Bente Sais Hehe!

64 7 0
                                    

Venne Serge ❤

"Lez' go guys!"-sigaw ng bibong-bibong si Monique.

Katatapos lang naming maghapunan, at heto naman nagyayaya sya sa may dalampasigan para raw magbonfire at maginuman.

"Ready na ba ang apoy?"

"Oo kaya! Nasabi ko na dun sa staff kanina."-she assured. "Oy Chad dalin mo ung Maria Clara saka vodka, ubusin na natin."

Inismidan sya ng kapatid.

"Talagang balak mong magpakalasing no? Porque wala si Daddy rito."

"Ano ba! I just want to enjoy duh! Anong purpose ng pagsosolo natin kung basics lang. Tss.."

Binitbit nya ang jacket at ibinalabal sa sarili. Tinapunan ko naman ng tingin si George, nakaharap lang sya sa salamin at hndi magkamayaw sa pagbabalik ng hikaw nya.

"Punyeta! Ngalay nako!"-reklamo pa nya.

"Lemme help you? U want?"-alok ni Ti at hndi ko yon nagugustuhan.

Hanggang ngayon ay ilag pa rin kami sa isa't-isa mula nung nangyari kanina sa loob ng sasakyan.

Err--fvck! Naalala ko na naman. The heck!

Did I just!? CONFESSED!?

NOOO! Ofcourse not, right? Hndi ko naman sinabing gusto ko sya. Ang sinabi ko lang ay nagseselos ako. Ok? Mahalata nya kaya yon? Perooo!--

Tangina Venne Serge Madrigal! At bat ko naman aaminin na nagseselos ako diba!?

Arghhhh! THIS IS A SHIT!

"Tara na!"

Ipinilig ko ang aking ulo at sinikap na kalimutan muna ang isiping iyon. Sunod-sunod kaming lumabas ng kwarto nina Mon, pinili ko pang magpahuli sa kanilang paglalakad. Sumakay kami ng elevator hanggang sa ground floor at tuluyan na lumabas ng hotel. Naglakad-lakad rin kami hanggang sa marating namin ang first cottage.

"Woahh! Hipon!"-dagling dumampot agad si Devon ng hipon.

"PG!"-singhal ni Chad habang iniaayos ang mga bote ng alak.

Ready na pala tong cottage na 'to. Foods are prepared, and everything was settled, even the bonfire.

"Tara na, hakutin na natin yan at dun tayo magiinom sa harap ng apoy!"

Tulong-tulong kaming naglabas ng mga pagkain, baso, alak at saka pumwesto paikot. Sa kanan ko ay katabi ko si Devon at sa kaliwa ay si Monique. Samantalang pinapagitnaan naman ni Monique at ni Chad si Georgina.

"Mabuti na lang at hndi 'to hinadlangan ng lola nyo."-pakli ni Ti at malokong ngumiti sa akin.

"Buti na nga lang, ang gusto nya pa nga e 'yong engrandeng handaan, but I refused."

Saka naman ako umimik. "Minsan na lang kase sya umuwi at ayaw nyang palampasin yung mga occassions na naaabutan nya."

"Yeah right, but still I want to be free."

"Oo nga naman dude, buti na lang talaga at ikaw ang paboritong apo. At si Uncle Luis ang paborito nyang anak hahahah"

Napairap ako. "Sometimes being favorite has no good."-I smiled bitterly. "She wants to control everything."

"Sinabi ko rin yan dito kay Chad, pero alam mo mas gusto pa raw ni Chad yung ganon. Ung may nakikialam sa kanyang lola."

Binatukan sya nito.

That Serge MadrigalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon