Ika-labing-anim

71 9 0
                                    

Georgina ❤

Malakas ang kabog ng puso ko. Sinlakas ng buzzer na naririnig ko. Nagovertime na! Pero tie pa rin ang score!

"Nagtie ang dalawang team. 5 mins water break. Pasok ulit sa court para sa tie breaker."-ani ng announcer.

Lumabas na ang kabilang team. Pero hndi pa din ako makamove-on..

Hindi sana kami magtatie! Lalamang na sana kami ng dalawang puntos. Kaso ang tanga-tanga ko! Hinayaan ko pang maagaw sakin ang bola kahit last minute na! Sakin sana ang last shoot kaso nawala ako sa focus!

"Sorry guys.."-nanlulumo kong aniya.

"Okay lang yan. Hindi mo kasalanan. Parte to ng paglalaro."-tinapik ni Monique ang balikat ko hanggang sa makarating na kami sa kinaroroonan ng boys pati ni Coach.

Napasimangot kaagad ako. Nadi-disappoint talaga ako.

"Girls, that's a good game!"-bungad ni Coach Eliar sa amin. Tinapik nya ang ulo ko. "Hey, dont blame yourself George. Game was well played. Ang galing nyong lahat."

"Pero Sir, hndi na sana magtatie kung hindi ako nagpatanga-tanga."-paninisi ko pa saking sarili.

"Hindi sana magtatie kung hindi inagaw ng kalaban sayo ang bola, yun yon! hahahaha"-Ti

Nagtawanan ang lahat sa kanyang biro samantalang ako ay bahagyang ngumiti lang.

Kasalanan ko pa din :<

"Walang sisihan sa laro."-sambit ni Coach. "You're a team, you're a family."

"Eh maarte lang tong si George Coach, wala namang naninisi sa kanya eh. Dba?"

"Oo nga. Actually sya rin naman nakapagpapuntos sa amin ng marami eh."-dagdag ni Iomi.

Tumango na lamang ako at umupo sandali. I want to compose myself, 3 mins na lang at mags-start na ulit.

What is exactly happening to me? Kanina, habang hawak ko ang bola. Alam kong malaki ang posibilidad na mai-shoot ko yon dahil maganda ang pwesto ko at tyak akong papasok ang tira ko.

Pero bago ko magawa yon, nahagip ko ng aking tingin si Serge at bigla na lang akong nawala sa sistema ko.

I felt confused and uneasy, nagpanic ako at hindi ko na namalayan ang pag-agaw sakin ng bola.

Sheeettt! Kasalanan ko talaga! Inihalamos ko ang sariling palad saking mukha..

"Its your fault actually."

Ngayon ay katabi ko na pala si Serge. Puta pete naman oh.

"Andito ka ba para i-comfort ako o lalong i-down lang ang sarili ko?"

I heard him chuckled. "Drink first."

Inabot ko ang tubig nyang ibinibigay at uminom ng mabilis. Wala pang isang minuto ay ubos agad ang laman ng isang bote.

"Di ka naman uhaw?"-sarkastiko nyang tanong.

"Ikaw kaya ang palaruin ko ron? Tingnan natin kung hndi ka mapagod."

"Tss. Ang sunget mo, palibhasa hndi mo nakita ang crush mo."

Sunod-sunod akong napalunok. S-si Chad? Damn it George! Sino pa ba? Si Chad lang naman talaga!!

"Mabuti nga at hindi nya ako napanood eh, nakakahiya kung nagkataon."

"You're really stupid! You're fvcking idiot! Kaya ka siguro nawawala sa focus ay dahil lang sa kaiisip sa isang lalaki."

That Serge MadrigalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon