Chapter 4

481 13 2
                                    

Franki's POV

Galing ako work at sa ngayon kasulukuyan akong naghihintay ng masasakyan para makauwi na kasama si Argel ang boyfriend ko. We've been together for 2 years masaya naman kami kasi Argel is really a good man yun nga lang minsan nag aaway kami pero natural naman yan sa isang relasyon diba?

" Babe? Kaya mo pa ba? Alam ko na nahihirapan ka na eh. " nag alalang tanong sakin ni Argel he's holding my hands right now. Tiningnan ko siya ng buong pagmamahal.

" Babe kelan ba ako sumusuko alam mo namang gagawin ko lahat para sa pamilya ko diba? Kahit na mahirapan ako. " i said and smile to him.

" kaya I'm falling inlove with you everyday eh kasi you're different from other girls. Bukod kasi sa sexy at beautiful ng girlfriend ko. " saka pinulupot niya yung braso sa bewang ko. Wala siyang paki kung may mga tao dito na makakita.

" Napaka sipag pa! " sabay halik sa pisngi ko silbi yung posisyon namin ngayon naka backhug sya sakin.

" Babe naman wag masyado PDA may mga tao oh. " bulong ko.

" Yaan mo sila inggit yan sila. " and he chuckled na parang kanta sa pandinig ko. This man never failed to amazed me.

" I love you babe. " dagdag pa niya.

" I love you too. " and I smile.

Nakarating na kami ng bahay medyo late na kasi traffic pero halos mawalan ako ng lakas sa nasaksihan ko. Yung mommy ko kinakarga at may ambulansya na nakaparada sa bakuran namin si Daddy namin iyak ng iyak.

" Mom? Mom?! " naiiyak na rin ako. " Dad anong nangyayari? " tanong ko kay Daddy.

" Ang mommy mo anak inataki na naman sa sakit niya. " nanghihina yung mga tuhod ko mabuti nalang talaga at nasalo ako ni Argel na kanina pa pala sa likod ko.

" Bakit ba nangyayari samin to? " diko mapigilang di panghinaan ng loob. Have I'm not suffered enough?

" Babe kelangan may sumama kay Tita sa hospital hinihintay na kayo ng mga rescuers. " bulong sakin ni Argel. Tiningnan ko muna si Argel saka tumango.

Sumama ako kay mommy na walang malay saka sumunod naman si Dad at Argel. Kahit sa loob diko parin talaga mapigilang maging emotional. Ilang minuto lang nakalipas ay nakarating na agad kami ng hospital.

" Ma'am hanggang dito nalang po kayo sa labas lang po kayo pwede maghintay. " sabi nong nurse diko mapigilang maiyak. Naramdaman ko nalang na may yumakap sakin.

" I'm just here babe, I'm just here. " si Argel.

Tiningnan ko si Daddy at nanlumo ako ng makitang nanghihina sya na para bang wala sa sarili niya. Napapikit nalang ako at napayakap ng mahigpit kay Argel. Mygod ano ba ang nangyayari sa pamilya namin?

Ilang oras din ang hinintay namin dito sa labas sa wakas lumabas na din ang doctor. Agad na lumapit si Dad sumunod din ako.

" Doc kumusta ho yung asawa ko? "

" kayo po ba ang asawa? " tanong ng doctor.

" Yes ako po kumusta ang lagay ng asawa ko? "  nag alalang tanong ni Dad. Huminga na muna ng malalim ang doctor.

" Kayo na po muna ang gusto ko kausapin Mr. Russell. " sabi nong doctor.

" Huh? Doc gusto ko malaman ang kalagayan ng mommy ko. " pagmamakaawa ko.

" Mas better kung ang daddy mo muna ang kausapin ko. " tiningnan ko naman si Daddy nginitian niya ako. I sigh in defeat saka pinagmasdan nakalayo si Dad at yung doctor.

A MOMENT TO REMEMBER (FRANKIANA FANFIC) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon