CHAP 47

26 1 0
                                    

Georgina ❤


"Sir, pasensya na po talaga. Bilin po ng head na bawal kayong dalawa na pumasok rito. Pasensya na po."-paghingi ng paumanhin ng guard kay Serge na nakikiusap.

Or should I say? Nangungulit. Hmn?

Halos isang oras na syang nakikiusap kay Manong guard para makapasok sa school namin pero waepek pa din. Then it hit me. School namin noon, sadly. Dahil ngayon ay hndi na. Napagalaman namin na tinanggal na kami sa list of students rito. Dropped out ang bagsak namin.

Potahens diba?

"Boss usap naman oh, sasaglit lang talaga ako sa mga kaibigan ko. Pomise hindi ako papahuli sa mga faculty."

Napailing ang guard rito. "Sir kahit gano ko kayo kagusto payagan pumasok, wala akong magagawa. Baka mamaya nito, ako pa ho yung matanggal sa trabaho. Pasensya na."

Lahat ng mga sasakyang pumapasok ay naaagaw ang pansin dahil sa aming dalawa. Kapwa nila ibinababa ang bintana para silipin ang nangyayari at saka bubusina at kakaway kay Serge ang mga haliparot na babae ng campus.

Hinayaan ko na lamang sila. Hindi rin naman sila pinapansin nito.

"Boss saglit lang talaga, kahit limang minuto lang."

Gulat ko syang tiningnan. Nagaadik ba sya? Limang minuto? Eh baka wala pa sya sa quadrangle non. Sa lawak ng paaralan ay tyak wala pa syang nagagawa sa loob ng limang minuto na sinasabe nya.

Napakamot na lamang ako sa aking ulo. "Serge, halika na. Hindi tayo pede dito."

"No. Kailangan ko makausap sina Ti."-pigil nya sa akin. "Boss, sige na po. Madali lang talaga.."

Hinayaan ko syang makipagkulitan sa guard. Wala naman na akong magagawa, baka mainis lang sya sakin pag nagkataon.

May narinig akong kung ano halimaw mula sa kung saan. Napatawa ako nang mapagtanto na sikmura ko pala iyon.

Hindi pa kami naguumagahan ni Serge. Kagabi rin ay tinapay lang ang kinain namin bilang hapunan. Wala na kase kaming grocery. But the worst is, wala na kaming pera. San naman kami kukuha? E yung konting ipon namin ay nasa mansion. Tiyak hndi namin makukuha yon dahil baka ipatapon lang kami palabas oras na tumuntong kami roon.

Tanging pera lang ni Serge sa suot nyang shorts noong araw na umalis kami ang pinagkasya namin bilang pantawid gastusin. Halos dalawang linggo na, talagang sa-id na. 

Walang-wala na.

I frowned, hinimas ko ang aking sikmura dahil wala naman akong magagawa kundi tiisin ang gutom ko.

Nilingon ko sila at matindi pa rin silang nagpapakiusapan. Talagang hndi sumusuko si Serge. Determinado talaga syang makausap ang mga kaibigan nya para humingi ng tulong.

I smiled. Malayo na sya sa Serge na nakilala ko. Yung mainisin, ung madaling magalit, ung palaging sumisigaw, ung walang pakialam sa iba.

I am really glad for now. I am also proud of him. There's no such a man like mine. He's mine.

Pagkakuwa'y isang pamilyar na sasakyan ang natanawan kong paparating. Malayo pa lang ay gumalaw na ang bubong nito.

Isa lang ang kilala kong may sports car dito sa campus. Ang adik sa mga car show at race. Si Devon.

"Serge!"

Lumingon sya kahit di pa napapansin ang pagdating ng sasakyan ng kaibigan.

"Oh? Mamaya sabi tayo uuwe."-naiirita nyang baling sa akin at muling nakipagkodakan kay Manong guard.

That Serge MadrigalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon