Ikaw na mauna.."-utos nya sa akin.

Wow! Tibaaay!

"Ako? Bat ako? Ikaw tong sumigaw, ikaw mauna."-bulong ko pa.

"Ikaw na kase bilis.."

"Bahala ka, ikaw na nga.."

"I SAID COME IN!"

Natataranta kaming pumasok ni Monique sa loob at halos mag-gitgitan kami sa may pinto dahil sa malakas na sigaw nito. Nakakatakot mga besh!

"Ang lalakas ng loob nyong magpalate mga duwag naman pala kayo!"

Npatungo na lamang kami. "Ikaw Ms. Madrigal! Hindi mo ko mapipigilang supilin ka kahit na malaki ang share ng pamilya nyo sa school! Daig ka pa ng Kuya mo, never syang nalate sa klase ko!"

"S-sorry Miss.."-paumanhin ni Monique.

"You may sit down. And you!?"-dinuro nya ako. "Ke-bago bago mo ang lakas ng loob mo mag-attitude!"

Well, kaya nga nauuna ang A sa B. Kase mas mahalaga ang attitude kesa beauty.

HAHAHAHAHAHA. Pano ba yan? Parehas akong meron non?

"Hahahahaha"

"Anong nakakatawa ha!? Anong nakakatawa sa sinabi ko?"

Gulat akong tumingin sa kanya. Narinig ko din ang pagbubungisngisan ng ilang mga kaklase ko.

"Tumawa ba ako?"-itatanong ko lang sana sa isip ko.

Kaso ang daldal ng bibig ko.

"Ayy opo! Tumawa ka po! Ang lakas nga po eh!"-sarkastiko nyang sabi habang nanlilisik ang mga mata.

Pahamakkk! Lagi ko na lang nasasabi yung mga isipin na dapat nasa utak ko lang. Ngayon pati pagtwa sa utak naiitawa ko na rin sa katotohanan. Jusko! Nakakabother!

That Serge MadrigalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon