@Thirty One

42 3 0
                                    

Georgina ❤ 

Pabali-baliktad ako sa kama. Titihaya, dadapa, kiling sa kanan, kiling sa kaliwa. Hayst! Kung may etits lang ako siguro buntis na 'tong kama KO.

Kawawa naman sya. Pag nangyari yon, uutusan ko si Serge na panagutan ang kama KO, at ituring na parang tunay nyang anak. Hayst.

Uratex D. Madrigal. Ang gandang combination kung nagkataon.

Pero speaking of him. Hmp! Awtomatiko akong napasimangot. Alas otso na, hindi pa din sila umuuwi, san kaya nagpunta ang mga yon?

Hala! Di kaya naboring? Baka nagkakayayaan silang magbonding sa milky way? Oh noes, may lahi pa naman abnormal ang pamilya nila. Ginagawang tourist spots ang iba't-ibang bansa.

ISANG MALAKING SANA OL.

"Kapag ako yumaman. Pupunta kaming Greenland para lang mag-almusal."-pagkausap ko saking sarili habang nangangako. 

"Dadalhin ko sila sa Pacific Ocean, para maghilamos."

Napatitig ako sa kisame at inisip ang mga pangarap ko habang mag-isang nagsasalita.

Ang tunay na maganda, bestfriend ang sarili. Tandaan mo yan.

*knock knock*

Hindi ko pinansin ang sunod-sunod na katok na yon dahil naisip ko namang walang tao rito maliban sakin at sa ibang mga katulong. Baka multo lang yon, bahala nga sya.

"Tapos isasama ko sila sa Disney Land. Papakyawin ko ung mga mascot don para gawing laruan ng mga pamangkin ko."

Ano pa bang pedeng gawin pag yumaman ako? Suggest nga kayo.

*knock knock*

Muli na namang kumatok yung multo. Hayst? Pero di nga kaya katulong yon? Baka papakainin nako?

"Ayaw ko pang kumain, yaya. Wala akong gana, iwan mo muna akong magisa."-utos ko at sinadyang laksan yon para marinig nya.

Nawala ang pagkatok kaya muli akong nagpokus sa kisame. Ang kintab, samantalang noon sa probinsya, puro sapot ng mga pitik-bahay ang nakikita ko sa tuwing titingala ako.

Nawawala lang yon tuwing Sabado, kapag nagaagiw ako. Hehezz...

"Open your goddamn door!"

eh?

Boses ni Serge yon ah?

Sino kaya yon?

Echos! Nagpapanggap lang akong bobo, pero ang totoo matalino talaga ako. Lagi nga akong kasali sa Ms. Nutrition non samin, at nilalampaso ko sa Q and A ang mga kalaban ko. Pak na pak, right?

"Georgina!"-isang mas malakas na sigaw pa kaysa kanina. "On the count of 3..2.."

Mabilis pa sa alas-kwatrong napabalikwas ako. Baka mamaya nito kasama nya ang Lola nya. Nako yari! Baka sibakin ako pabalik sa Batangas.

As I opened the door, his formal look enveloped my eyes. Yan yung suot nya kanina, hindi ko lang natitigan dahil nga galit ako.

Or should I say, naggagalit-galitan ako? Haha.

"What took you so long?"-kunot na kunot ang noo niya sa harapan ko.

"Ano bang kailangan mo?"-sa halip ay tanong ko.

Pansin ko ang lamlam ng kanyang mga mata. Nananatili sa baba ang kanyang tingin at nakasandal lang sa may gilid ng pinto.

"Okay ka lang ba?"-tanong ko pero nanatili syang tahimik. "Ano bang pakiramdam mo? May sakit ka ba? Ha?"-sinalat ko ang kanyang noo.

That Serge MadrigalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon